Halos pumutok sa kaba ang aking puso ng makita ang paa na iyon lalo nat may nakalawit pang puting tela sa gilid nito.
Jusko.. D kya ay multo ito?
Tatakbo ba ako? Pero parang ayaw ng sarili ko eh. D ko nalang namalayan andun na pala ako sa tabi ng slide at kaunting yuko lang makikita ko na sya.
Napakakinis naman atang multo ito.
Napaatras ako ng makitang gumalaw ang paa nito kaya tumalikod nalang ako at umuwi na. D kaya ay naglayas iyon tapos nasugatan at kaya may tela? Naku, kawawa naman.
Pero marami pa namang mabubuting tao dyaan eh. Kaya na nila syang ampunin d kaya ay alagaan.
Kinabukasan..
Dinaanan ko uli ang park, pero laking gulat ko ng nanduon parin sya at nakahiga. Hindi ko makita ang mukha nya pagkat nasa bulwagan ito. Baka naman pag nakita ko eh multo pala at maraming dugo. Pero alam kong babae sya. At ang tanging suot nya ay puting tela na parang sa mga sakristan.
Kulay abo rin ang kanyang mahabang buhok. Pero nakukryuryos talaga ako sa mukha nya eh.
Kinuha ko nalang ang hiningi kong tatlong tinapay at isang bote ng gatas. Sana naman ay may iba pang tumutulong sa babaeng ito. D naman sya matanda kasi napakakinis ng binti nya. Uy hindi ako nangmamanyak.
Pagkatapos ay umalis nalang ako.
Kinabukasan..
Ganun parin ang pwesto nya. At natuwa naman ako ng makita sa tabi nyang wala ng laman ng gatas na inilagay ko kahapon sa tabi nya.
Mukhang tulog pa rin ito kaya minabuti ko nalang lagyan ng pancit at tubig ng tahimik sa paanan nya.
Saka umalis.
Kinabukasan...
MaGugulat pa rin ba ako kung inaasahan ko na rin ang makikita ko? Nakahiga pa rin sya. At natutulog. Pero thank god at nagkalat nalang sa tinutulugan nya ang plastik ng pancit kahapon.
Nangiti nalang ako at inilagay sa paanan nya ang dalawang piraso ng tinapay at isang biscuit. Saka na rin yung juice na Zest-O.
Mukhang nagiging routine ko na bago pumasok ang magpakamabait dito sa babaeng ito.
Kinabukasan..
Pagkadating ko nangunot ang noo ko. Wala na ang paa nyang kita duon sa slide. Huh?
D kaya ay umalis na sya? O nakita na ng naghahanap sa kanya?
Nilapitan ko ito pero wala na talaga yung paa nya. Yumuko ako pero bigla akong naupo ng makita syang naka upo at dilat na dilat ang mata.
Agad rin aking tumayo, maganda pala sya.
Nagpatay malisya nalang ako at kunyaring dinuduyan ang swing. Lumabas ang ulo nito mula sa loob at nakatingin ng derecho sa akin.
Tumingin din ako sa kanya. Saka ko lang na realize na pula ang kanyang mga mata. Teka tao ba to? Abo ang buhok tas pula ang mata?
Umiwas nalang ako at umupo saka nag swing. Pero nagulat nalang ako ng umupo rin sya sa katabi kong swing pero baligtad ngalang.
"Salamat." angelic voice..
Napaka warm ng kanyang tinig. Parang tinig ng isang babaeng panginoon.
"A-ah.. Alam mo pala." naiilang kong sabi. "Bakit ka nga pala riyan natutulog. Ilang araw na. naglayas kaba?"
"Hindi. Wala akong tirahan." napakunot ang noo ko. Diba dapat 'wala NA akong tirahan' yun?
"Ha? eh saan ka natutulog minsan?"
"Kakarating ko lang dito?" ah so tiga ibang lugar sya. Kawawa naman.
Tiningnan ko ng aking relos. Malapit na palang mag klase. Ibinigay ko sa kanya ang dala kong tinapay at juice. "Cge mauuna na ako."
Ngumiti ito sa akin. Nagulat ako kasi parang tumigil ang lahat pati pagtibok ng aking puso. Huh?
Pero unti unti ring bumalik sa lahat nung bumalik na sya duon sa slide at mahinhin na kumain.
Nagkibit balikat nalang ako at umalis na.
Kinagabihan...
Nasa bahay na ako ng biglang umulan. Napakalakas nito.
Mabuti at nakauwi rin agad si mama bago pa mas lumakas ang ulan.
"Ma nagluto na ako ng hapunan." ngingiting ngiti kong sabi sa kanya kaya napangiti rin ito.
Kumain na kami at bumili rin pala sya ng maari namin maging ulam. Pancit.
Habang kumakain napatitig ako sa pancit at sandaling natigil..
Teka.. Kung may ulan. Paano na yung babae dun sa slide?!
Napatayo ako bigla at hinanap ang kapote ko, pati kapote ni mama ay kinuha ko.
"Anak saan ka pupunta? Malakas ang ulan." sabi nya at mukhang natigil sa pagkain.
"Ma may susunduin lang ho ako."
"Osya sige, mag ingat ka. Bumalik ka kaagad!" sigaw nya ng makalabas ako.
Tinakbo ko ang park. Madilim na pero mabuti at may ilaw pa rin ang mga streetlight kahit umuulan.
Dali dali kong tinungo ang slide. Nadatnan ko sya roong nakaupo at yakap yakap ang kanyang mga binti. Mukhang nanginginig na rin sya. Natuon ang atensyon nya sa akin ng katukin ko ang hagdan ng slide.
"O diba malakas ang ulan bat ka naandito?" tanong nya kaya napa poker face nalang ako.
At ako pa talaga ng tinanong nya ng ganyan?
"O eto, kapute. Sumama ka sa akin sa bahay." tumango ito at isinuot ang kapute.
Tumakbo kaming pareho at magkahawak ang kamay. No malisya!
Nakaabot kami sa bahay ng medyo basa kaya kelangan naming magpalit
Napakunot ang noo ni mama ng makita kung sino ang aking kasama habang sya naman ay napaawang pa ang bibig ng makita ang loob ng bahay.
Nakita ko rin ang kabuuan nya.. Maganda sya at matangkad. Puting tela ang kanyang suot. (?) pero ang kakaiba ay, puti ang kanyang buhok habang pula naman ang kanyang mga mata. Hindi kaya ay drug addict ito?
"Sino sya?" tanong ni mama..
"Ewan d ko rin po alam." binatukan ako ni mama at saka nilapitan yung babaE."Wala syang tirahan ma."
Ng malapitan ni mama yung babae, ngumiti ito sa kanya ganun na rin sya. "Iha, anong pangalan mo?"
"Ako po si Silver." yun ang sabi nya at pinagpagan ang damit. Wait, damit paba yun
"Ako naman si Caitlyn.. Sya si Callen." saka ako itinuro ni mama. "Sabi nya ay wala kang Bahay. Maari kang tumuloy rito iha. Kung gugustuhin mo.." ngumiti naman sa kanya si Silver.
"Salamat po. Naway, tulungan kayo ng panginoong maykapal sa buhay. Pagpalain kayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/128412349-288-k671447.jpg)
BINABASA MO ANG
That Inoccent Angel Of Mine [Completed]
Short StoryBabaeng ginawang suklay ang tinidor?! Babaeng naligo sa ketcup kasi daw masarap?! At babaeng.. Hinawakan ang t*ts ko! Anong klaseng babae sya?! Baliw ba?!