"sorry na Gell :(" she said to me habang umiiyak at hinahabol nya yung hininga nya kakaiyak.
"sige na Lyn tahan na ha?" habang kino-comfort ko siya.
and doon lang siya tumahan.
Kahit parang napilitan lang ako dahil sa sakit ng mga nalaman at nabasa ko.
That time uso ang boys over flowers. Ewan ko ba tinatawag nila akong jun pyo noon siguro dahil sa mga gestures ko at kilos.
May isa akong kaklaseng babae na hindi ko naman inaasahan na may gusto din pala sakin. Siguro pag-hanga lang talaga dahil nga may girlfriend ako. At that time nakakausap ko sya na crush nya din yung isa naming classmate. Aminado naman lahat kami sa klase na pogi talaga yung lalaking yun. Maganda yung pangangatawan,mayaman,pogi,naka-braces yung tipong maihahawig mo na sya kay jake cuenca.
Open naman kasi ako sa lahat ng classmates ko. Ako yung tipong open sa lahat. So ayun kwentuhan kami about doon sa crush nya. Payo dito payo doon. Si Angel pangalan ng classmate kong babae. Ewan ko pero madalas niya kong kausapin. Walang humpay ata kaming mag kausap na puro tungkol lang sa crush nya yung pinag uusapan namin.
Then one time sa loob ng klase..
Tuwang tuwa kami dahil hindi pumasok yung guro namin.
At naisip naming magkatuwaan.
Common na laro..
"Spin the bottle."
Tapos na yung turn ko at nasagot na yung mga tanong na ibinigay saakin. Well it's my turn.
And suddenly tumapat kay Angel yung bote.
Dahil nga sa yun yung pinag-uusapan namin lagi..
Yun yung itatanong ko sakanya at sasabihin na nya talaga sa lahat na kung sino talaga crush niya.
"sino ba yung crush mo Angel? Hahaha naks!" i said.
And then.
Nakakapagtaka.
Bakit nanahimik yung lahat?
"hey guys ano na?! Hahaha okay lang kayo? Bawal pass ah? Kotong mag pass hahaha."
Di makapag salita si Angel.
And then yung isang classmate na katabi nya sabi..
"ibubulong nalang nya daw Gell!"
"okay sige! Hahaha arte ibubulong pa." sabi ko sakanya.
At lumapit na nga ko sakanya at nilapit ang tenga ko para sa ibubulong niya.
Ang tagal niyang sabihin yung sagot. Bumebuwelo ata sa sagot.
And then she said..
"IKAW!"
At tumakbo siya palabas ng silid aralan namin at umiiyak at yung iba naming classmate hinabol siya.
Ako nalang pala hindi nakakaalam na ako pala yung crush niya matagal na.
"bakit kasi yun pa tanong mo Gell? Ayan tuloy mahihiya na yun sayo."
Sabi ng classmate ko.
"aba?! Malay ko naman diba?! Di ko naman alam na ako pala yun eh :/"
Sabi ko.
Hindi ko na rin siya pinuntahan at hinintay ko nalang siyang bumalik ng room ng dahil narin sa hiya. Hindi na siya namamansin pagkabalik niya. Di narin makatingin ng diresto dahil naamin na nya ang totoo.
"dapat pala hindi nalang yun yung tinanong ko badtrip ayaw na tuloy mamansin."
Sabi ko sa sarili ko.
Uwian nanaman.
Ayun balik sa obligation ko bilang boyfriend dahil nga ayos na kami.
Ihahatid ko nanaman siya pauwi.Pero hindi pa talaga ako nag papatawad sa loob-loob ko.
Gumugulo sa isipan ko si Angel.
Naaalala ko yung sinabi niya.
Ginugulo ako ng mga pangyayari kanina. Siguro nga dahil sa galit ako kay Lyn may mga tumutukso sa isipan ko.
Matangkad si Angel kumpara kay Lyn. Maganda rin si Angel. At ayun na nga. Si tukso kumakatok sa isipan ko na kung ano kaya kung i-grab ko yung opportunity na ligawan si Angel habang crush niya ko?
Infatuation yun alam ko pero di ko pa alam ibig sabihin ng feeling na yun dahil doon palang nag sisimula lahat ng experience ko sa lovelife.
Nananatili parin yung galit ko kay Lyn siguro sa grabe ng mga nabasa ko dahil nag papalitan na sila ng i love you at may call sign nadin sila. Kaya i gave it a shot. I broke up with Lyn. As usual iiyak si Lyn pero di ko na inintindi yun.
Nag pakita na ko ng motibo na gusto ko si Angel. Mas madalas ko na siyang samahan kaysa kay Lyn. Lagi kong tinatabihan si Angel sa klase. Palagi kong idinidikit yung mga braso ko sakanya kapag mag katabi kami. At alam ko gusto niya rin yun dahil hindi niya inaalis ang mga kamay niya.
Nakaramdam si Angel na pinapakita kong gusto ko siya after ng mga pangyayari.
"Gusto mo bo ko Gell?"
Sabi niya saakin.
Di naman ako nag dalawang isip na sagutin agad yun. Hindi ako nag iisip na nagloloko na pala ako ng mga panahong yun.
"Oo Angel. Gusto kita." i said.
Hindi ko na inisip na wala naman talaga akong pag tingin sakanya lalo na yung pinaka-importante kong maramdaman..
"eh pano si Lyn?" sabi ni Angel.
"wala na kami." at sinabi ko yung mga kasalanan ni Lyn sakin.
Nanahimik si Angel at tumulo ang mga luha mula sa mata niya papunta sa mga pisngi niya. Alam ko naguguluhan nadin siya kung anong gagawin niyang susunod na move.
Mula sa kinauupuan namin. Dumaan si Lyn kasama ng mga babae niyang kaklase. Alam ko inii-stalk niya ko palagi dahil panay ang daan niya sa room namin. At nung oras na yun nakita niya kaming magkatabi.
"Gell naguguluhan ako :(" ang sabi niya sakin habang umiiyak ng tahimik.
"hindi ka naman dapat maguluhan eh." sabay punas sa mga pisngi niyang basa sa luha niya gamit ang mga kamay ko.
At nakita ni Lyn yun alam ko. Dahil nakasubaybay yun sa labas ng room namin pero pag tingin ko sa labas wala na siya. At sarap sa pakiramdam na makaganti. Kahit alam kong masama at may masasaktan ginawa ko parin.
Kinabukasan.
Nag bago si Angel. Sinasakyan na niya yung mga ginagawa ko sakanya. Sweet nadin siya sakin. Caring na din siya kahit papaano. Walang nangyaring ligawan pero nahahawakan ko na ang kamay niya.
Si Lyn naging bitter. Pati mga classmate niya nadamay sa pag ka-bitter niya siguro dahil galit sila sa mga pinag-gagagawa ko.
Natapos ang 1st year namin. Natapos din ang communication ko kay Angel at nawala ako ng parang bula. Dahil nga siguro naisip ko ang mga bagay-bagay na infatuation nga lang yun dahil sa nararamdaman ko. Let's say na ginawa ko nga siyang panakip butas.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS
Historia CortaA short story about sa guy who fell inlove to her bestfriend. Well read the story to find out what will happen next. Falling inlove to your besfriend ay maganda ba o hindi? The story will tell you the answer.