Characters:
- Angelie Flores – isang graphic designer na in-love sa isang sikat na actor/model
- Lee Jin Yu aka Lee – sikat na actor/model
- Emily Victorio – bestfriend at officemate ni Angelie
- Luke – gay officemate ni Angelie
- Sam – PA/bestfriend ni Lee
- Art – senior graphic designer, officemate ni Angelie
- Jeric – senior graphic designer, officemate ni Angelie
- Leo – senior graphic designer, officemate ni Angelie
- Sir Ben – supervisor ni Angelie sa design department
- Kathy Jimenez – bratinelang leading lady ni Lee sa isang movie
- Clarisse – ex-girlfriend ni Lee
Chapter 1:
“Ang guwapo talaga nya…” eto ako at naka-titig sa picture ng ultimate crush ko.
“Sino?!” tanong ni emy.
“Si Lee”, sagot ko habang patuloy na nakatitig sa monitor ng computer na gamit ko. Di ko talaga maiwasang mag day dreaming sa twing nakikita ko ang picture ni Lee, lalo na sa mga ganitong oras na waiting kami sa work endorsements.
“Sus,,ayan ka na naman, feeling teenager…” sabi ni emy, sabay balik ng atensyon sa sarili nyang monitor.
“hayaan mo na ako, kesa antukin ako dito habang naghahantay ng jobs, pantanggal umay na din tong pictures nya”..
Anyway, ako nga pala ni Angelie, isang graphics designer sa isang bpo company. Medyo matagal na din ako nagta-trabaho as graphic designer sa company na to, at ganito talaga dito, minsan madaming trabaho na kelangan pa talaga naming mag-render ng overtime. Pero may pagkakataon na man na wala talagang napasok na workload tulad ngayon kaya naman mas madalas gumagawa na lang kami ng paraan para hindi antukin habang naghahantay ng papasok na work endorsements or habang nag-aantay mag uwian na. At sa mga ganitong pagkakataon, isa sa libangan ko ang mag-collect ng mga updated photos ng crush kong si Lee or magbasa ng mga updates about sa kanya.
Isang celebrity si Lee, isang half-Filipino/Korean na nag-aral dito sa Pinas at dito na din piniling manirahan. Dahil sa good looks nya at natural charm ng aura nya, na-discover sya dati bilang isang model, hanggang sa unti unti syang sumbok sa showbiz at pinalad na sumikat. Halos lahat na yata ng product endorsement, sya ang model. Mula sa damit, sapatos, pabango, donut, alak, facial product na panlalake, cellphone at kahit potato chips ini-endorse nya. Lahat kasi bagay sa kanya and very convincing ang mga ads pag sya ang endorser, madami talaga ang bumibili ng products. Dahil siguro sa magandang katawan at height, chinito na mata, hairstyle, kissable lips and very sweet smile kaya madaming mga babae ang nagka-crush sa kanya. At isa ako sa mga fans nya.
Actually, unang nakita ko ang picures nya noon sa isang malaking billboard sa EDSA habang papasok ako sa work. Makaagaw-pansin naman kasi ang kaguwapuhan nya lalo na pag ngumiti, at ung tatlong billboard na magkakahelera, puro pictures nya ang andun. Model sya ng isang sikat na clothing brand at mula nang maging model sya dun, tumaas daw ang demand sa market nung brand na yun at madaming gumagaya sa style ni Lee sa pananamit. That’s the time na na-curious ako kung bakit sya naging sikat. Sinubukan kong manood ng 2 tv drama nya na sumikat. Sa una, medyo pang teenager ang story pero maganda at napaka charming ni Lee dun, dala na din siguro ng character na pino-portray nya. Yung pangalawa, dun ako mas bumilib sa kanya na nauwi sa pagka-crush ng husto sa kanya. Action-romance kasi ang story at napaka cool ng character nya dun, ang galing din ng acting skills nya na pinakita. Di ko alam kung nagka-crush ako sa kanya dahil sa character nya sa story na yun, pero simula noon, lagi na akong naka follow sa updates nya sa internet. Dati di ako nagamit ng twitter pero ng dahil sa kanya, gumawa ako ng account para lang i-follow sya.
BINABASA MO ANG
Romance with the Star
NonfiksiHe is famous He is a star Everyboy loves him. Every one wants to be his girlfriend. At sa sobrang kinang nya, pakiramdam ko, nasisilaw ako sa kasikatan nya. Isa ako sa mga libo-libong fans nya. Di na ako teenager para umasta ng ganito, pero sa twi...