larawan ni lolo

560 7 0
                                    

So eto. Hindi ko first time magsend ng confession dito. Nagsend din ako dito tungkol sa Doppelganger noon. Hahaha! Tas may nagsend din ng chapter 1 ng story ko dito, yung FIWTDWRM. Hahaha. Lol. Paniguradong may nakakakilala na sakin dito, lels. Kaway kaway sa mga WattPADERS jan!

Haba ng intro ko no? La kang pake. Haha. Here it goes. Ilang taon pa lang ako nung nangyari to sa kapatid ko, di pa uso yung touchscreen noon. Tanging de-camerang Nokia lang ang Cellphone namen. Meron akong kapatid na babae, she was 4yrs. Old that time, just call her Janna.
Mga 5:30 ng hapon noong hiniram ng kapatid ko yung cellphone. So binigay naman ni Mama sakanya.
"Wag kalang lalayo, baka mawala yang cellphone." Tugon ng mama ko sakanya.
"Oo. Jan lang ako." Sagot naman ng kapatid ko.
-FastForward-
6:15 umuwi yung kapatid ko, tinatawag nya mama ko.
NV.
Janna: Ma! Pinicturan ko si Tatay. Hehe
Mama: Huh? *nagtataka.* wala na yung lolo mo be. (Tatay yung tawag namin sa lolo namin.)
J: anong wala ma? Napicturan ko nga sya.
Ako: Pano mo sya makakausap? Patay na yon e. Kaya Hindi mo na sya makakausap.
J: Hala! Oo nga. Napicturan ko nga sya. *pamimilit nya. Dumating naman si Papa.*
Papa: Patingin nga kung totoo anak? Asan yung Cp?
J: Eto papa o. *masayang sabi nya sabay abot ng camera kay papa.*
Binuksan naman ni Papa yung gallery, nakitingin din ako syempre. Nang mabuksan nya na, pareho kaming nabigla dahil yung lolo ko nga yun. Black and white lang yung color, nakangiti sya. Pero halfsmile lang. Tas isang mata lang yung kita kase cut na yung sa picture. Habang nakatulala kame, biglang nagsalita si Janna.

"Oh, ayan no? Nakangiti sya diba? Hehehe. Sabi nya saakin picturan ko daw sya para pogi sya e."

Hindi naman kame natakot, pero nagtaka kami dahil hindi naabutan ng kapatid ko si Tatay, simula noon hindi na namin sya pinayagan na kumuha ng litrato, baka ano nanamang makuhanan nya.

May nakapagsabi din saamin na binabantayan daw kami ng lolo at lola ko, dahil may nakikita daw silang dalawang matanda na nasa bahay namin, tho, hindi naman kame takot dahil ramdam nga namin yung presence nila.

Sorry kung mahaba. Sana nagenjoy kayo. Haha.

Carmela na walang Juanito,
Pipay Mo.heart emoticon
Majelangg

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SpookifyWhere stories live. Discover now