Chapter 2

Nandito na muli ako ngayon sa  hospital. Still ganon pa din wala pa din malay. Pero sabi kanina sakin ng doctor nakita raw ng nurse na gumalaw ang isang kamay nito. Sabi pa it's a good sign. Basta continues lang daw siyang kausapin.

Nakausap ko na din pala si Zie kanina. Umiiyak siya sakin humihinge ng tawad. Ang manhid ko naman kong hindi ko siya papatawarin. Sinabi ko lang sakanya na hindi na nga lang gaya ng dati. Hindi na ko makikisama pa sakanilang tropa. Naiintindihan naman daw niya ko. Open pa din daw tropa na tanggapin ako. Pero sagot ko lang ay malabo na. Madami ng nasira at nangyari. Alam ko din na may gusto siyang sabihin hindi niya masabi-sabi sakin.

Masyado kasi akong nasaktan sa mga ginawa nila. Nagalit pa sakin  zion. Ako pa tuloy yung naging dahilan ng hiwalayan nila ni cassey. Kinausap ko na din pala si cassey. Sinabi ko sakanya kong maari ay bisitahin manlang niya si Zion. Huminge na din ako ng tawad sa mga nagawa ko. Kahit na alam kong wala at malabo niya kong patawarin still hoping na sana kahit kay zion manlang magpakita siya.

"Zion kausap ko pala si cassey kanina. Sabi ko sakanya ang nangyari sayo. Di ba nangako ako sayo na sa oras  na gumising ka ay tutulungan kitang magkabalikan kayo ni cassey. Ito na masyado kasi akong nagalak noong nalaman ko sa doctor na naigalaw mo yung isang kamay mo sana gumising ka na. Marami ka ng hindi nasisilayan na magandang pangyayari. Isang buwan nalang magpapasko na sana kahit ito nalang gift mo sakin."

Di ko na mapigilan pero naiiyak na talaga ako ng tuluyan alam kong darating ang panahon na magigising siya. Sa oras na ito ay dumating pangako ko sayo gagawin ko ang lahat para lang magkabalikan kayo ni cassey at pinangako ko na oras na magkabalikan kayo ay lalayuan na kita. Para sa ganoon ay wala ng gulo pa. Alam ko naman na ako ang rason kong bakit nagkagulo-gulo ang buhay mo. Masyado kasi akong nangarap na mamahalin mo ang isang tulad ko ayon.

(Flashback)

" you ruined everything. Hinding hindi kita mapapatawad. Dahil sayo naghiwalaya kami."-zion

"Zion makinig ka na muna. Nakikiusap ako. Nandito ako para itama ang lahat."

"Wala na  sinira mo na eh. Itigil mo na to dahil kahit kailan ay hinding hindi kita mapapatawad umalis ka na sa harapan ko please. Wag ka ng magpakita sakin layuan mo na ko. Hindi ka talaga nadadala eh ano?"

Hindi ko na alam kong paano pang paliwanag ang gagawin ko para lang mapatawad niya ko. Pero wala eh galit na galit siya. Sabayan pa nito ng hindi manlang ako pinakingan ni cassey galit siya sakin. Walang ahasan na naganap. Walang nangyari set up lahat ng nangyari.  Bakit ba napaka-hirap magpaliwanag sa taong ito. Hindi ko naman hiniling ito. Ang sakin lang ay mapansin niya ko. Hindi ko na nga hinangad na mahalin magustuhan niya ko. Pero tila naging maging mahirap ata hiniling ko. Una palang na nalaman ng lahat na gusto ko si zion ay katakot na takot na nangyari sakin. Andon yung sa bawat pasok ko palagi nila akong binubully. Minsan naman babatuhin nila ako ng papel na nakasulat na "You'll regret this." Minsan naman sa lucker room palagi nalang akong kakatangap ng death threats. Pero lahat yon ay hindi ko inintindi.  Pero wala eh. Simula ng maging personal na katulong ako ni Zion at maging kaibigan niya ako ay mas tumimtindi ang galit sakin ng mga fans niya maski sa labas ng school ultimo sa social media sumikat ako.  Pero walang alam si zion don. Natapos lang yun ng maaktuhan ni zion yung patay na patay sakanya na nilagyan ng sili yung pagkain ko at inatake ako ng hika. Sinabi niya lahat ng taong nandon na oras pa may gumalaw sakin ay siya na ang makakalaban.

"Umalis ka na please lang."

(End of flashback)

Again tumulo nanaman ang luha ko. Palagi nalang akong umiiyak. Sumpa ata ang ibigin siya. Napaka-laking parusa. Zion kong naririneg mo man ako sana gumising ka na mahal ko. Wag mo na kong pahirapan. Gusto ko ng matapos itong bangungot na na nangyayari sakin, saatin.  Hindi na ko aasa pa na mamahalin mo ko. Ang mahalaga ay gumising ka. Miss na miss na kita. Kami ng magulang at kapatid mo. Kaya mahal ko gising na...






End of chapter 2. Kamusta? Pasok ba ang kwento ko o may dapat pang baguhin.

And I LOVE YOU SO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon