Part 7 (Last Part)

16 1 0
                                    

Sinabi ko kay Rica na pagkatapos ng Klase niya ay magkita kami sa park.Kailangan ko lang ng kasama.Pagdating ko sa park naupo lang muna ako tapos ay nilabas ko yung sketchbook ko para magdrawing.Habang nagdrdrawing ako may lalaking lumapit sa akin.Hindi ko to pinansin at patuloy lang ako sa pag-guhit.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nagmamadali akong pumunta sa park para makita si Nicole.Wala pa kong naiiisip na script na pede kong sabihin para magsorry sa kanya pero bahala na!.Pagdating ko dun nakita ko si Nicole na nakaupo lang mag-isa,nagdradrawing ata siya.huminto muna ako para habulin ang hininga ko.nakakapagod kayang tumakbo.nang nakapagpahinga na ko ng konti lumapit ako sa kanya.

 Tumayo ako malapit sa harapan niya pero parang hindi niya ko napansin o kaya naman ayaw niya lang talaga kong pansinin.

"Nicole..."

 tinawag ko siya.Pagtingin niya halatang-halata na nagulat siya ,iniwas niya yung tingin niya sakin tapos tinago niya yung sketchbook niya sa kanyang bag.patayo na siya kaso Pinigilan ko siya sa pag-alis,hinawakan ko ang kamay niya.

"teka lang Nicole makinig ka muna sa akin.please."

  ang sama nanaman ng tingin niya sakin ,pero may karapatan naman siyang gawin yun eh.Naupo naman siya ulit kaso lang pag-upo niya bigla niyakong sinampal sa mukha!aray!mukhang may karapatan pa rin siyang gawin yun.Napahawak ako sa pisnge ko.kung hindi pa kayo nasasampal ng babae,payo ko lang...wag niyo nang subukan.Iniiwasan niya parin ako sa tingin galit na galit pa din siya sakin.Pero kinausap ko pa rin siya gamit ang mga script na hindi ko na pinag-isipan.

"ahh..Nicole..pakinggan mo lang sana ako.Una kung nakukulitan ka man sakin, Sorry.Mula kasi nung makita kita dun sa terminal....

 Bago pa man ako matapos may isa nanamang sampal na lumanding sa mukha ko.Aray ko!Mukhang ikakamatay ko tong ginagawa ko.pero hindi ako susuko.hinawakan ko yung kamay niya, para sweet tska para safe na din.

"simula nung nakita kita...simula nung nakita ko yung ngiti mo...ahh...basta hindi ko maipaliwanag ng maayos ehh.Basta nung makita ko yun...nahulog na ko sayo.walang biro...Kaya lang kita kinukulit kasi gusto kong makita uli yung ganung ngiti mo yung mga ngiting alam kong ako yung may dahilan.alam ko namang napangiti ka nun nung makita mo kong madapa eh.pero ayos lang kahit ilang pagkadapa pa yan basta mapasaya ka lang..."

 Tumingin siya sa akin,Mukhang nakornihan sa mga sinabi ko.Akala ko sasampalin ulit ako kaya hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya.Buti nalang walang lumading na kamay ulit sa mukha ko.Pinagpatuloy ko uli yung pagsasalita ko.

"tapos, yung pangalawang sorry ko para dun sa kahapon.hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko kahapon.hindi ko alam na.....na may ganyan kang karamdaman....."

 Habang sinasabi ko yun lumuwag yung hawak ko sa mga kamay ni Nicole.parang kahit ako natotouch sa mga sinabi ko.napatungo ako habang nagsasalita.

"kaya pinagsisisihan ko na yun...lahat ng mga sinabi ko sorry na.....gusto kong malaman mo na..MAHAL KITA......"

 At nasabi ko na yung mga salitang gumagawa ng HAPPY ENDING sa mga lovestory at fairytale..kaso lang hindi fairytale,lovestory lang at hindi lahat ng Love story nagtatapos sa happy ending at hindi porke nagsabi ka ng MAHAL KITA hapy ending na agad para lang yang gamot na paghindi nagamit ng maayos nakakamatay.

 tinignan ko na sa mukha si NIcole.kaso masama pa din yung tingin niya.Naku po! ginalaw niya yung kamay niya kala ko ulit sasampalin ako for the third time pero hindi naman pala.kinuha niya yung sketch pad niya tapos nagsulat.Pagkatapos niyang magsulat hinarap niya sa akin yung sketchpad niya may mga nakasulat...

"MAHAL DIN KITA...matagal na.Kaso hindi ko lang masabi.Dahil nga hindi ko kaya at dahil natatakot akong hindi mo ko matanggap....kaya nung sinabi mo sa akin yun kahapon nalungkot at nagalit ako ng sobra...pero kahit ganun...MAHAL PA RIN KITA HANGGANG NGAYON"

 Natuwa ako sa mga sinulat ni Nicole.kinuha ko yung sketchpad at ako naman ang nagsulat.

"Wag kang mag-alalang hindi kita matatanggap..hindi mo naman kailangan ng boses mo para mahalin kita"

 Pagkatapos nun lumuha siya...pero maya-maya lang ngumiti siya.At sa wakas nakita ko ulit ang mga ngiting yun.napaka ganda talaga ng ngiti niya.mga mala anghel na ngiti na pagnakita mo para kang one way trip sa langit.Tapos bigla niya kong niyakap.mga babae talaga! kanina lang pinagsasampal ako tapos ngayon yayakapin ako?? pasalamat siya..mahal ko siya. :)  ramdam na ramdam kong masaya siya...pero mas masaya ako.Sa wakas nakapiling ko pa rin si Mystery girl si Trinity at si Sadako.hehe.

.

.

.

 At pagkatapos ng mga nakakahilong pangyayari nauwi naman sa maganda ang lahat.Kami na rin ni Nicole.araw-araw hinihintay ko siya sa terminal at hinahatid ko siya sa campus nila.araw-araw ko na ring nakikita yung kanyang mga ngiti, kaya araw-araw naring nag-sslow mo ang umaga ko.Pag uwian naman hinahatid ko siya.kasama ni Rica at si Jay-r.Nag-aaral narin ako ng Sign language sa tulong ni Rica, para masa madali kong makausap si Nicole.At kahit kailan man hindi ko kakailanganin ang boses niya dahil wala na kong mahihiling pang iba sa kanya....:)

wakas..

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Tahimik na ngitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon