Chapter 7

A/N : Ruru madrid playing the role of Rico. Gwapo niya po ano? Yiiie! ♥

Minsan napapaisip ako sa dami ng pwedeng bigyan ng sakit ay bakit ako pa? Sa dami ng pwedeng bigyan ng mala-teleserye na kwento ng buhay bakit ako pa. Ang hirap kahit na stage 1 palang ito at kaya pang agapan hindi pa din nawawala yung mga pangamba ko sa buhay.

"Oh Ano anak bakit andyan ka pa? Ilang minuto nalang pasko na. Bakit hindi ka pa nagbibihis. Andyan yung mga kaibigan mo pati parents nila lalo na sila zion andyan na ikaw nalang kulang. Magbihis ka na ha? Hintayin ka namin."

"Sige po susunod po ako agad."

Wala akong idea kong sino na sakanila ang nakakaalam sa sakit ko. Hanggang ngayon sana ay wala pa din sanang nakakalam ng condition ng sakit ko. Alam ko si rico lang ang taong pinagsabihan ko nito. Kong pwede lang hilingin sa may kapal na sana wala na lang akong sakit. Na sana hindi ako ang nahihirapan ng ganito. Ang hirap. Kahit di ko pigilan umiyak kusang lumalabas ito.

"Umiiyak ka nanaman ba? Zian kong may problema ha, wag kang mahiya kapatid mo ako." -Kuya Ken

"Wala kuya hindi ko lang maisip na makikita at makakasama ko pa kayo muli. Akala ko kasi magisa nalang ako. Akala ko kasi wala na tuluyan na kong iniwan ng mga taong dapat kasama ko. Ilang taon akong magisa. Ilang pasko, taon ang dumaan na ang lagi kong kasama ay si yaya. Nagtapos ako ng elemtarya na tanging si lola lang ang kasama ko."

Mahabang sagot ko sakanya.  Iyak lang ako ng iyak. Di ko alintana kong basa na yung damit niya. Ang mahalaga ay. Buo na ang pamilya ko. Bati na uli kami ni zion. Siguro kailangan ko naman asikasuhin ang sarile ko.

"Sunod ka nalang don ha? Mauna na ko may mga aayusin pa ko." -Kuya ken

After nito ay magpapagaling na ko. Walang rason para sumuko. Alam ko na may pagasa pa.

"Ginagawa mo dito? Nakakagulat ka."

Paano ba naman kasi si zion nakahiga sa kwarto ko. Nakalipat na pala ko dito na ko ngayon nakatira sa bahay ng magulang ko. Katuwa nga eh kasi yung kuya ko ay yung taong hinahangaan ko sa tv. Si kuya ken sikat siyang artista sa ibang bansa. Kilala siya sa pagvlog ng videos. .

"Ang tagal mo pumasok nainip na ko. Kaya pumasok na ko sa kwarto mo. Ganda ng kwarto mo ah." -zion

"Nako nako. Labas ka na mag bibihis ako. Kanina pa sila naghihintay sakin sa labas."

"Ayoko nga dito lang ako. Magbihis ka dyan wala naman makikita sayo eh. Payat payat mo nga eh." -zion

"Zionnnnnnnnnn!"

Sabay takbo palabas ng kwarto. Lokong yon. Nilait pa ko. Porke ang payat eh. Makatapos ko maghalfbath tapos nagsuot lang ako ng damit na okay sige. Niregaluhan ako ni mama ng damit maganda naman kaso hello pambabae. Kaloka di baaaaaaa. Isang dress na kulay red na floral na fitted. Tapos open yung likod niya. Tapos flats since walang babae samin why not daw di ba. Babae naman daw yung puso ko. Di na ko nakapag-reklamo since ngayon ko lang nakasama sila susundin ko nalang din. Actually halos ng damit ko ngayon ay pambabae wala ka ng makikita sa closet ko na panlalaki. Nilugay ko nalang yung buhok na hanggang bewang sa haba. Oo apat na taon ko itong pinahaba. Pwede naman sa school ko ito. Wala naman protesta sa mga gaya ko na nagpapahaba ng buhok.

Pagbaba ko palang sa hagdaan pansin ko na yung mga mata nila. Halos lahat sila nanlaki yung mata i'm sure hindi nila expected ito.

"Ganda bebe. Grabe! Zion nagbago na pala isip ko. Ako na uli yung best friend ni zian." -rico

"Sapak gusto mo? Wala ng bawian."-zion

Ng makalapit na ko sakanila. Mas lalo tuloy ako nahiya. Feeling ko hindi bagay.

"Ang ganda mo sa suot mo anak. Sabi naman sayo bagay di ba. Ang haba na din pala ng buhok mo pagi mo kasi itong tinatali." -mama

"Oo nga kapatid bagay na bagay sayo. Alam mo ba sa ibang bansa pa galing yan. Inorder talaga namin yan." -kuya ken

"Nako talaga ba.salamat po."

Nahihiya kong sagot sakanila. Kwentuhan mo na di pa kasi luto yung ibang pagkain. Si zion nakatingin pa din sakin. Kompleto kami ah. Nasan si cassey? Ilang araw ko dij di siyang hindi nakikita. Asan kaya yon?

"Oh bakit ang tahimik mo dyan? Okay ka lang ba." -zie

"Ay oo naman. Di ko lang maisip, akala ko kasi hindi na ko makakaramdam ng saya pa. Alam mo naman mga pinagdaanan ko di ba."

"Wag na natin alalahanin yun ang mahalaga ay masaya ka na kasama mo na uli si kuya. Sana mapatawad mo kami. Sana magsimula tayo uli." -zie

"Oo naman matagal ko ng kinalimutan yon.."

*Ehem.*

"Ay ikaw pala yan rico. Sila steven? Haha nakakagulat ka bigla ka nalang sumusulpot."

"Wala nasa pool area na. Haha."-rico

Tumango nalang ako since wala na kong iba pang sasabihin wala na din si zie. Ako nalang saka si rico na busy din sa cellphone. Ewan ko kong sino kausap nito. Bahala siya. Enjoy na enjoy naman yung iba. Sana lang wag ng matapos itong araw na ito..


End of chapter....

And I LOVE YOU SO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon