For real

17 0 0
                                    

"That's all for today. Class dismiss." Naghiyawan ang mga kaklase ko pagkatapos ng klase namin. Tatayo na sana ang lalaking katabi ko na kanina pa pangisi-ngisi nang pigilan ko siya.

"Ahh oo nga pala. May date pa pala tayo." Pakinig niya na sabi ba na napalingon naman ang mga kaibigan ko na nag-aayos ng gamit. Halos mapanganga sila sa narinig. At kasama ako sa mga napanganga. Ano nanaman ba ito Biex?

Pero imbes na magsalita, hinila ko na siya palabas. Pero bago kami makalabas ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako. Nilingon ko siya at hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Kanina pa siyang walang imik. Para siyang nagbiyernes santo kahapon.

"Amara pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?" Tanong niya sa akin habang hawak pa rin ang braso ko. Ako naman hawak pa rin ang paluspusan ni Biex na natigilan din. Yung kaninang pangisi-ngisi na Biex kanina ay napalitan ng kunot noo na parang may mangyayaring giyera.

"Uhmm oo-" hindi ko na naituloy ay sasabihin ko sana ng putulin ako ni Biex.

"Hindi mo ba naranig na magda-date kami?" Mariin na sabi ni Biex kay Jarod na mas ikinanuot noo naman ni Jarod. Natigil din sa mga pinag gagawa ang mga kaibigan kung sina Sheena, at ang kambal na si Tara at Tari. Parang handang-handa na silang umawat sa mangyayaring giyera kung saka-sakali.

"And stop touching my girlfriend." Hinila niya ako papalapit sa kanya pero hindi ako binitawan ni Jarod at humigpit pa ang hawak siya na nasa paluspusan ko na rin.

"Amara please." Nasa akin na ang atensyon ni Jarod. Buti na lang at kaming anim nalang ang nandito sa classroom.

"Sandali lang Biex." Binitawan ko siya pero kinuha niya ang pagkakataon para hilahin ako papunta sa kanya. Ano ba ang problema niya? Problema nila?  Tsaka ano ba kasi ang pag-uusapan namin ni Jarod?

"NO." Mariin niyang sabi.

"Sandali lang. Hintayin mo na lang ako-".

"Sabi kong hindi diba?!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. May humigpit pa ang hawak nila pareho sa akin.

"Ooopppsss. Tama na yan. Amara? Sino ba ang gusto mong makausap muna ngayon?" Hinila ako ng mga kaibigan ko sa dalawang lalaking hindi ko na maintindihan.

Tinignan ko silang dalawa na parang magmaka-awa na at kulang nalang ay lumuhod sa harap ko para piliin ko. Pwede naman kasing pag-usapan na lang namin lahat ni Biex mamaya pag nasa bahay na kami. Kung si Jarod naman, pwedeng bukas pero aniya ay mabilis lang daw? Bahala na.

"Jarod ano ba yun?"  Nakita ko ang ekspresyon ng mukha ni Biex na parang nanlumo at natalo sa lotto. Hinila ko ang kamay ko sa kanya. Unti-unti rin itong bumigay at yumuko ng konti tsaka na umalis palabas ng classroom namin. Pagkatapos niyang matalo este piliin MUNA si Jarod para makapag-usap kami, cold nanaman ang ekspresyon sa mukha siya habang isinasabit ang bag niya sa kaliwang balikat niya.

"Ahh uhmm sige aalis na rin kami para makapag-usap na kayong dalawa. Bilisan niyo lang ah? Nainis na kasi si Mr. Date." Hagikgik ni Tara na sinabayan na rin ni Tari. Kambal talaga.

Nang nakaalis na silang lahat at kaming dalawa na lang ni Jarod sa classroom ay binalot kami ng katahimikan. Magsasalita na ba ako? Anong sasabihin ko? Hi? Diba siya naman ang nagyayang mag-usap?

"Uhmm Ara." Nilingon ko siya. Hay salamat naman at nasimulan na rin.

"K-kayo na ba talaga?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ano bang sasabihin ko? Na hindi? Na palabas lang yun ni Biex dahil kailanga naming magpalusot?

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong hapitin at yakapin ng mahigpit. Nakababa ang dalawang kamay ko. Hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng yakap niya. Tinapik-tapik ko ang balikat niya para hiwalayan niya ako sa yakap niya pero hindi pa rin siya bumitaw bagkus humigpit pa ito na parang ito na ang huli naming pagkikita.

The Blue Moon PrincessWhere stories live. Discover now