Bata Sa Duyan

1.1K 16 2
                                    


Hello spookifyers! Share ko lang tong nangyari saken nung August 2014, hindi ko na tanda ang eksaktong araw eh, so eto na nga, 2nd year highschool ako noon dito sa isang Private school sa taguig, medyo maliit lang ang school namin at may playground sa likod, dun sa likod na yun na nakapwesto ang playground malapit lang dun yung room namin, kapag sumilip ka ng bintana from room kita mo talaga ang playground, so yun na nga. Math time namin at nakakabored, syempre kase math yun eh at alam kong maraming may ayaw don bukod saken. Hindi ko talaga maiwasan makipagdaldalan sa katabi ko, pero sya nakikinig sa teacher. So ako sumilip nalang ako sa bintana (tabi ko yung bintana) so nung una kong pagtingin dun, nakita ko yung duyan na gumegewang gewang na parang may naglalaro dun. Hindi ko nalang pinansin kase baka malakas lang ang hangin, pero may isang bata na hindi naman sya nakauniform at nakapagduyan sya dun, magisa lang sya at nagsasaya. Maya maya bigla syang tumingin saken ng masama, akala ko na baka akala niya inaasar ko sya. Pero hindi eh, ang sama ng tingin nya at halos manlisik na talaga mata nya. Ngayon sinabi ko sa katabi ko na tingnan nya yung bata, sabi nya wala naman daw bata dun. So ako dedma lang. Nakinig nalang ulit sya, pag tingin ko sa bata wala na nga. Pero napalingat ako sa paa ko kase parang may nakaapak, pagtingin ko nandun yung bata, magandang bata sya at napaka-meztisa. Pero ang nakakatakot pa dun ay sumusuka sya ng dugo sa paahan ko, sa sobrang takot ko napasigaw ako at napatayo, tiningnan nila ako at pinagalitan ng teacher, ang sabi ko nalang kase may ipis. Pagkatapos nun, pumunta ako ng office at nagtanong kung may batang namatay na dito. Kwento ng clerk namin, may isang estudyante daw dito na nageenrol at kasama ang bata nyang kapatid, that time daw nagpapagawa ang school ng third floor. Yung bata daw ay iniwan sa playground para maglaro muna. Habang naglalaro yung bata ay nadapa daw ito at nabangga ang isang trabahador ng eskwelahan, sa sobrang galit daw ng trabahador ay nahapas nya ito ng martilyo sa ulo na ikinamatay ng bata. Pwinesto pa daw nya ito sa duyan para kunwaring aksidente lang ang lahat. Kitang kita daw sa CCTV ang mga nangyaring yon. Simula non lagi ng nagpapakita ang bata, malay mo nasa tabi mo sya ngayon at tinatawanan ka. O kaya naman inaabangan ka sa cr nyo at dumungaw sa salamin nyo.

Dangerous Woman
Taguig City

SpookifyWhere stories live. Discover now