Chapter 14

Masaya akong binabalikan at inaalala ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Halos wala na kong mahihiling pa. Kahit na hindi kami ang nagkatuluyan ni zion malugod ko itong tinatangap dahil alam kong sila talaga ang para sa isa't-isa.  Ilang buwan na din simula ng umiwas ako sakanilang lahat. Kinailangan ko itong gawi  dahil sa lalong lumalala ang aking karamdaman. Sinunod ko naman yung payo ng mga doctor sakin pero still wala padin nakakaalam aside sa magulang ko pati kay rico. Sinabi kong i'sekreto ito dahil alam kong may kanya-kanya na silang buhay.

"Sure ka bang okay ka lang dito? Pwede naman akong magstay ha."-Kuyaaa

"Wag na kaya ko na ito. Wag kang magaalala aalagaan ko ang sarile ko."

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay tinitignan ang papalubog na araw. Napaka-ganda lang tignan. Para bang wala akong nararamdaman na sakit sa tuwing tinitignan ako. Nandito ako sa resthouse namin sa batangas. Akala ko dati nasa mga teleserye lang ito nangyayari pwede din palang mangyari sa totoong buhay. Okay na din pala ang hindi ako pinili ni zion dahil kong ako ito ay hindi ko kakayanin na may tao akong iiwan. Ganito lang siguro ang gusto ni god ito ay magpahinga na ko. Siguro nakikita niya yung mga sakit na pinagdadaanan ko. Lord, kong nakikinig ka man. Sana wag mo na lang akong pahirapan pati yung mga taong mahal ko sa buhay. Kong kukunin niyo na ako. Sana ay wag na kong makaranas ng sakit pa na mahihirapan pa ko pati ang mga taong minahal ko. Naaalala ko lang din alam din pala nila kaye at aye ang sakit ko. Namiss ko din yan silaa grabe lang. Sayang lang at hindi ko na kayo makakasama pa ng matagal. Lalo na kay marco na iniwan ko din sa ere ng walang paalam. Basta nalang akong umalis after noong pagkikita namin sa resort. Sorry marco ha? Hindi ko manlang nasuklian lahat ng ginawa mong mabuti sakin. Salamat sa pagkuha ng virginity ko ha! Joke, ginusto ko din naman ito.

"Bye na. Sure ka ha? Lagi akong tatawag dito ha? Please lang wag kang masyadong magiisip ng kong ano ano ha? Isipin mo ang sarile mo kong paano ka gagaling. Gusto ka pa namin makasama. Wag na muna ngayon ha?" -kuyaaaaa

Oo kuya ipinapangako hinding hindi ako susuko agad. Gusto ko pa din kayong makasama ng mas matagal pati ng mga pamangkin ko.





Zion's POV

Ilang buwan ko ng hindi nakikita si zian. Siguro masama pa din ang loob niya sa nangyari. Hanggang ngayon kasi wala pa din siyang paramdam maski sa tropa wala. Si marco nga palagi kong nakikita sa tapat ng bahay nila. Lagi ko din itong nakikitang lasing. Laging napapaaway. Naalala ko pa nong nakita ko siyang nagwawala at umiiyak dahil hindi niya alam kong nasan si zian ay don ko lang napagtanto na talagang seryoso siya at mahal na mahal niya ito. Pati rin ako ay naguguluhan na sa nangyayari? Wala akong alam. Simula kasi ng maging okay kami ni cassey naging busy din ako sakanya. Lahat ng atensyon ko ay ibinigay ko sakanya. Hanggang sa ito na nga buntis na siya at malapit ng manganak. Pero hanggang ngayon ay sekreto pa din sa tropa maski sa kapatid ko ay sekreto pa din.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababaliw na ko kakaisip sayo zian."

Ito nanaman ako magisang nagsasalita. Ano ba kasing nangyari sayo. Sana naman magpakita ka na. Hindi ko na alam gagawin ko! Nakakabaliw.


Cassey's POV

Ilang buwan na ang nakalipas simula ng magbalikan kami ni zion. Ilang buwan nalang din at manganganak na ko. Sa totoo lang sainyo ko lang ito sasabihin sana maintindihan niyo ako. Simula kasi ng maging uli ni zion ang laki ng pinagbago niya. Oo noong una masaya siya, sweet siya sakin.  Halos hindi mo na nga kami mapaghiwalay eh. Pero ito na nga habang tumatagal. Unti unti na siyang nagbabago bumabalik nanaman siya sa zion na nakilala ko dati palagi siyang nagiging mainitin ang ulo. Minsan nga sinasaktan niya ako pag di ako pumapayag sa kanyang gusto. Tapos minsan umuwi siya ng lasing na lasing habang umiiyak siya ay wala siyang mukhang bibig kong hindi si zian. Sa totoo lang alam ko naman na talaga na si zian ang mahal niya at hindi ako. Pansin ko kasi sa tuwing nakikita si zian pati marco dati palagi siyang nagbabadtrip. Madalas din non ay naglalasing siya. Pero sa lahat ng iyon ay tiniis ko. Mahal ko siya eh, kahit na hindi ako at si zian ang mahal niya. Matagal ko na din hindi nakikita si zian. Maski ako nahihiwagaan na rin. Para bang may mali. Kaya nga ito ako palihim na gumagawa ng paraan para malaman kong asan siya at kong kamusta ba siya. Kong bakit kinailangan niyang iwan si zion at marco. Dahil sa totoo lang pati sa marco ay naging malulungkutin simula ng umalis ito. Laging lasing. Laging nasa away napapabayaan na nga niya ang sarile niya eh. Zian please lang magpakita ka na.  Wag mo na silang pahirapan.




                              **

A/n : So ayan guys medyo nakakalungkot lang malapit na din itong matapos. Konting chapter nalang. Who's your bet Marco o Zion. Medyo masabaw yung ibang chapter. Pero sana ay mabasa niyo ng maayos ito. Matsala. Comments ha? Vote and spread this. Thankyyy! ♥

And I LOVE YOU SO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon