Saan ko ba sisimulan?
Ah sige! Simulan natin kung sino ako. Wala ordinaryong taong katulad nyo. Lalaki,payat,singkit,maputi hindi naman gaanong pogi pero may mukha as usual. Simple lang din katulad ng mga taong nakakasalubong nyo sa daan.
Wala naman akong alam sa pag-ibig noon. Basta ang alam ko magka-girlfriend then ayun na. Yun lang naman ang alam ko noon para magkaroon ng twist tong buhay ko.
Pero may isang pangyayari na ewan ko? Dinibdib ko ata masyado yung salitang pag-ibig.
Grade 6 ako noon nung una ko maranasan mag ka-girlfriend. Ang weird kasi mga galawang bata pa ko noon. Yung tipong sasabihin ko sakanya na "may ibubulong ako sayo." sabay halik sa pisngi" tas sabay haharurot sa takbo. Yung mga bagay na habang pila nyo ng uwian mag-hoholding hands kayo na nakatago yung mga kamay nyo sa likod habang naka-sandal sa pader para di mahuli ng teacher nyong panot.
Lover boy na ata ako kahit wala pa kong kaalam-alam sa mga ganung bagay.
Dun ko naisip na nakakatuwang mag karoon ng girlfriend. Akala ko masaya kasi walang problema kasi mga bata pa kayo pero hindi pala ganun yon.
(high school days)
Well, enrolled sa isang university from public school. As usual kahit 1st year high school pa lang may girlfriend na. Di ata ako nababakantehan noong mga panahon na yun. Kahit ganun pa ko kabata iba na ang turing ko kung pano mag ka-girlfriend yung tipong puro ka surprises? Napaka-sweet mo na kahit di ka na mag break time at lunch maka-ipon ka lang ng pang regalo sa girlfriend mo kasi mahal mo yung ginagawa mo.
Single ako noon. Well sa di pa tinitigyawat ang mukha ko noon cute pa ko nun. Sa church namin, isa akong miyembro ng choir. Natural pag may pag samba/simba ..
Exposed na exposed yung mukha doon. May napapansin akong babae na laging nakatingin sakin.
Hindi ko naman kilala dahil sa dami ng mga tao.
May kumakalat na balita galing sa mga kakilala ko na crush daw ako nung babae. Di naman ako mahiyain nung bata ako pag dating sa babae dahil sa background at experience ko pag dating sa mga babae kahit bata pa ko.
Well nagka-kilanlan kami. "Hi!" sabi ko and she was like "hello!" pero di sya makatingin sakin ng diretso. "anong name mo?" i said. Then sya hampas ng hampas sa katabi nya at panay ang tawa at ngiti dahil siguro sa kilig. Wala natatawa nalang din ako sakanya. Haha
"Ako si Lyn" she said. "Ow hi! Ako si Gell." then i smiled.
Nagkikita lang kami every time na may worship service every sunday.
And then ayun hanggang sa nakuha nya yung number ko. Pakiramdam ko ako yung babae dahil sya yung dumidiskarte. Di naman sa feeling pogi pero nag tataka ako? Ngayon ko lang naranasan na babae yung lumalapit sakin. Well masasabi kong patay na patay siya sakin dahil sa mga ginagawa nya. Hindi pa naman uso ang cellphones at android phones noong panahon na yun. Sa gusto niya kong makausap .. Siya yung nag lo-load sakin para lang makausap ako dahil wala naman talaga akong ganang mag text noon ang hilig ko lang noon maupo at manuod ng tv.
Hanggang sa naging kami. Tumagal kami ng hindi namin alam kung anong araw ba kami nag simula o kailan ba yung monthsary namin. Actually mag kalapit lang kami ng bahay noon. Kaya everytime na gusto namin mag-kita.. Ayun reachable kami sa isat-isa. Yun yung unang pinakamatagal na relationship na naranasan ko. Hanggang natutunan na namin kung paano humalik sa labi. As usual mga bata pa kami noon kaya patago naming ginagawa yung mga hugs and kisses. Everytime na may maririnig kaming yapak sa hagdan parang kaming negative magnets na mag hihiwalay na parang di namin kilala ang isat-isa. Syempre kaya ganoon eh kasi nga mga bata pa kami. Bawal na bawal kaming mahuli kung hindi lagot kami sa mga magulang namin.
At that time wala pang Facebook noon. Friendster ang uso yung mga features na may background music yung account mo,may background wallpaper yung account mo, at wala pang chat noon kaya kailangan mong gumawa pa ng yahoo account para sa yahoo messenger.
High school school mates kami noon. Isang room lang ang pagitan ng mga silid aralan namin. School hours namin ay 7am-4pm included na dun ang break time at lunch.
Syempre gawain ng boyfriend hatid dito sundo doon. Mga natural na gawain ng boyfriend. Isa siyang ballerina may kaya rin ang pamilya ni Lyn. Doon na ko natutong mag mahal noon. Kung paano mag seryoso,kung paano mag mahal ng totoo.
Then one time..
Everything went wrong.
Nagkagulo-gulo lahat ng mga bagay-bagay tungkol saamin.
May access kasi ako noon sa friendster account nya kaya nakikita ko lahat ng kausap nya.
Ngayon ko lang naranasan to.
Sobrang sakit ..
Bakit ganito?
Selos ang nararamdaman ko.
May kausap siyang ibang lalaki na bukod pa saakin. Wala na kong magagamit na ibang word kundi "landi" ang ginagawa nya. Nakikipag flirting siya sa iba.
Nanginginig sa lamig ang mga kamay ko, hindi ako makatayo sa inuupuan ko habang binabasa yung conversation nila. Kahit ayaw ko ng basahin binabasa ko parin.
Tinext ko siya ng mga oras na yun.
"sino yung kausap mo sa friendster?" i said.
"wala yun!! :(" she said.
Hanngang sa hindi ko na siya nireplyan. Nagkikita kami sa school ng hindi ko siya kinakausap buong araw ng klase. Tumagal yun ng halos isang linggo na ganun yung eksena namin. Kahit gustong gusto ko na siyang patawarin hindi ko magawa ng dahil sa galit sakanya dahil ngayon ko lang naranasan yun. Kahit awang-awa na ko ang tigas ng puso ko para sakanya.
Then one day di na niya nakayanan.
Someone ran to me..
"si Lyn umiiyak kausapin mo na daw siya!"
Sabay naming pinuntahan si Lyn habang umiiyak sa sulok habang maraming mga kaklase nyang nakapalibot sakanya at pinapatahan siya.
Dumaan ako at tumabi ang mga kaklase niya.
"Lyn tahan na." and then tumayo sya sa pagkakaupo niya at patuloy na umiiyak. Lumambot na ang puso ko at wala na kong magawa dahil nadudurog ang puso ko na naririnig ang mga iyak niya.
"Lyn tahan na kasi! Sorry na din please? Sorry na tumahan ka na." at niyakap ko siya ng mahigpit. Wala na kong magawa kahit napakadaming nanonood saamin tumahan lang siya.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS
Short StoryA short story about sa guy who fell inlove to her bestfriend. Well read the story to find out what will happen next. Falling inlove to your besfriend ay maganda ba o hindi? The story will tell you the answer.