Chapter 2

33 2 0
                                    

“Ano ready ka na?”, tanong ni Emy.

“Oo, pero medyo kinakabahan ako ng konte,”

Kasalukuyan kaming waiting for interview dito sa clothing company kung saan model si Lee.

Oo, di na ako nagpatagal pa at nagpasa din ako ng application sa company na to. After 1 week tinawagan kami pareho ni Emy, sabay ang exam at interview namin. Buti na lang pinayagan kami mag leave ng sabay, kundi malamang mas tensyunado ako ngayon kung wala akong kasabay na kakilala.

Akala namin, kami lang ang applicant. May kasabay kaming apat, kaya 6 kaming naandito, isang lalake (pero gay sya) at 5 kaming babae.

Napansin ko, kaming 2 lang ni Emy ang hindi naka-corporate attire. Naka blouse naman kami at black slack, pero di tulad nung 3 kasama namin na mga babaeng applicants, parang mag-aapply ng marketing executive or manager. Naka-overall make up, kung nakikita nyo ung mga sales lady or promodiser ng mga make-up sa mall, ganun na ganun Naka-stocking na itim pa yung isang applicant na naka-skirt. Yung gay na kasama naming, sakto lang ang get-up.

“Ems, tingnan mo yung attire nung tatlong female applicant, pusturang pustura. Di kaya required na naka-ganyan during the interview?” bulong ko habang conscious sa suot ko. Naisip ko kasi na sikat na clothing brand company nga pala aapplyan namin, baka required na ganun ang suot. Di naman kasi ako sinabihan nito ni Emy eh.

“Ewan ko, sabi naman ni Ken di naman daw mahigpit ang HR dito kung naka-corporate attire ka o hindi during interview. Ang mahalaga makapasa ka sa kanila at makita nilang may potential ka.”

Maya-maya, nagsimula na magtawag ng applicant. Nauna si Emy, pagkatapos nya, ako naman. During interview, medyo unti-unti nang nawala ang kaba ko, mukha namang mabait ang interviewer at nakangiti. Di din naman sila masyadong nakakatakot magtanong. Pero mabusisi lang sila sa pagtingin ng portfolio na dala namin. Sana lang talaga makapasa ako.

After one hour na paghahantay na matapos kaming lahat sa interview, lumabas yung isa sa mga HR staff. Isa-isang tinawag yung 3 female applicant na naka-corporate attire. Kinakabahan kami ni Emy, feeling tuloy naming baka di kami tanggap. Bawat isa pinapasok sa interview room, pero saglit lang ang tinagal nila. After matawag ang tatlo, lumabas yung HR staff.

“Okay guys, kayong tatlo, balik kayo after lunch for final interview,” sabay pasok ulit nung HR staff sa interview room.

Bigla ako nakahinga ng maluwag.

“Naku, sana nga tayo na yung mapili. 3 daw kelangan nila sabi ni Ken,”

“Sana nga,” sagot ko, habang nakatingin dun sa gay na ksabay namin na babalik. Nauna syang naglakad sa amin habang may kausap sa phone nya.

“Tara kain na muna tayo at pa-relax bago ang final interview.”

After lunch…

Romance with the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon