Inaya namin syang kumain. Mabuti at pumayag agad sya.
Pare pareho kaming umupo ng mahimasmasan sa nangyare.
Ng tingnan ko si Silver ay nginitian nya ako.. Nagulat ako kasi naulit bigla ang pagtigil sandali ng paligid ko. Pero nawala iyon at napalitan ng ngiwi.
"Diba, ginagamit to sa buhok?" pareho kaming napanganga ni mama ng isuklay nya sa buhok nya ang..
Tinidor?!
HUWAAAAT?!?!?!
"pft-----" bigla nalang napahagalpak ng tawa si mama kaya napangiwi uli ako.
Anong problema ng dalawang to? Agad kong kinuha ang tinidor na naka usli sa buhok ni Silver at inilagay sa lababo.
----
Pauwi na ako galing school. Syempre excited na maka usap uli si Silver, ang gaan ng loob ko sa kanya..
...Parang matagal na kaming magkakilala.
Pasipol sipol pa ako habang naglalakad, panigurado ay wala pa si mama ruon para tapusin ang gawain nya sa tahian.
Ng makarating sa bahay ay agad akong pumasok.. Syempre malamang
Pero pagkapasok ko wala sya.. Asan na yun?
"Silver? Silveeeer! SILVER?!" nakakunot noo akong tumungo sa bawat sulok ng bahay. Hanggang sa napansin ko na may gumagalaw sa banyo.
Ahh... Baka nandito sya
"Silver?" bubuksan ko na sana ito ngunit sya na mismo ang bumukas.
"Hi!"
"Hush Shit!" napasigaw nalang ako ng makta syang..
.. DUGUAN?!
"ANONG NANGYARE SAYO?!"
Mas nagulat pa ako sa sumunod nyang ginawa..
Kinain nya yung dugo! "Ketchuy to debah? Ang sarap kayang ipaligo." napahilamos nalang ako sa sarili kong mukha.And at the same time gumaan ang loob. Ano ba Kasing pinaggagawa ng babaeng to?!
"Ketchup. K-E-T-C-H-U-P." sabi ko at nilinis na ang kalat nya
Tatlong gallon lang naman ng stock ng ketchup namin ang ibinuhos nya sa buong banyo para ipaligo -_-
Kinagabihan
Pagkatapos kong maglinis kanina ay hindi ko na isinumbong kay mama. Si Silver naman pinahiram ko muna ng mga damit ni mama sa kanya kasi wala talaga syang mga dala.
Kakaligo ko lang dahil sobra akong pinagpawisan sa pag kuskos burakos dun sa banyo wala lang matirang ebidensya.
Hays..
Agad akong humarap sa study table ko at nag aral. Advance reading lang baka may test bukas. Mahirap kayang mga teacher mo palaging may baon na surprise quiz, partida d nyu pa nalesson yan.
Habang nag lelesson, ay may kumatok sa pinto ko. "Pasok." sabi ko.
Naglakad sya papasok, si Silver ata.
"Anong ginagawa mo?" tanong nya kaya naman syempre sinagot ko
"Ah, nag aaral." sagot ko at sa libro nalang nag focus.
"Ano yan?""Ah libro."
"Pwede pahawak?"
BINABASA MO ANG
That Inoccent Angel Of Mine [Completed]
Cerita PendekBabaeng ginawang suklay ang tinidor?! Babaeng naligo sa ketcup kasi daw masarap?! At babaeng.. Hinawakan ang t*ts ko! Anong klaseng babae sya?! Baliw ba?!