IV

25 1 0
                                    

IV

          I cried all night. I’m not the emotional type, but all the sadness just pour down…tears falls like they truly wants o get out. Like it was meant to run down all along.

We ended, that’s the intention right…and that day is the final thread. I never knew that this will hurt this much.

I live the next days like any other day, mas namimiss ko sya, mas napapansin ko yung mga araw na hindi ko sya nakikita. Itinuon ko na lang lahat sa pagaaral…after all this is my last sem here.

“Namimiss mo sya?” tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang nakangising si Pablo. Tumingin ako sa paligid at narealize ko na madilim na, napangiti ako sa sarili ko…kanina pa pala akong nakaupo dito sa waiting shed.

“Hinihintay mo sya?” tanong nya pa…sinimulan ko ng kolektahin ang mga gamit ko. Siguro nga hinhintay ko sya, ito na ang huling araw ng school year…it kinda makes me sad.

Isinakbit ko ang duffel bag ko na naglalaman ng mga gamit ko mula sa locker ng swimming team, na ngayon ko lang iuuwi. Isinuot ko narin ang pack bag, sakto na may paparating narin na bus, dadamputin ko n asana yung medical kit ko at yung isang bag ng mga libro ko nang unahan ako ni Pablo. Tinitigan ko sya bago ako nagkibit balikat at hinintay na humito ang bus. Hindi ko sya nilingon at sumakay ako, naupo ako sa may dulo…sa tabi ng bintana at agad kong ipinatong yung bag ko sa katabing upuan ko para hindi makaupo si Pablo. Nakita ko ang pagbuntong hininga nya at ang pag-iling nya, naupo na lang sya sa upuan sa likod ko at damang-dama ko ang mga titig nya.

Sa loob ng isang bwan, walang ginawa si Pablo kundi ang sundan ako. Hindi na  naman ako galit sa kanya eh pero kahit ilang beses kong sabihin sa kanya yun ay lagi parin syang nandyan. Minsan gusto ko ng maniwala na totoong gusto nya ako at malinis ang intensyon nya. Laking pasalamat ko na lang ng hindi na uli nya binanggit iyon, that’s the last thing I want to deal with…his feelings. He told me one time that he just want to be friends, he’s aware that I don’t have any close friend…I don’t open up to someone. After all, Ariston is all I have, he’s enough for me…but that was before now.

Bumaba ako ng bus sa tapat ng 7/11 malapit sa bahay naming. Hindi ko na nilingon si Pablo dahil alam ko namang susunod sya. Huminto ako sa labas, nagtatalo pa ang isip ko kung papasok ako o hindi. Sumilip ako sa loob, dati tuwing pupunta ako dito…isang pigura lang ang tatamaan ng mata kopero wala naman sya dito. Hindi sya pupunta dito.

“May gusto kang bilhin? Gabi na eh….baka hinahanap ka na ng mama mo.” Hindi ko sya pinansin, nagdiretso na ako at tinulak ang pinto…may ilang mga tao rin, umupo ako dun sa bakanteng upuan at nilingon yung isang lamesa na inookopa ng isang batang babae at ng tatay nya. Yun yung madalas upuan namin ni Aris.

“Arian…” tumingin ako sa harapan ko at nakaupo na doon si Pablo “Yung phone mo, kanina pa nagri-ring.” Tama sya…kinuha ko agad iyon sa bag ko

“Hello, Ma!” sagot ko, tumayo si Pablo at nagpunta sa kung saan

“Nasaan ka na? gabi na…nakahanda na ang hapunan.”

“Mauna nap o kayo….mamaya pa po ako makakauwi.”

“Arianna…”

“Please Ma…sige po, ibaba ko na.” bumalik din si Pablo, may dala syang dalawang slurpee at mga junkfoods...inilagay nya sakin ang isang slurpee at chips

“Mama mo?” tanong nya, tumango na lang ako

Tahimik lang kami sa mga sumunod na minuto, nakatingin lang ako sa labas, sa mga nagdadaanang sasakyan. Hindi ko alam kung gaano na karaming minute ang lumipas, narinig ko na lang ang maingay na pagsipsip sa straw. Naubos na nya ang slurpee nya…nilingon ko sya, nakahawak sya sa batok nya habang nakatingin sakin. Iniaabot ko na din sa kanya ang slurpee na binili nya sakin.

Tomorrow's MeaningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon