[13] Black Car

19 1 1
                                    

Brix POV

Natigilan ako sa pagtayo ng may pumasok sa 7/11,

May kung anong nag uutos para tignan kung sino yun kaya naman tinignan ko kung sino ito at isang babaing naka shades ang nakita ko.

Tinanggal ng babae ang shades niya at laking gulat ko ng makitang si----...

"Brina?" Tawag ko dito.

Tumingin siya saakin ng parang nagulat pero ngumiti rin ito kaagad.

"Hi brix, what are you doing here?" Tanong nito saakin ng makaupo sa harapan ko

Tinuro ko nalang ang walang lamang cup Noddle

"Bakit dito ka nagbreakfast?"

"It's not of your business" sagot ko na ikinataas ng kilay niya.

"Ok fine!" Inis nitong bigkas
"Tss. Nagtatanong lang naman ang sungit pa!" Bulong nito pero rinig ko naman.

Bakit kaya ganun no? Bubulong ka pero naririnig naman yung binubulong mo? Tsss. Baka naman pinaparinig talaga?

"Tsss" bigkas ko kaya napatingin siya sa akin

"Bakit hindi ka pumasok?" Takang tanong niya

"Ikaw rin naman"

tinanong niya pa ako, eh siya rin naman hindi pumasok. Dapat sarili niya nalang ang tinanong niya

"Hahaha oo nga no? Hindi ako nakapasok kasi sumakit yung ulo ko kanina" nakangiti nitong sabi

Tsss, oh diba? Dapat siya nalang ang tanungin niya kasi wala naman akung balak makipag kwentuhan sa kanya.

"Nga pala, yung kaibigan mo.. Seryoso ba talaga siya sa panliligaw sa kaibigan ko?"

Si xian ba tinatanong niya?
Ako nga naguguluhan kay xian kung bakit niya nililigawan si Eliz eh kakakilala lang niya

Nagtataka ako kasi ang alam ko kay xian ay walang siniseryoso, hindi nga marunong manligaw yan eh, alam niya lang makipag flirts sa mga babae na palagi niyang ginagawa dati. Pero ngayon nakakapagtaka lang talaga

"Hey!" Napabalikwas ako ng pinitik ako ni brina sa noo ko. Sakit ah!

"Ang sakit ah! Bat kaba nangpipitik!?" Inis kung tanong.

"Hindi ka kasi sumasagot sa mga tanong ko sayo"

"Ano ba yung tanong mo?"
Naiinis na ako, bat ba kasi dito siya umupo? Close ba kami? Ngayon nga lang kami mag-uusap ng ganto

"Ang tanong ko 'ser-yo-so' ba si xian sa panliligaw kay Eliz? Baka naman pinagtritripan niya lang ang kaibigan ko? Kung pinagtritripan niya lang si Eliz, itigil niya na lang ang panliligaw marami namang paraan para mantrip eh" Seryosong sabi sakin ni Brina

"Yan ang hindi ko alam,at hindi ko pinakikialaman ang mga kaibigan ko sa mga gusto nilang gawin 'OK'?"Diniin ko ang huli kung sinabi

"Tsk.Tsk.Tsk dapat bawalan mo siya hindi niya kilala ang pinagtritripan niya" seryoso parin nitong bigkas na animoy totoo lahat ng kanyang sinasabi at parang nagbabanta

Hindi ko naman mapipigilan yun. Kapag gusto niyang gawin gagawin niya walang makakapigil sa kanya, magsasawa rin naman yung xian na yun.

"What do you mean?"

"A-ah wala.. Nga pala uuwi kana ba?" Tanong niya.

"O----" naputol ang sasabihin ko ng biglang nag vibrate ang cellphone ni Brina

Kinuha niya ito sa bag niya at itinapat sa tenga niya.

"Hello?...... Ok sige" and then she end the call and she look at me seriously.

'Why she looking at me like that?'

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko dahil sa seryoso niyang tingin sakin

"A-ah wala. Nga pala uuwi kana?" Tanong nito uli saakin

"Oo sana"

"Bakit may 'Sana' "hindi makapaniwalang tanong niya saakin

"Pano ako makakaalis kung kasama kita"bulong ko pero parang narinig niya, bigla nalang kasi siyang ngumiti baka bigyan niya ng ibang meaning yung sinabi ko

"sabay nalang tayo umuwi o-okay lang ba?" Pero bago pa ako makasagot hinila na niya ako

Huminto kami sa motor ko, kunot noong napatingin ako sakanya

"Hindi ko kasi dala yung kotse ko, kaya sayo nalang ako sasabay ok lang diba?" Grabe tong babaing to hindi man lang siya nagdalawang isip na sumakay sa motor ko, kung sabagay pangalawang beses na siyang sasakay sa motor ko

Wala na akung choice kundi isuot yung helmet ko sakanya.

'Sa susunod magbabaon na ako ng extra helmet tss'

"Thank you" pagpapasalamat nito ng naisuot kona ang helmet sakanya tumango nalang ako at sumakay na sa motor ko at sumakay narin siya

"Just hold on. Baka ma-fall ka, hindi kita masasalo." pero parang hindi naman niya narinig kaya pinatakbo na ang motor tulad ng pagdradrive ko sa kotse ko.

"Mas maganda talagang sumakay sa motor kaysa sa kotse" rinig kung sabi niya

"Bakit naman? Mas safe ang kotse kaysa sa motor?" Taka kung tanong.

"Yes it's safe. But I like Motor than car. Dahil para kasi akung lumilipad at malalanghap mo yung sariwang hangin na dumadampi sa pesnge ko" masaya nitong sabi

Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin pero na feel ko naman ang gusto niyang iparating

Parehas lang kami ng gusto, kaya gusto ko ng motor kaysa sa kotse dahil para kang lumilipad nakakalimutan mo ang mga problema mo sa buhay, at nakaka-relax din ang hangin na humahampas sa buo mong katawan

Naalala ko nanaman ang kababata ko na si Lyn siya lang kasi ang nagpapagaan ng loob ko, siya ang nasasabihan ko ng mga problema.

'Kamusta kana kaya Lyn? I want to see you again'

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila bumaba na siya at tinignan niya ang nasa paligid at kaliwa tapos sa harap naman.

Ewan ko ba kung bakit nagkakaganyan siya. Wala rin naman akung pake diba? Hayysss..

"S-salamat sa paghatid"akmang papasok na siya pero pinigilan mo siya

"Bakit?"

"Yung helmet baka may balak ka pang isauli yan sakin" sabi ko dito na agad naman tinanggal ang helmet at ibigay sakin agad..

Akmang paandarin ko na ang motor ng bigla siyang pumasok bigla

Napailing nalang ako sa inasta niya, siya na nga tong hinatid wala man lang sinabing 'ingat ka o kaya take care of your self' tsss. Pinaandar ko nalang ang motor ko

malapit na ako para makalabas sa subdivision ng may biglang kotseng mabilis ang takbo ng muntik ng makasagasa saakin.

"WHAT THE HELL!" Napasigaw ako ng malakas

Tinignan ko ang kotse mag babakasakali na huminto siya pero hindi! What the f*ck!

Tatandaan ko ang kotseng Black na yan at ang plate number ***** humanda ang sino mang  may ari ng kotse na yun!

Bago pa ako mabusit ng husto umalis na ako at pumunta na sa bahay namin.

Kapag nakita ko talaga ulit yung kotseng yun at ang may ari hindi ko alam kung anong gagawin ko sakanya, basta ang gusto ko lang ay magbayad siya sa muntikang pagbangga saakin!  

The Heartless Gangster [On Going]Where stories live. Discover now