Isang Tahimik Na Ngiti part 2

44 2 1
                                    

 Tulad kahapon pumasok nanaman ako habang lumilipad ang isip.habang naglelesson tinitignan ko ng patago yung I.D. nya.

 Pagkatapos dumeretso ako sa isang computer shop na di kalayuan sa school.medyo maraming tao pero may bakante naman.pagbukas ko ng computer open agad ng internet sabay type FACEBOOK.COM.magmumukha akong stalker sa gagawin ko pero nagbabakasakali lang na kung sa totoong buhay di ko siya mareach baka dito kahit papano makausap ko siya.Lahat naman siguro ngayon may facebook.Kaya naman sinearch ko na ang pangalan niya at BINGO! nanguguna sa listahan,kitang kita ko agad siya.Wala siyang masyadong friends, mukhang kahit sa facebook suplada pa rin siya.Pero dahil makulit ako clicka agad ng add as friends sabay bukas ng profile niya at bukas ng photos.........."photos 1".Shy type din pala siya hanggang dito.

 medyo dismayado ako dahil wala siya masyadong picture ng biglang may mumunting pulang numero ang lumabas sa bandang kaliwa ng aking profile.binuksan ko agad ang notification

"Nicole Reyes accepted your friend request"

 Aba ang bilis!atleast kahit facebook lang friends na kami...okay next move kelangan ko syang kausapin.syempre kailangan kong ibalik tong I.D. nya,kahit labag sa kalooban ko.huhuhu.okay lang hihingi nalang ako ng 4x4 whole body na picture nya pang souvenir!.

 "ahhm..hello po"

send ko sa chatbox niya

 matapos ang ilang sandaling paghihintay... *nicole isa typing a message

nice!mukhang di naman siya ganun kasuplada!

 "cnu ka po?

  kilala po ba kita?

  di po ako nakikipag-usap sa di ko kilala eh..."

 SPOKE TOO SOOn.badtrip hindi nga suplada ,mataray lang.Buti nalang  sa face di ka pedeng bigyan ng makabasag mukhang sampal ng kausap mo,lalo na kung hindi kayo close.

 "ang taray mo naman po..gusto ko lang makipag-usap"

 Pa nice guy effect lang ako.naks!.kilala niya na kaya ako?siguro pag nakita niya picture ko makilala niya ko, baka hindi na magreply!. at parang ganun na nga ang nangyari.Kaya yun ctrl T  lang tapos bukas ng youtube. pasoundtrip-soundtrip na lang habang naghihintay ng himalang reply mula sa kanya.

nang biglang..

 "di ba ikaw yung lalaki dun sa terminal???"

 Aba himala nga nagreply pa, at sinundan pa ng isa

 "pano mo ko nakilala?stalker ka ba?"

 grabe na tong pinagsasabi nito ah.Daig pa pulis kung mag-interrogate.baka nman secret agent to? hindi pala to MATRIX, babaeng version ata to ni JAMES BOND!

 "Bakit pag personal ang tahimik mo?pero dito mataray ka?"

 "hmm..hindi mo naman sinagot yung tanung ko eh"

 "sige na nga.

 na sa akin yung I.D. mo"

 parang mali yung pagkakasabi ko ah.para akong kidnapper *kung gusto mo pang makuha ang I.D. mo!.parang sira ulo lang.

 "ha!? panu mo nakuha yan!"

 "ahh..naiwan mo kaya.antaray mo kasi.ayaw mo ko kausapin."

habang nag-eenjoy pa ko sa pakikipagchat biglang nagsalita yung bantay sa computer shop.

 "time na po"

 akala ko naman ako.yun palang nasa likod ko.paglingon ko dun sa chat box biglang nag-offline na si Nicole.Ayt! badtrip kabitin.pano kaya tong I.D. niya? sana makausap ko uli siya.napaunat ako ng konti at biglang napatingin dun sa babaeng kakatime lang.napanganga ako bigla... kasi yung babae si Nicole pala.Pagkatapos niya magbayad umalis na agad siya.Nagulat ako,hindi ako nakagalaw at nakawgawa ng hakbang para habulin at lapitan siya..Badtrip! siguro kung ROMANTIC FILM to kikiligin ka pero kung ikaw yung nandito sa gantong sitwasyon maiinis ka.ang Tanga!

sabay lapit yung bantay.

"kuya time na po"

Isang Tahimik na ngitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon