bata

475 7 0
                                    

"Hi admins at readers ng spookify! (Ms.Unknown here) Namiss ko 'to hahahah! Tagal ko nang hindi nakakasulat dito, medyo konti pa readers nun :) Siguro wala nang nakakaalala sakin hahahah sabagay ako nga nalimutan ko na mga title ng pinag po-post kong stories dito.Tsaka nakakatuwa kasi padami na ng padami mga senders at readers dito galing galing! More power spookifiers!

So, Kwento ito ng isa sa naging friend ko.May third eye kasi siya.

Gabi na nun mga 9-11 pm(I don't know the specific time) nagcecellphone daw si judy (not her real name) sa kwarto niya habang nakahiga siya sa kama niya(nasa 2nd floor yung kuwarto niya).Text text, facebook, laro ng games, pangpa-antok lang.
Then maya maya may narinig siyang sumisitsit.Nasa tabing bintana kasi yung kama niya, eh naririnig niya yung sitsit parang sa may labas ng bahay.

Hanggang sa paulit ulit na yung sitsit bumaba siya ng konti (yung tipong nasa hagdanan lang tapos dinungaw niya yung mama niya) Mama niya kasi nasa baba nanonood ng tv.

Judy:""Ma! Kanina pa may sumisitsit sa labas, ewan ko kung sino yun baka hinahanap ka.""
Mama:""Ha? Wala naman tayong ineexpect na bisita ngayon ah, sige.""

Tapos nun lumabas na yung nanay niya.Si Judy bumalik sa kwarto niya, humiga ulit siya sa kama (btw yung bintana na tabi ng kama niya nakabukas kasi sanay daw siyang bukas yun) edi nagsoundtrip na lang siya na nakaloudspeaker pero yung katamtaman lang ang volume.Maya maya sumigaw mama niya, tinatawag siya.

Mama:""Judy wala naman! Ikaw talagang bata ka!""
Judy:""Hala mama, narinig ko lang kasi na may sumisitsit sa labas.""
Mama:""Naku, matulog ka na anak.""
Judy:""Opo""

Hanggang biglang huminto yung pagsa-soundtrip niya, nagshutdown pala yung cellphone niya, nagtaka siya bat daw nalowbatt agad eh kakacharge niya lang, edi pinabayaan niya na lang at pumikit siya.Maya maya naririnig niya na naman yung mahinang sitsit sa labas (mahina yung dating pero naririnig niya) napamulat siya ng mata tsaka dumungaw siya sa bintana, tiningnan niya yung baba, wala namang tao.Wala na ring mga taong dumadaan kasi nga, gabi na.

Bumalik siya sa paghiga tsaka pinikit niya mata niya, pero may sumisitsit na naman.Tinakpan niya na yung mukha niya ng unan kasi medyo natatakot na siya.Hanggang yung mahinang sitsit, palapit na ng palapit kaya palakas na ng palakas.Naisipan niya isara yung bintana, pagkadilat niya bumangon siya tsaka hinarap yung bintana para sana isara, pero pagkatingin niya sa bintana may batang lalaki na tingin niya nasa 4-6 yrs old na nakadungaw sa kanya, ang puti puti daw ng kutis, pero duguan yung mukha tsaka walang mata na nakangiti sa kanya habang sumisitsit.

Napasigaw siya tapos dali dali siyang bumaba.Nagulat mama niya kasi namumutla na raw si judy.

Mama:""Anak anong nangyayari sayo?""
Judy(umiiyak):""M-mama, ayoko matulog sa kwarto tabi tayo sa kwarto mo.""
Mama:""Bakit ano bang nangyari?""
Judy:""May bata kasi mama na dumungaw sa bintana ang puti puti tapos walang mata na puro dugo tapos nakangiti sakin habang sumisitsit, hindi siya tao mama, nasa 2nd floor yung kwarto ko paano siya nakarating doon, mama siya pala yung sumisitsit sa akin.""
Mama:""O sige tabi tayo.Kaya pala wala naman akong naririnig na sitsit mula sa labas.""

After nun, lagi na magkatabi si Judy pati yung mama niya matulog.

Ps: Admins, patry po halungkatin yung pinaka last kong nipost dito, kung makikita niyo lang po.Kasi alam ko by part yun hindi ko ata natapos hehe.Salamat po! Pero kung hindi niyo nakita kahit wag na lang ^^

Pps: Palitan ko na po yung Ms.Unknown kasi marami na tayo hahahah! Nakakalito yun :)

'Til next time! Salamat sa nagbasa."

Ylla (Ms.Unknown)

SpookifyWhere stories live. Discover now