He's POV

25 0 0
                                    

ANTHONY'S POV

Napaka stubborn kahit kelan. Sa bagay, hindi naman siya mapupunta sa position niya ngayon kung basta basta lang siyang susuko. Nagaral din ako ng piano nung bata ako, alam ko kung gaano kalaking pasensya ang kakailanganin mo para matuto. Masarap sa umpisa, pero kung hindi mo talaga gusto, in the end, mababagot ka lang.

Ilang beses na siyang nagconfess sakin. Pero ni isa man dun, di ko nasagot ng diretso. Mahirap kasi kung on the spot. Besides, alam kong gusto siya ni Vince. PInakamatalik kong kaibigan.

Speaking.

Mickey?

Bakit kaya siya nandito?

Nagstart ng magkagulo sa labas ng room namin. Bigla nalang dumami yung tao. Pati yung isang teacher pumasok na sa room. Anu ba nangyayari dito??

Pumasok na rin si Mickey sa classroom. Mukhang may hinahanap siya... 

Nagkatinginan kame, this time papunta na siya sakin. Anung gagawin ko? May dala dala siyang chocolate box. Don't tell me ibibigay niya sakin yun??

Mickey.

Damn!! Yun nalang lagi kong nasasabi everytime na makikita ko siya. 

Mickey, 

(speachless na naman ako)

Wag ka nang magsalita, kunin mo nalang.

Mukhang wala nanaman akong masasabi nito.

Wala na kong nagawa. Tinanggap ko na yung chocolate box. 

 Nahihiya akong tingnan siya ng diretso kaya naman medyo tumingin nalang ako sa gilid.

Andun si Vince, nakatayo sa may pintuan, nanonood lang samin.

Nakita niya...

 Bakit pa kasi ako Mickey. Bakit hindi nalang si Vince.

Sa totoo lang kinakabahan nanaman ako. HIndi ko alam kung dahil lang ba sa first time kong naranasan yung mga bagay na to o dahil sa ... 

NOPE!! I can't think of that.  Hindi pa to yung tamang oras para dun. Masyado pa kaming bata, besides si Vince...

AHHH!!

 Grabeh talaga, sa harap pa ng buong room. Ibang klase talaga tong babaeng to. Hindi siya natatakot sa sasabihin ng iba. Pero pano na to?

Teka..

Tumingin ulit ako sa may pintuan, pero wala na siya.

ringggggggggggg...........

Nang marinig ko yung bell, naglalakad ng paalis si Mickey. Halos lahat ng kaklase ko biglang nagkumpulan sa may desk ko.

Pare anu yun?? May gusto ba siya sayo??

Presidente ng IIPC yun h., Pwede na pala silang mag ka bf. 

OO nga pre, siguro nagkainlovan ka yo nung nagchoir ka no..

Pare pakilala mo naman siya.

Hahah, mga tol. Una muna ako ha.  May kukunin lang ako sa locker.

Syempre di totoo yun. Gusto ko lang siyang makausap. Asan na kaya yung babaeng yun. Di ko na siya makita sa hallway. Yung mga kaklase niya lumipat na ng room pero nung pumunta ako sa room nila wala naman siya dun.

Cutting??? San ko ba siya mahahanap. 

wait.. san pa nga ba..

Music Room.

Love me or I'll make youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon