Prologue
-----
Suzy
Kakatapos lang ng dance practice namin, at palapit na din kami magdebut. From 5-6 years na nagtatrain kami, akalain mo, makakapag perform na din kami sa stage? At makakakanta na din kami.
"Stephanie," tawag sa'kin ng aking kaibigan na si Elena, she's one of my bestfriend noong pumipili pa lamang si manager JYP kung sino ang magiging mga members ng grupo. Lumingon ako at nginitian s'ya.
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Wag kang mala-late bukas ah, at sabay na din tayong umuwi." Oo nga pala, bukas na din ang rehearsal, time passes by so quickly, no?
Oo nga pala, I haven't introduced myself just yet. My name is Stephanie Suzy Maxwell. You don't have to know my age do you? Ako ay galing grupong sisikat pa lang, Romantic Bleu; RB.
"Osige El, alis na ko may pupuntahan pa ko." ika ko habang nililigpit yung bag at basang basa kong damit na may pawis.
"First time nating di magsabay ah." tumawa s'ya ng mahina habang pinapanood ako, ngumiti ako at tumingala na lamang sakan'ya. "Eh kasi sabi ni Manager puntahan ko daw sya ngayon." sagot ko naman; handa na kong umalis. Ngunit bago noon ay nagpaalam na ko sa iba kong members at kay Elena.