Mp4 file and HTML flash video

800 9 0
                                    


May Kahabaan

Hello uli! Ako po sender ng ""Red Room"", thanks sa responses. Siguro nga Recorded clip yun para manggipit. Okay past is past Eto namang isheshare ko ngayon is about kay Mr.M, naalala nyo pa? Well kasi, he died, binangungot, 6months after the Red Room incident. January.

Diba yung kwento ko sa Red Room nasa Pisonet ako at natrack ako sa deepweb at nasa likod ko sya? So FB account nya ang nakita malamang sa malamang. Naglogout po ako, clear cookies, clear cache lahat ng pwede. Pati browser binura ko.

After 6months saka lang may nagparamdam SAKANYA. Diko alam kung connected sa RedRoom o sa kung saan. Di naman sya nagdadive sa deepweb kasi ang sabi nya sakin,

""Walang katotohanan nasa deepweb. Mga kaungasan lang andun. Aliens kamo? Man-made Calamities? Hypnotic Videos that can render you useless and put you in a comatose state? Merong totoo dun, mga krimen. Child porn, drugs, guns, gun for hire, black market. Pero mga sinasabi mo kaungasan pards. Wag ako iba nalang.""

Ako kasi pala-kwento sakanya about sa deepweb. Sa kung anong makikita dun. All he can picture about deepweb is dark, dank, filthy and cruel. Para sakin kasi kabaligtaran, knowledge in down there. You just have to open your eyes and look straight, no side quests, just go to where you needed to go. Okay back to the story, after 6mos may nagparamdam sa FB nya, may nagsend ng .onion na URL. Pano ko nalaman? Di nya sinabi sakin, nakita ko lang after nya lumabas ng pisonet nung gabi na binangungot sya.

Okay lets Jump back in time. January, MID january 2016.

Pupunta ako sa  bilihan ng barbeque kasi walang ulam sa bahay, tutal magisa nako sa tinitirhan ko, may sweldo, at tinatamad magluto. FYI, CallCenter Agent po ako, Australian Account para normal ang buhay at may bitcoin wallet na may lamang 7btc lang. Nagiisip ako kung lahat ng savings ko for 2 years of working icoconvert ko sa btc. Oh basta yun. Madadaanan kasi yung pisonet pagpupunta sa barbeque-han. So eto, malapit nako sa pisonet nung biglang lumabas sa pinto si Mr.M. Dilat an mata, as in malaki. Di kumurap at gulat na gulat, tuwid na tuwid ang katawan, nakabuka ng kaunti ang bibig. So nagtaka ako nung nakita ko sya, edi nilapitan ko.

""Pards, ayos ka lang?""
""...""
""Huy pre, naririnig mo bako?""
""..."" Tumingin sya sakin.
""Uhhh okay?"" I snapped my finger 3 times in front of his eyes. Biglang kumurap ng mabilis yung mata nya at umiling iling na parang nagaalis ng hilo.
""Anyare sayo?""
""Huh? Pauwi nako. Gutom na ko eh. San ka punta?""
""Bili Isaw baboy la ulam eh. Nakakatamad magluto.""
""Magsyota kana kasi yaman yaman mo wala kang babae.""
""Ul*l. May syota ako, si laptop. Tas yung kabit ko si PC ko sa bahay. Syempre may admirer ako yung blank laptop ko.""
""Inanto puro gadgets ka, magasawa kana. Osya uwi nako. Gutom nako eh. Dadaan kaba pisonet? Logout mo fb ko, pa*yu ka pagnirak mo ah! Gulpihin kita.""
""Ge, ge.""

We parted ways, ako naglakad na papuntang barbeque-han sya pauwi. Habang naglalakad ako napaisip ako bakit sya ganun, dilat, etc. Hanggang sa makabili nako at makabalik sa pisonet yun nasa isip ko. Biglang may nagtxt sakin, si Mr.M.

""Pre nilogout mo ba? PC3 ah. Lamats.""

Dinako nagreply at pumasok sa pisonet at dumeretso sa pc3 at naghulog ng 3 piso, 1030 na kaya wala nang tao. Bumukas yung monitor andun yung naiwan na browser. I clicked on it and his fb account is still present. But before I can log it out, a chat box popped up saying.

""Hi J, missed me?""
""Nice, how are you?""
""Helloooo!""

I looked at the senders account, dummy. Fake. No friends, no photos except for the profile pic na vendetta mask, no posts. Diko nireplyan, fb ng tropa ko eh. Pero tinignan ko yung thread nila, naguusap sila ni M. Nagsesend pa nga ng pics yung sender eh babae na puro cleavage tas maraming nude photos. Pero si M wala ni isang pic ang sinend. May isang chat si M na pinagtaka ko, yun yung pinaka huli bago yung ""Hi"" sakin.

SpookifyWhere stories live. Discover now