Lee Fan meeting and autograph signing.
Busy na kami sa preparation. Lahat ng mga gagamitin at kelangan during autograph signing ni Lee hinanda na namin. Sabi ni sir Jeric madami na daw tao sa labas. Andito kasi kami sa back stage, pero rinig na namin ang ingay na mula sa mga fans ni Lee sa labas.
“Ano, ok na ba lahat?” si sir Ben
“Ok na sir, ready na” sabay sabay na sagot namin
“Ok good, just be ready, maya maya andito na si Lee,”
“Sir mukhang andyan na nga” sabi ni sir Leo. Lumingon si sir Ben, pati kami napatingin sa direction na tinitingnan ni sir Leo. Papalapit si Lee at ang mga assistant nya sa amin
“O Lee, ready na ang lahat, in 10 minutes mag start na tayo,”
“Sige Mr. Ben, ready na din ako.” Kumuha sya ng upuan at naupo, “Senyasan nyo na lang ako pag lalabas na ako” nakangiting mukha ni Lee ang nakikita ko ngayon.
Napaka-guwapo nya sa suot nyang white polo na gawa ng clothing company na ine-endorse nya. Simpleng white polo, na may light stripes na design, may 2 pocket sa harap at hanggang elbow ang sleeves. Then jeans at rubber shoes. Napaka-simple ng outfit na suot nya ang yet nagmukhang elegante pag sya ang sumuot. Lahat ata bagay sa taong to. No wonder kung bakit lahat ng fans nagta-tyagang pumila para lang makita sya.
“Lee, you’re next.” Sinenyasan na sya nung staff na lumapit. Lumabas din muna kami dun sa gilid ng stage, manonood muna kami dito, mamaya pa naman kami ulit magliligpit pag tapos na ang event.
“Okay, Ladies and Gentlemen, alam ko kanina pa kayo nasasabik na makita sya! Ready na ba kayo?” sigaw ng emcee sa audience
“YESSSS!!!!! READY NA!!!!!”
“Let’s welcome the very handsome and charming and star of this event, LEE!”
“YAAAHHHOOOO!!!!”
“LEE, I LOVE YOU!”
“LEE, IDOL! SARANGHAE!”
Grabe, halos mapaos na siguro tong mga to kasisigaw. Lumabas si Lee na kumakaway at nakangiti sa mga fans nyang nagkakagulo
Emcee: “Good day Lee, how are you?”
Lee: “I feel great!” humarap sya sa audience, “Hello”
“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!
LLLLLLLLLEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!
IDDDDDDDDDOOOOOOOOLLLLLLLLLLLL”
Emcee: “Grabe, hello pa lang yan ha, nagkakagulo na sila. Well, Lee, this is the 2nd time na nagkaroon ng fan meeting at autograph signing para sa mga fans mo, anong pakiramdam mo ngayon?”
Lee: “Masaya, sobrang saya at nagpapasalamat sa sponsors ng event na to, sa clothing brand at sa mga fans na nagtyaga pumunta dito.”
Emcee: “Of course, mahal na mahal ka ng mga fans mo. Specially the ladies out there, daming kinikilig. Di ba girls?”
“WWWWWWOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!
LLLLLLLEEEEEEEEEE!!!! I LOVE YOUUUUUUUUUUU
MARY MEEEEEEEE”
Grabe, pati ako gusto ko na din sumigaw. Parang kelan lang ganyan din ako, isa sa mga fans na kinikilig at talagang bumibili ng product endorsements nya. Siguro kung di ako nakapasok sa company ng clothing brand na to, isa ako sa mga fans na nandyan, nakikigulo at nakikisigaw. Salamat na lang talaga at isa ako sa mga employee kaya mas may chance ako na mapunta dito sa gilid ng stage at mas malapit kong makita si Lee during the event.
BINABASA MO ANG
Romance with the Star
Non-FictionHe is famous He is a star Everyboy loves him. Every one wants to be his girlfriend. At sa sobrang kinang nya, pakiramdam ko, nasisilaw ako sa kasikatan nya. Isa ako sa mga libo-libong fans nya. Di na ako teenager para umasta ng ganito, pero sa twi...