Nakatakda

16 0 0
                                    

Nakatakda

Lumabas kami kaagad ng kwarto kong wasak na wasak na ni Biex na magkahawak ang kamay. Huwat? Magkahawak? Binitawan ko kaagad ito at nagmadali ng bumaba. Pagkababa namin ay wasak-wasak ang mga gamit namin. Ano ba kasi ang kailangan ng mga iyon? Manira ng bahay? Ng mga gamit?

"Amara!" Tumakbo patungo sa amin si aunt Veron at sumunod kaagad si principal Teressa. Mukha silang pagod na pagod.
Niyakap ako ni auntie na parang sobrang nag-aalala.

"Ara hija, are you okay? May masakit ba sayo?" Alalang tanong ni auntie sa akin.

"Hindi naman siya nakakaramdam unless she inactivated it." Singit ni principal Teressa. Hindi ako manhid no!

Itong lalaki namang katabi ko ay bumalik na sa pagiging chill at cool sa mga nakapaligid niya. Di na umiimik. Yaan mo na nga.

"Marami akong kailangang ipaliwanag sayo Ara." Nagtungo kaming apat sa loob ng wasak na bahay. Tinignan ko ito ng mas maayos ng nasa labas kami. Really? Ganito ang naging resulta ng lahat ng iyon?

Umupo sa sofa namin. Sira-sira na lahat dahil sa nangyari. Gustong-gusto ko na talagang magtanong.

"Auntie, tell me honestly. Sino po ba yung mga iyon? Ano ang kailangan nila? Bakit sila nanggugulo?" Sunod-sunod na tanong ko. Parang sinisira narin ang ulo ko sa kakaisip sa mga iyon.

Nag-uusap sina principal Teressa at Biex malapit sa pintuan. Nagkakamustahan siguro at nagtatanong sa isa't-isa tungkol sa mga nangyayari.

"Hija, ikaw ang punterya nila. Gusto ka nilang makuha." Ani auntie.

"Pero bakit po ako?" Takang-taka ko ng tanong.

"Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para malaman mo-" pinutol ko siya.

"Kung hindi ngayon auntie? Kailan? Pag may nangyari ng hindi maganda? Kung kailan huli na ang lahat?" Tama naman diba? Paano kung maulit ito? Edi ako yung tatanga-tanga na hindi alam ang gagawin?

"Veronica, kailangan mo ng sabihin sa kanya ang lahat. Malapit na ang pasukan, kailangan na niyang malaman upang makapaghanda na siya." Tumabi si principal kay auntie.

"Ganito kasi iyon, ang mga taga black world, ang mga galang enchanters, ay may sinasambang Diyos-diyosan. Ito ay ang dracon. Ito ang dragon na naging bato maraming taon na ang nakakalipas. Ang dugo ng isa sa mga kabilang sa Royal family ang iniaalay sa rebulto ng dracon na iyon at pag nangyari iyon ay mabibigyang buhay ang dracon." Sabi ni auntie. Nangingilabot na ako.

"Pero bakit ako? Kabilang ba ako sa Royal Family? Tsaka hindi lang naman siguro ako ang kabilang doon hindi ba? Bakit ako pa?" Naguguluhan ko ng tanong sa kanila.

"Makinig ka muna." Aniya. "Ang pag-aalay na iyon ay gaganapin sa ika-12 na kabilugan ng buwan o ang tinatawag nating full moon. Sa ngayon, hindi pa nila alam na ikaw iyong nakatakda. Kaya sila siguro sumugod dito dahil nararamdaman nila na malakas ka. Na makapangyarihan ka." Pagpapatuloy niya.

"Pero paano niyo nalaman na yun nga ang gusto nila? Na angpakay lang nila ay ang 'kapangyarihan' ko lang?"  Tanong kong muli. May kapangyarihan nga ako. Yung kanina, nakontrol ko sila at napatay ko sila gamit lamang ang aking isip.

"Binasa ko ang isa sa kanila kanina. May nag-utos lamang sa kanilang gawin iyon. Hindi mamin alam kung sino pero sigurado akong kamkam lang iyon sa kapangyarihan. Pero sa ngayon, tayong apat lang ang may alam na ikaw nga." Ani auntie. Kahit papaano mas luminaw ang isip ko sa mga sinabi niya.

"Kaya kailangan nating mag-ingat. Kailangang walang makaalam nito. Dapat tayong apat lang muna bago hindi pa natin napapagplanuhan ang mga dapat gawin." Singit naman ni principal.

The Blue Moon PrincessWhere stories live. Discover now