part 6

17 1 0
                                    

Nung sumunod na araw inagahan ko ang pagpunta sa terminal.Para sana hintayin si Charles para kausapin siya tska para kunin na din yung I.D. ko.Medyo nakaipon ako ng lakas ng loob na gawin yun kasi nalaman kong hindi siya galit sakin matapos ko siyang di kausapin kahapon.Kaso lang dumating dun si Rica,naka motor siya papuntang Campus,niyaya niya kong sumabay.hindi na ko nakatanggi kaya hindi ko na nahintay pa si Charles.

 Nakapasok uli ako sa campus ng walang I.D. sa tulong ulit ni Rica.Pagdating ng Lunch break magkasama kaming kumain sa canteen.Sinabi ko sa kanya na nakachat ko si Charles kahapon at siya din ang nakapulot ng I.D. ko.Hindi naman kami nahihirapan sa pag-uusap kasi nag-aral ng Sign languages si Rica kaya naiintindihan niya ko.

"nice naman bestfriend.mukhang may gusto rin pala sayo yan eh.anung pangalan,charles?dapat pala sinamahan na kitang magcomputer kahapon."

 Kung magsalita si Rica parang mas masaya pa siya sakin,napaka energetic niya talaga.Sinagot ko siya gamit ang kamay ko.

"Matutuwa talaga ako kung malaman kong maygusto rin siya sakin.kaso lang baka pagnalaman niyang ganito ako...hindi nakakapagsalita siguro hindi niya ko matatanggap."

 Medyo nalungkot ako nung sinabi ko yun.Hindi naman kasi imposibleng mangyari yun eh.pero tulad ng inaasahan nandyan ang bestfriend ko para suportahan ako.

 "ano ka ba?sira ulo lang ang lalaking papakawalan ka pa! maganda ka naman, masipag, responsible, matalino at napaka Talented pa!"

 Napakabaet talaga ni Rica, at kung nagtataka kayo kung ano yung sinasabi niyang Talent ko fine arts ang kinukuha kong course.Mahilig kasi akong magpainting, mas madali kasing mag-express ng feelings dito.At sa course na to hindi ko masyadong kailangan mag interact sa marami.

 "wag mo ng intindihin yun bestfriend, mamaya sasamahan kita sa computer shop ichachat uli natin yan,tapus makikipagmeet yao para magkausap na kayo tska makuha mo na yung I.D. mo"

 Nakakatuwa talaga tong si Rica sa ganito din kataas ang energy at confidence ko.Dumating na ang uwian dumaan ako sa classroom ni Rica nandun siya kaso marami pa siyang ginagawa kaya pinauna niya na ko.basta hintayin  ko daw siya sa gate.Kaya mag-isa lang akong naglakad palabas ng campus.Hindi rin pala ko nag-iisa marami ding kasing estudyante ang naglalakad palabas kaso medyo nakakalungkot kasi marami ka ngang kasabay kaso wala ka namang kaclose.

 Patuloy lang ako sa payapa kong paglalakad nang pagdating ko sa gate bigla akong nahinto nang makita ko si Charles, nandun sa harap ng campus nakatayo lang.Natuwa ako sinadya niya pa ata talaga ako dito,para lang akong nanaginip. Nilapitan ko siya tapus inabot ko yung kamay ko para hingiin yung I.D. ko,pinipigilan ko yung ngiti ko nahihiya kasi ako eh. kinuha niya na yung I.D. ko galing sa bulsa niya tapos inabot niya sakin.Pagkaabot niya nagtitigan nalang kami tapos bigla siyang umimik.

  "ahh..bakit hindi ka pa din nagsasalita?"

 nakakainis eto nanaman kami.gusto ko na sanang iparating  sa kanya na kahit gusto ko mang sumagot hindi ko magagawa.Tapos nagsalita siya ulit.

"Ano ba?di ka ba tinuruan ng magulang mong magsalita? pipe ka ba?"

 yung sayang nararamdaman ko kanina biglang nawala.Nasaktan ako sa mga sinabi niya, mukha tama lang yung mga inisip ko.Hindi niya pa nga alam na hindi ako nakakapagsalita hindi niya na ko tanggap.Nakakainis....

Bigla namang dumating si Rica as always energetic pa din siya.

  "ikaw siguro si Charles ,yung nakapulot ng I.D. niya...ako nga pala si Rica...nice meeting you"

sinenyasan ko si Rica na gusto ko nang umalis.Tapos biglang tinanong siya ni Charles.

  "ahh sign language ba yan?"

 "ha?ah oo.hindi kasi nakakapagsalita tong bestfriend ko.pero kahit ganun maganda pa din naman diba?"

 sinagaot siya ni Rica at yun alam niya na ang kalagayan ko..naiiyak na ko kaya hinigit ko na palayo si Rica.tutulo na ang luha ko pinipigilan ko lang hindi ko na nga lang napigilan nung nakalayo na kami, tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

.

.

.

.

 sa sumunod na araw wala akong ganang pumasok.baka kasi makita ko lang uli si Charles sa terminal o kaya pumunta ulit siya sa capus.Hindi ko lang talaga kayang makita siya uli ngayon.Tinext ko na lang si Rica na kung saka sakali man,kung mangyayari man na makita niya si Charles, sabihin niya na lang na ayaw ko siyang makita

Isang Tahimik na ngitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon