MUTUAL FEELINGS

141 8 3
                                    

Sa tagal ng pinagsamahan namin ni Kaye hindi ko tinangka na ligawan siya dahil iba siya sa mga nakilala ko ayaw ko siyang magaya sa mga babaeng iniwan ko noon at ayoko siyang masaktan ng dahil sa kagagawan ko. Ayoko siyang mawala katulad ng iba. Hindi ko siya itinuring na ibang babae dahil naging mabuti kami sa isat-isa at ayokong sirain yun ng dahil sa isang walang kwentang relasyon lang.

Natauhan na ko sa mga nangyari sakin noon. Ayoko ng maulit pa yun at lalong ayoko mangyari yun sakanya.

Pero nag-iba ang ikot ng mundo..

Alam ko naman na Bestfriend lang talaga ang tingin niya sakin. Isa pa may nangyari samin kay Rilla na BESTFRIEND niya. Siya pa nga ang pinagsabihan ko na nakiss ko yung bestfriend niya.

Sa tingin nyo ba papayag siyang maging kami? Hindi diba?

Pero kahit anong tago ko sa nararamdaman ko..

Pilit tong lumalabas sa puso ko..

Gusto tong isagaw ng damdamin ko at marinig at malaman niya ang tunay kong nararamdaman para sakanya.

Kahit alam kong madami akong kakompetensya para makuha ang oo ni Kaye..

Kahit gusto kong labanan ang nararamdaman ko para sakanya..

Pag na-inlove ka talaga..

TALO KA!

Naramdaman ko nalang na nagseselos ako tuwing may magcocomment sakanyang lalaki na napaka-kati ng comment.

Ang sarap ipakalmot sa lion sa sobrang kati ng mga lalaking nagco-comment sa mga pictures niya.

Pero hindi nag-tagal umamin na ko sakanya. Hindi ko na kinayanan pang itago ang mga nararamdaman ko sa bestfriend ko.

Kahit alam kong napaka-komplikado itinuloy ko parin dahil hindi ko na talaga kayang itago pa.

Isang gabi habang nasa bintana ako ng bahay namin tinext ko siya.

-"Kaye may aaminin ako sayo."

-"ano yun Gell? May problema ka ba?"

-"wala naman Kaye. May ipagtatapat sana ako sayo."

-"bading ka Gell?! :-O"

-"BALIW HINDI! Eto naman seryoso ako eh."

-"eh ano ba kasi yun? Deretsuhin mo na kasi ako."

-"kasi Kaye..."

-"ano? Pabitin naman to!"

-"Kaye PALASYO ka ba?"

-"korny yan nako Gell. Sige PALASYO AKO? Bakit?"

-"kasi lahat ng hinahanap ko .. Makikita ko PALASYO."

-"havey! Sweet nun! Hahaha oh wag mo ka ng pa-segwei dyan yung pag-tatapat mo ano na?"

-"kasi Kaye gusto na kita."

-"gusto din kita kaya nga mag bestfriend tayo eh."

-"hindi lang basta gusto.. MAHAL KITA!"

At tulad nga ng inaasahan ko yun nga ang isasagot nya sakin.

-"pero Gell. Paano si Rilla bestfriend ko yun :-( may past kayo eh baka magalit sakin yun."

*kayo ba napansin nyo yung sagot ni Kaye saakin? May "PERO" at "PAANO"*

-"pero kung di kayo mag bestfriend pwede maging tayo?"

-"hindi talaga pwede Gell maraming magagalit sakin."

*ugh! bakit ganun yung mga sagot niya saakin? Parang pwede na hindi dahil may sagabal lang.*

At nahinto ang usapan namin. At tila nag bago ang ihip ng hangin..

Nag iiba na ang turing sakin ni Kaye. Hindi na parang bestfriend kung makipag-text siya saakin. Parang lumevel-up ba? May halong something yung mga messages niya. Yung LOVE ba na tinatawag?

Ewan.

Pero dahil bakasyon. Sa text at tawag lang kami nagkakausap.

At isang araw pinayagan niya kong manligaw. Well kahit sa text lang pinagtyagaan ko.

Total hindi naman siya na nakita ko lang tas niligawan ko na agad.

Nakaipon din kami ng friendship na tinatawag.

Dahil karamihan ng lalaki ngayon.

Makakita lang ng magandang babae sa facebook tatanungin agad.

-"ate ang ganda nyo po pwedeng manligaw?"

Ay?! Ano kang animal ka? Agad agad eh di pa nga kayo close o wala pa kayong pinagsamahan ligaw agad? Shabu pa -.- !

Sad but true.

Hindi ba't totoo Girl's out there?

Alam ko nae-encounter nyo yung mga ganitong lalaki.

At Boy's kung meron mang nakakabasa nito. Wag naman sana ganun. Pinagdaanan ko na yan. At hinding hindi maganda yun. Bakit ka nanligaw? Dahil maganda siya? For what? Para Ipagmalaki na maganda siya? Ipang-display ganun nga ba? Hindi tama yun.

Mas maganda yung may pinagsamahan kayo. Yung mahal mo yung babae talaga inside & out. Mahal mo kung ano siya at kung sino siya hindi lang dahil maganda ang pang labas na kagandahan niya.

Balik tayo sa kwento.

Matagal ko ng kilala si Kaye. Minahal ko siya kung ano siya at kung sino siya kahit alam kong mas maraming mas maganda sakanya. Natutunan kong mag mahal ng isa lang kahit hindi pa kami.

Isang araw tinanong ko siya kung ano na bang status namin.

-"Kaye hindi naman sa nag mamadali dahil gusto ko napag isipan mong mabuti kung sasagutin mo ba ko o hindi. Dahil ayokong kung kailan tayo na doon mo palang marerealize at lahat at iwan ako."

-"alam ko Gell.. Kaya OO na :-)"

-"huh?! Seryoso ka?!"

-"OO NA!

Gm."

-"kaya pala ang tagal magreply nag GM pa."

-"OO NA NGA GELL AYAW MO PA?! HAHAHA"

Walang mapagsidlan yung saya ko kahit sa text lang yun. Di ko alam kung tatalon ba ko o tatambling o sasayaw pero sumayaw talaga ako sa kilig at saya hahaha.

-"pero Gell itago mo muna natin yo ha? Atin lang muna dahil alam mo naman pag nalaman nila to. Palamigin muna natin sila."

-"oo sige Kaye naiintindihan ko.

I LOVE YOU!"

-"salamat Gell :-)

I LOVE YOU TOO :*"

Masaya ako dahil sa dami ng manliligaw niya at sa dami ng mga lalaking nanliligaw sakanya ng matagal. Ako ang sinagot niya sa loob lang ng halos isang linggo.

Dahil nga siguro na may MUTUAL FEELINGS kami at itinatago lang pero masaya talaga ako noong MAY 2 2011 kung saan nagsimula lahat ng magagandang bagay lalo na ang masasayang bagay para saming dalawa na nakapagpabago sa sarili at buhay ko kung paano mag mahal.

BESTFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon