Chapter 9

6 0 0
                                    

Angelie’s POV

Ang sarap at himbing ng tulog ko, at hanggang sa paggising ko ngayon baon ko pa din ang kilig na nararamdaman ko kagabi pa. Di ako makapaniwala na mae-experience ko yung isa sa mga pantasya ko noon kay Lee. Kahit na isa yung friendly date, masaya na ako dun.

Beep…beep…beep…(message alert tone)

Kinuha ko ang cellphone ko, may 5 unread messages. Nang buksan ko, may 2 messages from Lee and 3 messages from Emy. Una kong binasa ang messages ni Lee

Lee: (Message 1) Good morning Angel, thanks again s pgsama mo sa akin last night wtching movie. Enjoy ako, msrap k ksama.

Lee: (Message 2) BTW, ask ko lang sna ulit ung title ng song that we heard last night s videoke? LSS lang ako, but I forgot the title.

WAAAHHHHHHHHHHHHHHH….kilig much!

Kung ganito lagi ang umaga ko, na may message from Lee, araw-araw siguro akong inspired at masaya… hayyyy!!!!!!

Me (reply): Good morning din! Ordinary Song yung title ng kanta. BTW, enjoy dn ako s gala ntin kgabi. Thanks sa libre, (^_^)

Message sent….

Sunod na binasa ko yung messages ni Emy

Emy (msg1): uy girl, anyare n?tuloy b kau s date nyo?

Emy (msg2): Gel, reply nmn! Wag k n mgsecret s akn, cge n,kwento mo date nyo kgbi!

Emy (msg3): Oy! Mgreply ka!!!!!!!!

Talaga tong si Emy, tama ang hinala ko sa magiging message nya, mangungulit lang un na magkwento ako. At pag nagreply ako, di yun matatapos sa mga tanong. Mas maige na tawagan ko na lang.

Kkkkkrrrrrrrrrnggggggggg….. Kkkkkrrrrrrrrrnggggggggg…..

Emy: Hello? Angelie! Ano na?

(aba, atat talaga ang bruha, mas excited pa sa akin!)

Me: kaw, mas di ka mapakali kesa sa akin. Ano ba gusto mo malaman?

Emy: yung detalye! Ano, natuloy ba kayo? San kayo pumunta?

Me: Ah yun ba? Nanood lang kami ng movie nya sa isang mall, medyo outside Metro Manila lang then nagdinner kami sa tapsihan. Tapos yun, kwentuhan lang tungkol sa buhay buhay. Yun lang

Emy: talaga? Bakit outside Metro Manila pa kayo nanood, eh madami namang malls dito sa paligid?

Me: alam mo naman na sikat sya di ba? Baka may makakilala sa kanya at kuyugin kami. Isa pa, naka-disguise sya kahapon, nag-wig sya para di sya makilala.

Emy: eh ano napagkwentuhan nyo?

Me: kung ano lang ang maisipan.. nagtanong lang din sya about sa relationship status ko kung may boufriend ba ako, anong tipo ng lalake ang trip ko. Mga ganun lang. Then nagkwento din sya ng konteng detalye. Nakwento nya din ung ex-girlfriend nya. Di na ako masyado nakapagtanong, medyo pagod at antok na din kasi ako. Masyadong high ang pakiramdam ko kahapon sa sobrang kilig kaya wala ako maisip na itanong.

Emy: ok lang yan, at least nagtanong sya sayo kung may boyfriend ka at ano type mong lalake. Sinabi mo ba na sya ang type mo?

Me: Hahahah! Muntik na neng! Muntik na talaga. Pero syempre, ayaw ko naman masyadong obvious nahihiya pa rin naman ako no. Pero ang sarap at himbing ng tulog ko kanina! Ganun pala ang feeling pag naging dream come true ung iniimagine ko dati! Nagtext pa sya ngayon

Emy: ano sabi?

Me: nagpasalamat sya at enjoy daw sya kagabi. Then he asked me sa title ng song na narinig namin sa videoke last night.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romance with the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon