Chapter 4: chosen

1 0 0
                                    

"Ha?" Nag tatakang itsura nya, at mas lalo akong nag tataka dahil iba na ang itsura nya ngayon

"Oh I.d mo naiwan mo kaninang umaga sa library tss." Inihagis ko ang i.d nya sakanya pero hindi man lang sya nag sasalita dahil naka kunot yung nuo nya, anong nangyare dito?

"Ano bang--" pinutol ko yung sasabihin nya dahil inilagay ko sa harap nya yung kamay ko.

"Tss mag sasalita ka pa, tabi nga jan dadaan ako." tinapik ko yung braso nya, anong nangyare dun? Masyado syang weird ngayon.

Pag dating ko sa gymnasium, naupo na ako agad sa tabi ni azen, hulaan ko dadaldalin nanaman ako neto tungkol kahapon.

"Saan ka ba kase nag punta? Hinahanap ka sakin ni tita pati ni kuya kelvin mo?" Sabi na nga ba e tsk tsk tsk kahit kelan hindi na papagod ang bibig neto.

"Basta, makinig ka na nga lang sa S.S.G ang daldal mo Azen"

"Tss okay"

Hindi ko na pinansin si azen dahil alam ko kapag kinausap ko pa sya lalo lang la-lala ang sakit ng bibig nya sa kakasalita,

Sa kalagitnaan ng tahimik na pag kakaupo namin ni azen dito sa gymnasium umakyat na si Sky yung president ng s.s.g gwapo sya matangkad, matangos ang ilong, matalino, snabero, masungit at color gray ang buhok nya permanent.

"Sis anong pangalan nyang lalaki nasa stage ang gwapo e! Hehez" pag tatanong ni azen sakin

"Aa ayan ba? Si Sky Valderama yan, wag ka ng mag tangkang mag papansin jan.." biglang sumimangot ang mukha nya kaya naman natawa pa ako hahaha "..dahil wala ni isang babae dito sa Sunhills ang niligawan at naging girlfriend nyan pag kakaalam ko din ay No girlfriend since birth sya." Biglang nabuhayan ang mukha nya na para bang isang napaka gandang ediya ang nasabi ko sakanya.

"So ibig sabihin virgin pa sya? Hahahaha" aba tignan mo nga tong babae na ang harot harot talaga.

"Hoy azen yang bibig mo nga ha! Hindi maganda yang mga pinag sasabi mo, bakit may balak ka bang makipag one night stand jan ha?"

"No I mean sabi ko virgin pa labi nya at ako palang ang makakahalik kung sakaling maging girlfriend nya ako hahaha,"

"Tss ewan ko sayo" sinamaan ko sya ng tingin at tumigil na rin ang bibig nyang kaka dada, maya maya lang ay nag umpisa ng mag salita si sky

"Goodmorning everyone, Im Sky Valderama president of supreme student government, alam kong karamihan sainyo ay kilala na ako kaya hindi na ako mag papaligoy ligoy pa mag kakaroon tayo ng acquaintance party tomorrow at 7:00pm to 12am, pumili na kayo ng magiging date nyo bukas dahil ang mapipiling pinaka maganda at gwapo sa gabing iyon ay kokoronahan bilang Mr. and Ms. Acquaintance of the night 2008" nag bulungan ang mga estujante at mga nag hahagikhikan.

"Mag kakaroon din tayo ng Mr. and Ms Intrams 2008 ang mapipiling ilalaban dun ay ang top1 sa batch nyo at ang scort ng batch nyo, mapipiling manalo ay mag kakaroon ng 2weeks vacation sa tagaytay" at dahil sa sinabi nya ay kinabahan ako, nung nakaraang taon kase ay top 2 ako sa batch namin ngayong taon ay hindi ko na alam dahil wala pa namang ina-annouce ang mga teacher samin.

"Pumunta kayo ngayon sa room ng batch nyo nandun na ang inyong mga chairman, sasabihin na nila sainyo kung sino ang top1 at napiling scort ngayong taon dahil pagkatapos ng acquaintance nyo ay dun kayo mag lalaban laban bilang Mr. and Ms Inter batch muna, yun lang at maraming salamat maaari na kayong pumunta sa inyong chairman." yun lang ang sinabi ni sky at tumayo na kaming lahat patungo sa room ng batch namin.

"Loui ano yung sinasabi nung sky na yun bakit sabi nya pumunta daw sa room ng batch nyo? Hindi ko magets"

"Meron kaseng apat na batch dito sa Sunhills iyun yung Firstyear, Second year, Thirdyear at Fourth year, yung apat na batch na yun merong kanya kanyang chairman tayo ay Thirdyear kaya pupunta tayo ngayon sa Redbatch" paliwanag ko sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lesbian InIoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon