Discovery
Natapos ang araw na iyon na wala pa rin kaming kibuan ni Biex. Hmmm bahala siya noh. Ikamamatay ko ba kung hindi ko siya pansinin? Duhh hindi naman siguro.
Kulang ako kung wala ka..
Pagkadinig na pagkadinig ko nun ay agad ko ng tinakpan ang tenga ko.
" Bla bla bla! Wala akong naririnig. Lalalalala." Pakanta-kanta pa ako para hindi na lang maring yung kanta. Mukhang effective naman hehe. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad at sa wari ko naman ay wala na ang music.
"Bla bla bla! Wala akong naririnig. Lalalalalala. Bla bla bla-" *booggsshhh* tumilapon ako sa sahig dahil sa pagkakabunggo ko sa isang pader este isang lalaki. Waiiiitt!!! Lalaki yun? Tumingala ako para tignan yung nakabangga ko.
"---------------." Nagsasalita siya pero hindi ko naririnig.
"Ano yun kuya?" Tanong ko sa kanya. Nawalan ba ako ng boses? Bakit parang wala akong naririnig?
"---------_---------_---------." Salita lang siya ng salita pero 'di ko naman naiintindihan ang sinasabi niya.
"Kuya wala ka bang boses? Napaos ka ba? Nako nako, nagcheer ka ng basketball kahapon ano?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa tinanong ko. Pero bakit ganon? Parang pati boses ko hindi ko marinig?
"-----------_----." Nagsalita siya ulit. Ako naman nakaupo parin sa sahig at pilit na iniintindi ang sinasabi niya.
"Kuya salita ka ulit dali! Hindi kita maintindihan ehh." Sabi ko.
"----" nagsalita naman. Pero wala talaga akong marinig.
"'Di ko talaga gets."
"----." Nagsalita ulit siya at tumaas-taas ang balikat niya. Ako naman pilit paring iniintindi ang sinasabi niya.
Napakamot siya sa ulo at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin. Anong problema nito? Baliw ba'to? Bakit niya ako binubuhat? Tanga rin tong isang 'to eh.
"Hoy! Ibaba mo nga ako." Sabi ko ngunit wala akong boses.
Tumingin ako sa paligid at sa lahat ng nadadaanan ay napapatingin sa amin at ang nagpapalala pa rito ay ang pagsigaw ko.
"Ibaba mo ako. Pwede mo naman akong i-guide na lang sa pupuntahan natin diba?" Sugguest ko at para namang natauhan siya at nag agree sa sinabi ko. Talino ko talaga.
Naglalakad kami ng makahawak ang kamay at habang abala siya sa paghatak sa akin kung saan ay biglang may humatak sa braso ko. What the?
"----------------------_----------." Sabi nitong si Biex sa lalaki na ikinayuko naman ng nakabangga ko kanina.
"-------." Nagsalita din yung lalaki at biglang napatingin sa akin si Biex.
Tinuro niya ako. "----------." Habang ako nakatingin lang sa kanya na siguro ay sinesermonan ako dahil makahawak kami ng kamay nitong lalaking 'to.
"Hindi ko kayo marinig." Ani ko naman para tumigil na siya sa kakasatsat. Salita kasi siya ng salita pero wala naman akong maintindihan.
"------." Nagsalita yung lalaki.
"-----------------." Ani Biex na nagpatigil naman dun sa lalaki.
Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusal ng may idea akong naisip!
YOU ARE READING
The Blue Moon Princess
RandomA lady lived in the human world,which is not her true world, is a princess?