\epilogue/

71 0 0
                                    


"Hay mabuti gising kana..." sambit ni mama na syang unang una kong nakita pagka gising ko.

Nasa ospital ako..

"Juskoo, ano bang nangyare sa iyo at hinimatay ka kanina, kinapos ka nanaman ng hininga kuno. Pero nawala na iyon diba,"

Hinimatay ako kanina?.. teka, eh nag aaral lang ako kanina ah.

"Baka nakatulog ako. Si mama oh.."

"Hindi nasa sahig ka." d makapaniwala kosyang tiningnan. Tanda ko naka upo lang ako.. Baka siguro natumba ako. Eh hindi naman sumakit ang dibdib ko eh.

"Gwapo pa rin naman ako." biro ko pero seneryoso ni mama kaya nakatanggap ako ng batok sa kanya.

"Ewan ko sa iyong bata ka, pero eto oh, nakita ko sa sahig, mukhang totoo, san mo to binili?" sabi nya at may iniabot sa akin.

Feather.. Puti.

Oo, mukhang totoo nga. "Ewan ko baka sa ibon iyan."

"Ay naku, ang laki kaya neto." nginitian ko lang si mama at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hinding hindi kita iiwan mama okay?.. mahal na mahal kita."

---

1 year later...

Naglalakad ako sa park dito sa subdivision namin. Dumerecho ako sa swing at sandaling napa tingin sa may pasukan ng slide, parang may nagtutulak sa aking tingnan iyon.

Pero ng wala akong makita nag swing nalang ako. Marami ring mga bata dito at naglalaro sa kung saan kasama ang kanilang mga magulang.

Busy si mama ngayon sa KANYANG sari sari store. Natapos namin ang taon na nakapag pundar na ng tindahan. Malaki iyon kaya malago ang kita, kagagaling ko lang ngayon sa eskwela, at mukhang wala pang tao sa bahay kaya dito na muna ako maglilibang.

"Kuya bili ka po?" napatingin ako sa kumalabit Sa akin. "Kendi po piso lang." tumango ako at binigyan sya ng limang piso saka kumuha ng dynamite na kendi

Umalis na man sya at naglibot libot.

Ang saya siguro maging bata.. May kalaro, may kasama at higit sa lahat may kausap.


Nuong nagdaang mga taon, may isang babaeng pilit pinapasok ng puso ko pero ayaw naman ng isip ko.

Strange noh?

Pero d ko malaman laman, parang may tumututol.

Napatigil ako ng may marinig na hikab kaya nilibot ko ang paningin ko . Natigil ako at natumba sa kinauupuan ng may makitang paa sa ilalim ng slide

",oh shit.. Ang sakit sa pwet." bulong ko at tumayo saka pinagpagan ang damit ko. Semento pa naman yung natumbahan ko.

Agad kong tiningnan uli ang ilalim ng slide, may paa nga! Nako! baka multo yan.. Pag tiningnan ko maraming dugo.

Ayaw ko namang magtili dito sayang mukha ko noh.

Pero natauhan ako ng dalhin ako ng sarili kong mga paa duon.

Kaya yumuko ako.. Babae

Nakasuot ng puting bestida at kulay light brown ang buhok. Kinalabit ko ang paa nya kaya agad syang umupo at tiningnan ako.

"S-sino ka?"

"Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko at inenspect sya mula ulo hanggang paa. Mga kaedad ko lang at.. Higit sa lahat.. May pagka berde ang kanyang mga mata.

Teka, tao paba ito?

"Wa-wala.. Umalis ka nalang dito."

Wait.. Dejavu? parang nangyari na ito sa akin ah.

"Naglayas kaba?"

Nag intay ako ng ilang minuto para sa sagot nya. mabuti at di naman nya ako binigo kasi sumagot sya. "Oo.."

"Bakit?"

"Tinataboy ako ng step father ko. Bwisit sya.!" singhal nya.

"Pwede ka sa amin.. Mukhang uulan oh." agad syang natingin sa akin ng derecho.

"Talaga??" tanging tango ang isinagot ko bago tumayo.

Inilahad ko sa kanya ang aking kamay na kanyang tinitigan bago kuhanin iyon at tumayo.

Naglakad na kami. "Ako nga pala si Callen.. Ikaw?" ngumiti sya sa akin kaya parang biglang tumigil ang lahat pero nabalik iyon ng magsalita sya.

"Ah.. Ako si Goldy."

----

End!

That Inoccent Angel Of Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon