Inenroll ako ng magulang ulit sa public school dahil nga daw sa wala naman daw'ng pinag kaiba ang turo ng private kumpara sa public. At alam kong nagtitipid din sila.
Well 2nd year high school na. Medyo nakakapanibago dahil ibang iba ang atmosphere ng public high school kumpara sa private high school. Pero di naman mahirap mag adjust dahil sa public din ako nag elementary.
As usual. Girlfriend nanaman iniisip ko. Parang super duper ultra mega lupit ng mga mata ko sa pag hahanap ng babae.
"well maganda siya. Uhm di nalang. Yun kaya? Ayoko din. Ah yon! Di rin ayoko."
Kahit ako mismo napapangitan sa attitude ko noon. Dahil parang pumipili lang ako ng laruan noon sa department store.
Dahil sa ginawa ni Angel at Lyn.. Yumabang ako na parang kaya kong kunin lahat ng babae.
FIRST DAY OF CLASSES.
Pa-V.I.P ako kasi late pero feel na feel ko naman dahil para matandaan nila agad yung mukha ko.
Nakaupo na silang lahat. May nakita akong isang bakanteng upuan doon sa sulok dahil narin siguro sa apelyido kong nasa letter Z na nagsisimula kaya as usual akin yung upuan na yon.
Habang dumadaan ako sa gitna habang ang mga kamay ko ay nasa bulsa. ayan nanaman yung mata ko. SCAN! SCAN! SCAN! Naghahanap kung may cute ba kong babaeng kaklase.
Sabay upo na ko doon sa sulok. Biglang de-kwatro. Nag-aangas nadin ako para walang mag aangas saking lalaki dahil alam ko ang takbo ng public high school lalo na sa usapang lalaki.
Ayan na. Nag salita na yung teacher.
"okay class pakilala niyo mga sarili niyo in front para makilala niyo na ang isat-isa."
At nag simula na. Pakiramdam ko ako yung nag i-interview sa mga aplikanteng babaeng mag a-apply sakin.
Pakilala dito.. Pakilala doon..
Wala pa kong nakikita ah? Shemay panget ng section ko pano ako gaganahan mag aral neto?
At ako na ang mag-papakilala. Moment of truth na. Halos lahat sila tagalog ang ginamit na lengwahe ng pagsasalia. Para maiba alam ko na.
At nakatayo na ko sa harapan.
"goodmorning class. Well My name is Gell i live at *insert address* from *insert private school name* i love to cooperate with you guys in terms of school projects and I'm glad to be part of this section."
Siguro namangha sila dahil sa ginawa ko at para ipaalam ko sakanila na well haha isang taon ko lang naranasan ang Private school. At alam kong pogi points yun para sa mga babaeng nasa loob ng classroom namin.
"ver well said Mr.Gell very impressive. Okay class may transferee pala tayo si Mr.Gell kaya class ipakita niyo sakanya na hindi siya nag kamali ng school na pinag-enrollan."
sabi ng teacher namin. Pakiramdam ko tuloy may special treatment akong mararanasan dito which is good. At ayun lumipas ang mga araw na wala akong nahahanap na maliligawan. Nag karoon na din ako ng mga kaibigang kaklase or matatawag kong tropa na napaka-bully. Ayoko lang talagang sakyan yung mga pang-aasar nila sa di kagandahang babae na mga kaklase namin.
"hahaha pare pare! Dadaan na si bakekang hahaha!" sabay tawa ng malakas ika ng mga kaklase ko.
"mga gunggong! Tigilan niyo na nga yan." sabi ko sakanila.
Alam ko na napansin yun ng mga kaklase kong babae na hindi ko sinasakyan yung mga biro nilang ganun at nakikitungo ako sa mga kaklase kong babae ng maayos kahit pa doon sa mga inaasar nilang panget.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS
Short StoryA short story about sa guy who fell inlove to her bestfriend. Well read the story to find out what will happen next. Falling inlove to your besfriend ay maganda ba o hindi? The story will tell you the answer.