Chapter 2Love's Complexity
Imposibleng isa sa mga kliyente ko ang nag-iwan ng kape. Lagi kong sinisigurado na hindi nila malalaman ang kahit anong personal na impormasyon na pwede nilang gamitin para hanapin ako o para malaman kung sino talaga ako.
You still there?
Napukaw ng tunog galing sa messenger ang pag-iisip ko.
Yes I am. 'Yon lang ba ang gusto mong ipagawa sakin?
Kasalukuyan kong kausap ang isang bagong kliyente na ni-refer ni Madeline. Karamihan sa mga babaeng humihingi ng serbisyo ko ay mga may kaya sa buhay at galing sa kilalang pamilya kaya hindi problema sa kanila ang presyo.
Oo pero gusto kong hati-hatiin ang oras. Instead of the full 6 hours for one whole day. Let's make it one hour a day until the whole 6 hours is consumed.
Saglit akong nag-isip pagkatapos mabasa ang naka-type.
Alright, no problem with that.
Hindi naman kasi mahirap ang hinihiling niya. Madali rin naman akong kausap.
Are you somewhere alone? Are you in your room? What's the color of your shirt?
Mga sunod kong nabasa na sandali kong ipinagtaka bago sagutin.
Yes I am. I'm wearing a gray shirt.
Good. I need assurance. Masyadong too good to be true ang mga litrato mo sa facebook. I'm thinking that it's not really you who's in those pictures. Ano bang term nila r'on? Poser? I think that's it, poser.
Napasandal ako sa kinauupuan. Mukhang alam ko na kung ano ang gusto niyang hilinging assurance sakin. Kaya bago pa siya maka-pag type ulit ng mensahe ay ipinadala ko na ang litrato ko na kinuha ko ngayon mismo gamit ang camera ng laptop.
So you really are the real deal! Sinabi naman na sakin ni Madi na totoong gwapo ka pero ang hirap kasing paniwalaan na ang isang gaya mo ay ganito ang klase ng trabaho. What's your reason?
I appreciate your compliment. I'll make sure to meet all your requests. See you tomorrow at 4.
Imbes na sagutin siya ay nagpaalam na lang ako at agad na nag log out. Binabayaran nga nila ako pero hindi ko obligasyong ipaliwanag kung bakit ko nga ba ginagawa ang matagal ko ng ginagawa.
Kinabukasan pagkatapos ng lahat ng klase ko, sakay ng motor na hiniram ko ay dumiretso ako sa Ferrell U. Ayon na rin sa kagustuhan ng kliyente ay ipinarada ko ang motor sa tapat ng building na malapit sa classroom ng ex niya. I stood there holding my cellphone, sending a message to my client. Though I'm busy with what I'm typing I can still see how the students gaze at me from my peripheral view. I'm standing out, just like how my client wants me to be. Gaya ni Madeline gusto rin ng kaibigan niya na agaw atensyon ako.
"Perfect," narinig kong sabi ng isang babae bago lumapit sakin.
Marahas ko siyang hinila palapit at isinandal sa dibdib ko. Umakto akong hahalikan siya. "Nice meeting you in person Ms. Sabrina Dela Cerna. Rowan Calixtro at your service," bulong ko habang sinisiguradong nakikita ng lahat sa paligid ang kunwari kong paghalik sa kausap.
"Akala ko ay hahalikan mo talaga ako, totoo nga ang sinabi ni Madi," mahina nitong turan habang inaayos ang suot kong leather jacket. Pagkatapos ay pinasadahan niya ng kamay ang may pagkapula kong buhok. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang suot kong itim na stud earring. "Did you pierce your ear just for this job?"
BINABASA MO ANG
Part-time Boyfriend
General FictionThe day he found love was also the day he lost it Date Started: Nov 13, 2017 Date Ended: Nov 18, 2017