II

29 0 0
                                    

II

Lumubog at lumitaw ang araw at hindi ko na namalayan na 5 months na ang nakalipas. Lumipas ang sembreak, nasa basketball retreat sya for a week tapos diretsong practice naman pagbalik nila. Finals na kasi ng season at syempre pasok sila, medyo hapit sila kasi they are aiming for four peat. Ako naman pahinga muna…ikinokondisyon ko ang sarili ko para sa susunod na compet ko, focus din ako sa acads. Tulad ng nakasanayan, hindi kami madalas na magkita…nagugulat pa nga ako kapag nakakareceive ako ng message or call galing sa kanya eh.

For him, I will always be the supportive girlfriend.

I was sitting at the bench reading a book, nang bigla nalang may tumabi sakin. I was surprised to see it was him.

“Hi! Busy ka?” panimula nya…isinara ko yung book at ngumiti sa kanya. Medyo pawis sya kaya kinuha ko yung panyo ko sa bag ko para punasan ang mukha nya.

“No, ikaw yung busy eh.” sabi ko, tinitigan nya ako tapos hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin din ako sa mata nya.

“I missed you.” Malambing na sabi nya, tipid naman akong ngumiti.

He stares at me and the moment I stares back I only realize something. He’s not oblivious about it…I know, he knows.

“Kamusta ka na?” tanong nya, tinapos ko ang pagpupunas ng pawis nya. ipinihit ko ulit ang katawan ko pero ramdam ko parin ang titig nya.

“Tayo Ariston….kamusta na ba tayo?” tanong ko, nagiwas sya ng tingin sakin at pumihit narin ang katawan nya paharap.

Hindi sya sumagot…tahimik lang naming pinapakiramdaman ang isa’t-isa. We both have the feeling that today is the day.

Not a moment later, nakita naming yung teammates nya na kinakawayan kami…o sya. Nakita ko pa si Pablo na ngumisi saming dalawa.

“Tawag ka na nila.” Pagbasag ko sa katahimikan, hindi naman sya kumibo. Bumaling ako sa kanya, nakatulala lang sya dun sa mga kasama nya…inabot ko yung kamay nya kaya lumingon sya sakin. Binigyan ko sya ng pinaka matamis na ngiti na kaya kong panggapin.

“You should go.” Malungkot nya akong tinitigan bago sya tumango

“Ok.” Sagot nya tapos binitiwan ko na ang kamay nya at tumayo sya…tinitigan pa nya saglit yung kamay nya na binitiwan ko tapos sakin ulit. Nakangiti parin ako, nakita ko ang pasubali at panghihinayang sa mga mata nya.

“Bye Aris.” Mahinahong sabi ko, pero sa loob ko nasasamid na ako sa mga salitang sinabi ko. He let out a sad smile then he bent down to kiss my forehead.

“Good bye Arian.” Sambit nya bago nya ako tinalikuran. At nung makalapit na sya sa kanila ay muli nya akong nilingon. I wave at him until they walk to that path and disappear somewhere.

That’s when my tears freely fall.

It’s not a matter of multiple words.

Right here at the bench in front of the car way across the pathway.

We felt it. We both know. We are over.

          Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakatayo ako dito sa waiting shed at naghihintay ng bus. Maghapon ng lipad ang isip ko, mabigat ang pakiramdam ko na parang may malaking kung ano ang bumabara sa dibdib ko. Gusto kong ilabas yun pero hindi ko maiiyak, kahapon ko pa gustong humagulhol pero may pumipigil sa katawan ko.

“Nagaway ba kayo ng boyfriend mo?” nilingon ko yung ngasalita sa tabi ko, bakit hindi ako naaiinis sa kanya ngayon.

“Ok ka lang ba?” totoo ba yung naririnig ko na may pagaalala sa tono ng boses nya? “Ang weird mo, siguro nga nagaway kayo…yung boyfriend mo ang daming beses na napagalitan ni coach kahapon, he seems to be disoriented. Pero hindi naman kayo nagaway nung nakita naming kayo kahapon diba?” nakatitig lang ako sa kanya habang sinsabi nya iyon, tapos biglang nanlaki ang mga mata nya at nag hand gesture pa sya na parang nakatumpak.

Tomorrow's MeaningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon