[12] failed!

32 5 2
                                    

Brina POV

"Ughhhh!" Ang sakit ng ulo ko sa sobrang sakit parang sasabog na!

Gosh! Napasobra ata yung inom ko kagabi. Ano kayang nagyari? May ginawa ba akung hindi maganda habang lasing ako?

Aish! Baka meron nga akung ginawa kagabi ugh! nakakahiya!

Bumangon na ako para mag ayos ng sarili, tumingin ako sa apat nagbabakasakaling nandoon pa sila pero wala na sila, ang aga naman nila magising?.

Tinignan ko yung orasan sa bed side table at laking gulat ko ng makitang 10:30 na pala ng umaga. napasarap nga talaga ang tulog ko ni hindi man lang ako ginising ng apat para pumasok ngayon.

Bumalik nalang ako sa kama para matulog ulit dahil wala naman akung gagawin dito sa bahay eh.

Pero hindi na ako makatulog dahil na alala ko nanaman yung kagabi, na kung bakit ako nagpaka lasing ng ganun.

Nakita ko kasing kasama ni brix yung athena na yun!. Pero last na yung pag inom ko kagabi tsaka dapat pigilan ko na tong nararamdaman ko kay brix baka mapahamak siya dahil sakin at ayoko rin siyang saktan.

'Dapat ngang pigilan ko na tong nararamdaman ko sa kanya'

"Haaaayyyyy!" Ano bayan kanina hindi ako makatulog ngayon naman naghihikad ako ayyy kaantok naman!.

Ilang oras niyan akung tulog kasi walang mangungulit saking Neiana ngayon.

Zzzzzzzzz

Anne POV

"Queen saan natin hahanapin yun? Eh wala naman tayong lead kung sino siya" iritang tanong ko

"We need to find him"usisa naman ni Nicole

Yeah right,  totoo ang iniisip niyo dahil hindi kami pumasok ngayon para hanapin kung sino yung nagugustuhan ni Brina.

At nandito kami ngayon sa bahay nila Queen, wala yung mommy at ate niya nasa USA at yung daddy naman niya ay nasa Korea kaya wala sila dito tanging maid lang ang nagbabantay ng bahay nila kaya ok lang na tumambay kami dito.

"Neiana how's your finding?" Tanong ni Queen kay Neiana na ngayon ay naghahalungkat sa CellPhone.

"Malapit na queen, tinitignan ko lang yung mga ibang apps baka may dairy siya" hindi ko alam kung ano ang nasa isip nilang dalawa o ano ang ginagawa nila, ang alam ko lang ay nasa kanila yung phone ni Brina

Ewan ko kung bakit nila yan kinuha kanina habang mahimbing na natutulog si brina.

"I already find him!"sigaw ni Neiana kaya naalarma kaming lumapit sa kanya

"Are you sure he is?" Takang tanong ko.

Bakit sya? Eh alam naman na niyang isa siyang gangster, why him?

'Are they know each other?'

Kung hindi? Bakit nagustuhan ni Brina yun eh minsan lang yun magsalita at tsaka ang cold pa niyang tignan.

"Anne and Nicole go to school! Hanapin niyo sila" Sigaw ni Queen

****

"Queen wala sila dito sa school nilibot na namin ang buong school pero wala talaga sila dito"

[You ask someone!]

"Ok wait"

May nakita akung babaing naglakad sa harap ko kaya hinawakan ko ang braso niya para pigilan ito

"Ahmm, miss can i ask something?"

"A-ano p-po yun?" Gulat na tanong ng babae sakin.

"Alam mo ba kung nasaan yung Dark Dragon?.. Sila Brix?"

"A-ahh. S-sila, B-brix? N...n-nandoon s-sila sa tambayan nila sa-----" ano bayan!? Masyado naman tong matatakutin hindi ko naman siya kakainin eh. Utal utal kung sumagot sakin. Inaano ko ba siya?.

Bago pa ako mainis dito sa babaing ito habang hinihintay ang sagot niya bigla nalang nagsalita si Nicole

"Anne let's go, alam na daw nila Neiana kung nasaan sila Brix"

Ano bayan!??.. Ano pang silbi ng pagtawag ni Queen sakin kung alam na ni Neiana!?

Kainis huh!? Nagtitiis akung hintayin ang sagot ng babaing nasa harap ko tapos alam na pala nila tsss.

Dali dali kaming tumakbo papuntang kotse at kaagad pinaharorot ni Nicole ang kotse.

"Nasaan na siya Queen?" Tanong ko

"Ayon siya" sagot ni Queen habang tinuturo ang isang billiard

Nandoon silang limang magkakaibigan, dito pala ang tambayan nila.

Mukhang maraming adik dito sa lugar na to!.

Third person POV

"Ako naman ang titira" sabi ni Zack

Nasa tambayan sila malapit sa SU

Hindi na sila pumasok dahil tinatamad daw silang pumasok at ayaw din nilang makita ang mga teacher.

"Ikaw na Brix!" Sabi ni Zack.

Tumira siya pero walang nashoot

"Ayoko na! Wala akung na-so-shoot kahit isa!" Inis na bigkas ni brix

"Ang sabihin mo, hindi ka marunong!" Nag aasar na sabi naman ni deiler

"Edi kayo na ang marunong!" Inis na sabi ni brix."uuwi nalang ako. Sige mauna na ako sa inyo" paalam niya sa mga kaibigan.

"Brix!?" Tawag ni Zack pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad papunta sa motor niya

Ayaw nyang mag kotse ngayon, 'mas maganda kasing nakamotor nalalanghap mo ang sariwang hangin'.

Sumakay na siya at pinatakbo na ang motor pauwi sakanila.

'Mas maganda ng matulog sa bahay' sabi nito sa kanyang isip

Bago muna siya umuwi napagdesisyon niyang dumaan muna sa '7/11'

Pagpasok sa 7/11 kumuha kaagad siya ng cup Noddle at binayaran kaagad sa counter.

Umupo siya kung saan nag-e-stay ang mga bumibili doon. At doon siya kumain ng mag isa.

Dati na niya itong ginawa, dahil palaging busy ang kanyang mga magulang at wala siyang kasabay kumain.

"Queen ano ng plano?" Tanong ni Neiana sa kanilang Queen

Nandoon sila sa loob ng kotse nasa passenger sit si Eliz si Nicole ay nasa driver sit at yung dalawa naman ay nasa back sit, hinihintay nilang matapos si brix at umalis na sa 7/11.

Hindi nila inaasahang doon siya pupunta at kakain lang ng cup Noddle dahil mayaman ito at hindi ito bagay sa ganung klaseng lugar

"Hihintayin natin siyang matapos? Bakit hindi nalang natin lapitan at kunwari magpapasama lang tayo pero ang totoo dadalhin lang natin siya sa madilim na lugar na walang tao tapos doon natin siya gantihan!, What do you think Queen?" Masiglang tanong ni Anne.

"Gaga! Gusto mo bang mapahamak at makulong? Kapag nakita niya ang mukha mo may lead na siya kung sino ang irereklamo niya!" Giit na sabi ni Nicole

"Oo nga no.." Pailing iling na sabi ni Anne

at tumingin nalang kay brix na nasa 7/11, salamin naman yun kaya kita nila mula sa hindi kalayuan si brix na kumakain at parang tapos na ito dahil nililigpit na nito ang kanyang kinain at akmang tatayo na siya ng may biglang pumasok sa 7/11

Kaya naman natigilan itong tumayo at tinignan kung sino ang pumasok.

Isang babaing naka shades at napaka cool kung maglakad.

"What the...! Anong ginagawa niya dito!!?" Sigaw na tanong ni Eliz ng makita kung sino ang pumasok sa 7/11

The Heartless Gangster [On Going]Where stories live. Discover now