Halik

11 0 0
                                    

Halik


Agad kaming nakaalis kung saan namin iniwan ni Jarod si Biex. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hawak ang kamay ko. Ng may nakita aking nakatingin sa amin sa loob ng mall ay agad ko na itong tinanggal. Naptigil siya bigla.


"Oh? Pasensya na, hindi ko namalayan." Aniya sa akin.

"Okay lang. Nga pala, saan ba dito ang bookstore para makabili na tayo kaagad?" Tanong ko sa kanya habang nikilibot ang paningin sa paligid para hanapin ang bookstore. In fairness ah? Malaki itong mall nila. Sabi ni auntie ito daw ang pinakamalaking mall dito. Kasi naman dalawa lang naman ang mall.

Gaya na sabi ko, ang Montogoria ay parang isang lungsod pero hindi ganong kalaki. Hindi ganon karaming building na malalaki, mararaming sasakyan at hindi masyadong pormal ang mga trabaho dito ng mga tao. Mas namumuhay sila ng simple.

"Saan mo balak pumunta pagkatapos nito?" Tanong ni Jarod na tinutulak ang isang maliit na cart habang ako naman ay namimili ng mga gamit.

"Buti at nabanggit mo iyan!" Oo nga pala. May plano pala akong mamasyal pagkatapos.

"Saan ba magandang magpunta dito?" Tanong ko sa kanya.

"Marami namang magagandang lugar dito. MANMADE nga, eh." Pabiro niyang sabi. So, ibig niyang sabihin ay ang mga kagamitan or mga building nila dito ay ginawa lang ng mga tao rito. Using their powers? I dunno. Baka parang ganon na nga.

"Ikaw? Dika ba mamimili?" Anong ko sa kanya habang kumukuha ng ballpen.

"Nakabili na ako ng mga gamit ko, bag nalang ang kulang." Aniya.

May nakita akong mga bags sa isang sulok kaya hinila ko siya paounta roon. Tinignan ko ang cart at bag nalang din ang kulang sa akin.

"Tignan mo ito oh." Pinakita niya ang dalawang bag na magkapareho.

"Gusto mo yan?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang isa para mabusisi ito. Maganda naman ito tsaka mukhang matibay naman.

"Yan nalang bilhin natin. Okay, sagot ko na para sayo." Nakangiti niyang alok sa akin.

"No. I can buy that bag naman. At nakakahiya rin."

"Sabi mo eh. So ito na? Pareho tayo?" Nagtaas siya ng kilay pero nakangiti.

"Sige ba!" Kinuha ko na ang bag at nagtungo na kami sa counter.

"Ako na ang pipila. Hintayin mo nalang ako dun." Tinuro niya ang isang bench malapit sa exit.

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Napagod ka yata." Humakbang siya ng isang beses hudyat na gumalaw ang pila.

"Sige na nga. Hinatayin kita don ah?" Tumango-tango nalang siya at itinuon na ang pansin sa pila.

Umupo ako sa bench. Isinaksak ko sa tenga ko ang earphones at hinigh volume ko ito.

In my dreams..

You're with me..

We'll be everything I want us to be..

And from there - who knows?..

Maybe this will be the night that we kiss for the first time..

Or is that just me and my imagination..

Tahimik akong sumasabay sa kanta na napakalakas ang volume. To the highest level. Tinignan ko si Jarod at pangatlo na siya sa pila. Lumingon siya sa akin kaya nagkatinginan kami at nagngitian at the same time.

The Blue Moon PrincessWhere stories live. Discover now