Chapter 6

Tahimik pa din ako ng pumasok kami sa loob ng bahay. Wala din akong masabi eh. Nahihirapan pa din ako hanggang ngayon. Ang laki ng problemang naidulot ko.

"Dito ka lang ha? Tawagin ko lang sila. Upo ka na muna. Waiter, pahingi ng water."-zion

"Here sir."

"Salamat. Stay here i'll be back" -zion

Madami dami din ang tao sa labas pero dito sa loob iilan lang. Hanggang sa may isang batang babae ang lumapit sakin. Hala ang cute niya.

"Hi ate." -chelsea

Sabi ng bata sakin. Hala ang cute talaga! Pansin ko din na pang may hawid kami sa mukha. Di sa nagaasume ako ha? Pero kasi kamukha ko talaga may picture ako na kamukhang-kamukha niya. Wait. Nasa wallet ko iyon. Hahanapin ko sana ng maalala ko na wala sakin yung bag ko nasa sasakyan ni rico. Asan na ba yung lalaki na yon?

Rico's POV

Nandito ako ngayon kasama ang mga troopa. Hanggang ngayon kasi ay naghihintay kami sa pag dating ni zion. May good news kasi nahanap na namin ang mga magulang ni zian. Luckily after so many years. Konti nalang zian magiging masaya ka na. Alam kong sobra sobra na ang mga pinagdaanan mo. Siguro panahon naman na upang maging masaya ka.

"Everything is settled. Once na dumating kayo sa venue mamaya ay dapat. Wala ng problema."  -zion

Pagdating namin kanina ni zian. Ay agad naman namin nakita si zion. Nakita ko pa nga yung paglaki ng mata ni zian pati yung pagpula ng mukha. Lalo na noong hinawakan ni zion yung kamay niya. Enjoy this night. Simula mamaya ay magbabago na ang takbo ng buhay mo.

"Nasa sala na si zian. Nakaready na kayo ha? Salamat guys. Di ko alam kong paano ko magagawa ito ng wala kayo." -zion

Tanging ngiti lang ang sagot ng lahat.

"Lalo na sayo rico. Salamat at kahit paano hindi mo siya iniwan. Paano ba yan babawiin ko na siya sayo ha? Ako na uli ang best friend niya." -zion

"Bayad muna. Aba di biro yung ginawa ko. Hahaha. Joke! Wala yon kahit dito manlang ay makabawi ako. Hindi niya deserve eh. "

Sagot ko kay zion. Akma pa nga akong susuntukin eh. Hahahahaha.

Kanina pa ko may nakikitang bata na naglalakad. Actually unang kita ko palang sabi ko na eh kamukha ni zian. Pero lalaki ito mukhang babae. Base sa suot niya ay lalaki ito. Medyo mahaba kasi yung buhok. Kaya pagkakamalan mong babae.

Zian's POV

Naaliw ako sa batang ito. Don ko lang narealize na lalaki pala ito. Hindi babae.

"I really hate it when they always say that i look like a girl. But truth is im a boy. Come ate i show you something." -Chelsea

Sunod naman ako sakanya hanggang sa dalhin niya ako sa isang lamesa. May dalawang taong naguusap don isang lalaki at babae. As i look at them hindi ko mawari kong panaginip lang ba to o totoo yung nasa picture na lagi kong tinitignan. Lagi kasi itong pinapakita ni lola sakin. Kaya familiar ako. Hanggang sa lumapit sila sakin at.

"Anak? Ako to si mama mo? Naalala mo pa ba ko? Matagal ka namin hinanap."

Di ako sumasagot kasi nga umiiyak nanaman ako. Nakakaramdam na naman ako ang pahirap huminga. Hanggang sa.....





Nagising nalang ako na nasa hospital nanaman ako. Dahil sa puti nalang ang nakita ko. Kaloka! Panaginip lang pala.

"Mabuti naman at gising ka na. Anak masyado mo kaming pinagalala. Kamusta pakiramdam mo nagugutom ka ba?"

Tahimik kong nilingon yung taong nagsalita mula pintuan. Yung babaeng nakita ko kanina.

"Nanaginip po ba ako? Paki-sampal naman po ako."

Sabi ko dito at tumawa.

"Hindi anak. Totoo ang nakikita mo. Ako to ang mommy mo."

At ayun na nga po. Umiyak nanaman ako.

"Shh tahan na. Wag ka na umiyak. Hindi na kita iiwan anak."

Zion's POV

Nasa hospital kaming lahat ngayon. Paano kasi bigla nalang hinimatay si zian. Nagiging talent niya yan. Mabuti nalang at gising na siya. Nasa labas ako kausap ang papa niya. Grabe. Ngayon ko pang narealize na anak mayaman talaga siya. At yung lola na kinilala niya ay ang yaya niya. Ibinigay lang pala sakanya si zian para alagaan muna dahil hindi pa nila ito kayang alagaan. Madami din akong nalaman about sakanya may kapatid din pala siya aside sa bata na nakita namin kanina.

"Gising na siya. Sige na pumasok ka na."

Nakaupo siya habang kumakain. Hay!

"Bakit ayan kinakain mo? Tignan mo nga ang payat mo tapos chocolate."

Nakakainis to di ba siya nagiisip ang payat na nga niya yan pa din kinakain niya.

"Eh ngayon lang ako kumain nito. Zion."
-zian

"Kahit na akin na yan. Ito kainin mo prutas."

Nakita ko pa na yumuko ito inilapag sa lamesa yung kinakain niya. Kaya pala paborito niya yung kinakain niya.

"Sige na nga kainin mo na. Ngayon lang yan ha? Pero sa susunod hindi na pwede."

"Talaga? Yey! Salamat nga pala zion. Napakalaki ng effort na ito hindi ko inakala na makikita ko at makakasama ko pa ang magulang ko. Wala na kong mahihiling pa buhay ka na kasama ko pa yung parents ko. Pwede na kong mamatay. Joke." -zian

Nakita niya ata na sumimangot ako. Di naman kasi nakakatuwa eh. Bakit kailangan niya pang sabihin yon. Badtrip.

"Biro lang yung last part eh. Kausapin mo kaya ko. Gara niya oh!" -zian

Hindi ko pa din siya kinikibo nakayuko pa din ako. Hanggang nakarineg nalang ako ng humikbe. Hala zion! Anong ginawa mo?

"Oo na wag ka ng umiyak. Pumapangit ka pa lalo."

"Ang sama mo hahaha." -zian

Sana lang wag ng matapos itong magagandang araw na nangyayari sa buhay namin. Masaya ako na masaya siya. At lahat ay handa akong gawin para sakaya kahit dito manlang makabawi ako sa mga pagkukulang ko sakanya. Hindi ko man masuklian yung pagmamahal niya na binibigay saakin. Kahit dito manlang maiparamdam ko sakanya bilang kaibigan kaibigan kong gaano ko siya kamahal.

"Salamat zion. Salamat." -zian

End of chapter 6 i'll post it tommorow guys. So hows my story? Please dont forget na magcomment vote. Expected chapters nito ay hanggang 15 or 20. Dipende sainyo. Guys! Yung cover ko please help niyo ko gawan. Ronnie Alonte playing the role of zion. And guys kong may pagkakatulad man yung names or scenario sa mga kwento pawang imahinasyon lamang ito. Hello, sa mga LGBT dyan support me.

And I LOVE YOU SO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon