[11] Bar

28 2 0
                                    

Nicole POV

"Isa pa ngang Margarita"sabi ni Brina sa bartender na kanina pa order ng order.

Itong babaing ito porket malakas ang torirons niya kahit madami ang inumin niya hindi siya agad malalasing. Yung totoo, mayproblema ba to?

"Hey. Dahan dahan lang baka magwala ka nyan mamaya kapag napasobra ang inom mo!" nag aalalang sigaw ni Neiana

"Hindi yan, ako pa!" Nangmamalaking sagot niya.

"Ewan ko sayo. Tara nga Nicole sumayaw nalang tayo" inis na sabi ni Neiana, sasagot pa sana ako ng 'ikaw nalang' kaso hinila na niya ako papunta sa dance floor.

"Party people!... Yeah!" Sigaw ni Neiana habang tumatalon talon.

Ang wild ng mga sumasayaw dito halatang lasing na kasi kahit anong steps ng sayaw nila wala silang pakealam basta makasayaw lang sila.

'Ang hyper naman ng mga to!"

This is the second time na pumunta ako sa isang bar at hindi parin ako sanay na makipag sabayan sa mga nakikipag sayaw sakin

Hindi ako makasayaw dito sa babaing sumisiksik sakin kanina pa! Yung totoo? Sayaw ba to o siksikan? Tss naiinis na ako ah kung makasiksik parang wala ng bukas!

"Ouch!" Reklamo ko. Kasi naman muntik na akung masobsob sa lupa kakasiksik nitong babaing ito!.

"Sarrey" maarting sabi nya at bumalik na sa pagsasayaw na hindi ko malaman kung ano, kapag hindi ako makapag timpi sasapakin ko to! Kainis eh kanina pa siya!.

Tingin sa likod tingin sa kanan tingin sa kaliwa paulit ulit kung ginagawa para hanapin si Neiana pero hindi ko siya makita, kaya nakapagdesisyon ako na bumalik nalang kila Queen.

Naglalakad ako ng may biglang nakabunggo sakin. Tinignan ko kung sino sya at parang si----

"Nicole?" "Deiler?" Sabay na sabi namin

"Anong ginagawa mo dito?" Sabay na tanong namin. Natawa tuloy kaming dalawa.

"Na bored kasi kami kaya naisipan namin na pumunta nalang dito, ikaw?" Tanong ko

"Ako ang nag aasikaso dito sa bar, business namin" sagot niya napa 'ahh' naman ako.

"Sino pala kasama mo dito?" Tanong niya

"Ah sila Que-- Eliz tsaka yung tatlo kung kaibigan" muntik ko ng sabihing si Queen ang kasama ko baka magtaka yun kapag sinabi ko na si Queen ang kasama ko buti nalang hindi ko natuloy.

"Ah.. Nasaan sila?"tanong nya

"Nandoon sila sa bar table, tara punta tayo" sagot ko at nagsimula ng maglakad papunta sa kinaroroonan nila Queen.

Eliz POV

"B-bakit ganun!... K-kasama niya yung babaing impakta na yun!?" Kanina pa niya yan sinasabi sa sarili nya. Nababaliw naba to? 

"Oy! Brina, ok ka lang?" Nag aalalang tanong ni Anne

"Hindi ako ok anne... Ang sakit kasi eh!" Nangingiyak na sagot ni Brina

Ang yari ba dito at nagkakaganito? Dati hindi naman sya ganyan kung uminom ha! May problema ba talaga to!?

"Yung alin?" Takang tanong ni Anne

"Yung puso ko! Parang madudurog na sa sobrang sakit!" At tuluyan na po syang umiyak.

"Gusto mo dalhin kana namin sa hospital?" Nag aalalang tanong ni Anne. Ang o-OA naman ng mga to! Tsss

"Hindi mapapagaling ng mga doctor ang wasak kung puso!"

"Bakit naman hindi? Malala naba? Mamatay kana ba?" Hawa-hawa na po sila ng ka OA-an.

The Heartless Gangster [On Going]Where stories live. Discover now