THE KARMA

171 2 0
                                    

Tumagal yung ganung situation namin. At tulad ng inaasahan ko napapalapit na si Mary sakin.

At tulad ulit ng inaasahan ko.

Naging kami ni Mary. Pakiramdam ko sikat na sikat ako dahil napasagot ko si Mary. Tuwing mag kasama kami andaming nakatingin samin. Konserbatibo si Mary ayaw niyang nag mumukha kaming magkarelasyon pero kalat na sa buong paaralan na kami na nga. Tipong pati mga higher year samin mapa-4th year niiligawan si Mary pero ako lang nakapagpa-oo sakanya.

Again.. Gampanin ng boyfriend.

-"tara mary kumain ka na? Tara treat ko."

-"drinks lang saakin. Busog pa ko."

-"bakit drinks lang? Di ka ba nagugutom?"

-"hindi nga ko nagugutom!"

-"woh! Chill okay sige drinks lang kalma."

And then yun nga drinks lang binili ko sakanya. Tuwing vacant namin o pag walang teacher umaakyat ako sa room nila para bisitahin siya. Araw araw kong ginagawa yun para lang makita ko siya.

And one day nag usap kami.

-"Gell pwede ba M-W-F nalang tayo magkita?"

-"Bakit naman? Anong dahilan?"

-"wala lang. Sige na sumunod ka na."

Ako naman walang magawa kundi sumunod na lang. Dahil nakakatakot siyang magalit.

Nakilala ko yung isang classmate ni Mary sa section 1 na bestfriend niyang si Rilla na way din para makilala ko yung magiging bestfriend ko na mamahalin ko ng seryoso.

Si Rilla yung naging watch-man ko para kay Mary dahil nga M-W-F lang kami pwedeng magkita.

Inu-update ako palagi ni Rilla kay Mary kung kamusta na siya.

Napaka-ganda rin ni Rilla. Maputi,matangkad hawig kay julia barretto pero isip bata para maging crush ng bayan din si Rilla.

Nakakaramdam na ko na parang ayaw na ni Mary sa relasyon namin dahil parang inuunti-unti niya ang pag-layo sakin.

Again one day nag usap kami ni Mary sa chat.

-"Gell mag hiwalay na tayo."

-"bakit?!"

-"ayoko na."

-"bakit? Ano bang nagawa ko sayong mali? Wala naman ah?!"

Wala pang seen ang facebook noon pero hindi na siya sumagot sa mga chat at mga text ko. And she's gone. *insert back ground music isang linggong pag-ibig.*

Well yun na nga. Isang linggo lang kami tumagal. Naramdaman ko nadin ang ako naman ang iwan.

Naging close kami ni Rilla ganun na din para makilala ni Rilla yung dalawa kong malapit na kaibigan na si james at josef para mag ka-gusto silang dalawa kay Rilla.

Niligawan ni james si Rilla para maging mag M-U sila. Ako naman nakilala ko si hannah na elementary school mate ko na nag aaral na ngayon sa dating school ko sa private na naging girlfriend ko sa mga panahong yon. Kilalang kilala pala ang pangalan ko noon sa elemtary dahil para maging kilala ako ni hannah.

Birthday ko noon. Nagtext si James bigla saakin.

-"Gell! Nandito kami sa labas kasama ko si Rilla tsaka yung isa niyang kaibigan bestfriend niya ata. Puntahan mo kami dito."

-"anong ginagawa niyo diyan?! Tara dito sige sunduin ko kayo diyan."

At yun na nga pinuntahan ko sila.

-"hoy James! *chest to chest* kamusta? Ah kasama pala si Rilla hi haha!"

Napansin ko yung isang babae na tahimik sa tabi na kasama ni Rilla.

BESTFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon