CANDICE'S POV
Nasa school na ako. 6:15 pa lang. Aga ko no? First time yan! Hahaha! Buti nga maaga ako pumasok eh. Lakas ng ulan pero may pasok pa din. Nakakatamad tuloy. Wala pa yung P5. Mga late pumapasok yun eh. Haha. Napatingin naman ako sa gilid ko. Andito na pala si Patricia. Nakatingin lang siya sa may labas ng bintana. Ano nga kaya problema nila ni Casimir? Di pa rin sila okay? Napatingin naman siya sa gawi ko kaya napaiwas ako ng tingin.
PATRICIA'S POV
Maaga akong pumasok ngayon. Bakit? Wala lang. Trip ko lang. Haha. Nagtext nga pala si Casimir na mag-uusap na kami ngayon kaso late nga pala pumapasok yun. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Wala akong magawa eh. Wala rin akong makausap. Wala naman kasi akong masyadong kaclose dito bukod sa P5. Napansin kong parang may nakatingin sakin kaya tiningnan ko. Nakita kong si Candice ang nakatingin sakin. BIgla naman niyang iniwas yung tingin niya sakin. Sus. Marunong pa pala siyang mahiya. Nakita ko rin si Dane. Andito na rin pala siya. Naalala ko tuloy yung kahapon. Ba't kaya nakatingin rin siya kila Mir? Hmm... Never mind. Napatingin naman ulit ako kay Candice. Well, inaamin ko medyo inis pa rin ako sa kanya. Pero pipilitin kong maging okay na kasi magiging okay naman na kami ni Mir mamaya.
CANDICE'S POV
Pagkaiwas ko ng tingin ko kay Patricia, napatingin naman ako sa kabilang side. Andito na pala si Dane. Di ko napansin kanina. Hehe.
Dane: Good morning, Candice! *smile*
Candice: Good morning din, Dane!
Dane: Ngayon lang pala ulit tayo nagkausap.
Candice: Ay oo nga no? Long time no talk. Haha.
Dane: Oo nga eh. Masyado kang busy kay Casimir.
Mahina lang yung pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin naman. Ganun na ba ako ka-attached kay Casimir? Di ko na napansin yung ibang tao. Well, si Casimir rin naman kasi yung lapit ng lapit eh. Nagkunwari nalang akong hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.
Candice: Oo nga eh. M-medyo naging busy lang. Hehe. Sorry ha?
Dane: Ayos lang yun. Nga pala, pansin ko kanina pa nakatingin sa'yo si Patricia. Anong meron? Parang konti na lang kakainin ka na oh. Hahaha. *nguso kay Patricia.*
Napatingin naman ako sa likuran ko. Oo nga. Ang sama ng tingin. Ang alam ko sila lang ni Casimir ang may problema ha? Bakit parang pati sakin galit? Galit sa mundo teh? Chill lang. Kala mo pasan ang daigdig eh. Hahaha!
Candice: Ah may problema lang ata sila nung bestfriend niya kaya ganyan. Haha.
Dane: Bestfriend? Sino? SI Casimir?
Candice: Oo. Si Casimir. Magka-away yata sila eh. Ay ang daldal ko na. Haha. Basta yun.
BINABASA MO ANG
Deluded Lovers (KN)
Fanfic"Some things are destined to be-- it just takes us a couple of tries to get there" -J.R. Ward Deluded- Being tricked, fooled. The Deluded Lovers is a story about 2 people who are being tricked by the people around them. Former Title- The Prejudice L...