[7] kidnap?

38 1 0
                                    

**Eliz POV**

Nandito na kami ngayon sa school kanina pa namin hinihintay ang teacher namin pero parang wala syang balak pasukan kami hayy! Nakakabagot naman dito. Yung mga classmate ko todo daldal lang sila at paganda/papogi tsk! Hindi naman maganda/gwapo!.

Hindi ko pa pala nakikita si xian simula kaninang pagpasok ko hindi ba sya pumasok? Maganda nayun para walang mangulit sakin.

"Eliz punta muna kami sa Cafeteria gutom na kami eh gusto mo sumama?" Tanong sakin ni Neiana

"Kayo nalang" sabi ko.
Pagkasabi ko kaagad na silang umalis yung apat talagang yun ang tatakaw

'nagsalita ang hindi'

Nagkamali pala ako na walang mangungulit sakin bigla nalang kasing pumasok si xian. Hays! Akala ko wala ng mangungulit sakin eh.

"Hi?" Bati ni xian. Nagsmile naman akung pilit naiinis parin kasi ako sakanya kahit na wala akung balak sagutin sya patuloy parin sya sa panliligaw, ano kayang meron sakin? Hindi naman ako matalino,ni hindi nga ako mabait, pero maganda ako no! Ewan ko ba dito kung ano ang balak nya at patuloy parin sya sa panliligaw sakin.

"Kumain kana ba? Gusto mong kumain muna tayo?" Umiling lang ako sa tanong nya ayoko kasing kumain ngayon wala ako sa mood.

"Bakit parang ang tamlay mo?" Tanong nya tumingin ako sakanya at nagpilit nanaman ng ngiti narinig ko pa syang ng 'tsss'.

"Hoy Eliz may nagpapatawag sayo sa labas!" Sigaw ng kung sino classmate ko ata to? wala naman kasi akung pakealam sa mga classmate ko pangalan nga nila hindi ko alam eh tsaka wala na akung balak alamin pa.

"Who?" Tanong ko sa sumigaw kanina

"Ewan ko hindi ko kilala bumaba ka nalang para malaman mo" inuutusan ba nya ako? Tss.. Kahit labag sa akin sumunod nalang ako sa sinabi nya para malaman na din kung sino ang tumatawag sakin. Nandito na ako pero wala naman tao dito niloloko ba ako nun?

Pero parang hindi bigla nalang kasing may lumabas sa isang sasakyan hindi ko naman kilala tong lalaki na to ha!..

"Hi Eliz long time no see" sabi nito sabay kindat sakin. Hindi ko naman kilala pero kung makaasta akala nya kilala ko sya.

"Who are you?" Mainhin na tanong ko bigla nalang nag iba ang expression nya parang nadisapoint sya sa tinanong ko

"Ang sama mo naman hindi muna ako naaalala?" 'Magtatanong ba ako kung hindi ang mga tao ngayon hindi na ginagamit ang commonsense'

"Magtatanong ba ako kung kilala kita!?"inis na tanong ko

"Aish! Hindi ka parin nagbabago! Im Josh ano kilala muna ako?" Tanong nito sakin

"Josh? Hmmmm... Parang kilala na kita dati pero hindi ko alam kung pano at bakit?" Sabi ko na may pag aasar habang naka lagay yung kamay ko sa baba ko na parang nag iisip

"Ako lang naman yung nahospital ng dahil sayo! Ako yung nakabungko sayo dati sa dati mong school ako yung anak ng may ari ng school. Ano naaalala muna ako?" Ahmm.. Ah alam kona yung lalaking sumira sa pinaka mamahal kung baby car dati! Oh! Pasalamat sya yun lang ang ginawa ko.

A/N: yung nasa chapter 1 po yung Flashback ni Eliz sa dati nyang school

"Oww.. Ikaw pala ang sumira ng car ko?" Maypagka inis kung banggit

"Yeah right!"

"Bakit ka pala nandito?"

"Maninigil lang ako sa ginawa mo saakin!" Bigla nalang nya akung hinila at pilit isinasakay sa kotse nya.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang nagpupumiglas.

"Manahimik ka dyan! Sumakay kana kung ayaw mong saktan pa kita para lang pumasok!!" Sigaw nito sakin

The Heartless Gangster [On Going]Where stories live. Discover now