"Anak, gising na. Nasa baba si Edward hinihintay ka." Rinig kong sigaw ni mama. Ang aga naman mambulabog ni mama, antok pa ako eh. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa nito ang pinakagwapong nilalang na kilala ko.
"Beb?!" gulat na sabi ko. "Bakit ka naman pumasok dito? Naku baka ano sabihin ni mama"
"Ainaku Rayne, kung hindi ka pa papasukin dito sa kwarto mo, mukhang wala kang balak bumaba ah." Nakasimangot akong bumangon at hinampas ng unan ang lalaking katabi ko. "Aray ,ganyan pala ang gusto mo ah" gumanti sya at napuno ng halakhak ang munting kwarto ko.
..
Sabay na kaming bumaba at nakangiti kaming niyaya ni mama upang mag almusal "Oh, ikaw talaga Rayne, hinintay mo pang akyatin ka nitong si Edward" natatawang sabi ni mama.Si Edward sya ang boyfriend ko na ubod ng gwapo kaya nga botong boto si mama sakanya. Nagtataka kayo kung bakit si mama lang.? Yun ay dahil bata pa lang ako iniwan na kami ng tatay ko. Ang sabi ni mama may ibang pamilya na daw si papa at ako? Matagal ko ng tanggap yun. Masaya na ako sa buhay namin ngayon. Lalo pa't meron akong Edward. Haha. Gwapo na at mabait pa. Di sya tulad ng ibang lalaki na puro porma at pagwapo lang ang inaatupag. Naalala ko pa noong una kaming nagkakilala.
Flashback..
"Good morning class, since it's the first day of our class and as expected each one of you will introduce their names, alam ko ang iba sa inyo ay hindi pa magkakilala dahil yung iba galing pa sa ibang section and syempre mukhang may transferee." Masiglang pahayag ni Ma'am Gonzales, di nako nagulat dahil ganun naman talaga every first day of class, kahit na 4th year high school na kami ay kailangan pa rin magpakilala. "Okay may I request our new student to please introduce yourself to your new classmates. "Tiningnan ko ang bagong student na tinawag ni Ma'am G. Hmm. May bagong mukha na naman, mukhang mayaman to ah"Ai, ang gwapo naman." Rinig kong bulungan nung dalawang babaeng kaklase ko na nakaupo sa bandang likuran ko.
"Rayne, mukhang sayo nakatingin ah" biro sakin ng katabi ko na si Jena at tiningnan ko ulit si Mr. Transferee at nahuli kong nakatingin sya sakin pero mabilis nyang iniwas ang tingin nya. " Good morning everyone, I'm Edward Clyde Marzel, I'm from Cladford University which is located at Cebu City, My family has decided to transfer here in Luzon for our business expansion."Sabi ko na ba mayaman to eh, di naman maipagkakaila sa tindig at postures nito. "Ok, thanks Mr. Marzel" Hanggang sa sunod-sunod ng nagpakilala ang mga kaklase ko at ako na ang susunod "Rayne, tayo na" nakangiting sabi ni Jena. "Oo na ,excited bes? Hmm. Good morning, my name is Rayne Samantha Ynares. " maikling pakilala ko at sinundan ito ng isang sigaw.. "Rayne! Mas lalo kang gumanda ah" sigaw ni Rocky ang pinakamakulit kong kaklase.
Nang recess na'y niyaya nako ni Jena pumunta ng cafeteria. "Rayne, gwapo ni Edward nuh at mukhang matalino pa." Oo gwapo nga pero mukhang suplado." sagot ko.
"Sinong suplado? " Napalingon kaming dalawa ni Jena. "Jusko, Edward right? " Ngiting tanong nito si Jena. Di nako sumabat at nagmadali nakong pumunta ng cafeteria. Naramdaman kong may nakasunod sakin at alam ko na kung sino yun. "Rayne, sasabay daw satin tong si Edward." Hingal na sabi ni Jena. "Okay" maikli kong sagot. "Hi" bati ni Mr. Transferee. Binigyan ko lang sya ng matipid na ngiti. "Bes, hanap lang ako ng pwesto, ayun!" Di ko na tiningnan si Jena at pumunta nakobs counter ,diko namalayang nakasunod pa rin pala etong si Edward" Would you mind If I will take our orders? "Parang tumigil ng isang segundo ang mundo ko, shet.. nagsmile sya, di naman pala suplado ang isang to. "Rayne" sabay pitik sa noo ko "Oh Okay"
Ngiting ngiti si Jena nang makita nyang dala na namin ni Edward ang mga orders namin. "Hoy ngiting aso ka jan, psh". Bes ang sweet nyong tingnan, haist mukhang may aabangan akong love story this school year" ket kelan talaga tong si Jena. "Thanks Ed" matapos nya ilapag ang mga pagkain namin". "MY PLEASURE"
YOU ARE READING
Choose Me
Storie d'amoreTorn between losing and choosing someone. "This time sana ako naman Rayne".