Chapter 6Full of life to Lifeless
"Bebe dali, dito... ay hindi... dito pala," parang batang hindi mapakali si Maggie habang palipat-lipat ng tinitingnang tindahan. "Nalilito na ko kung saan bibili, ang mura kasi lahat. Panty sa halagang bente pesos? Grabe dito sa Divisoria!"
I would've never imagined that this is the place she wants so badly to see. Kahit kaninang papunta pa lang kami ay hindi na siya mapakali ng pagkakaupo sa jeep. She was fidgeting all over.
Lahat ng damit na nakuha ng atensyon niya ay binili niya. Bukod sa alam kong kaya niya namang bayaran ang mga 'yon, ay naaaliw ako sa tuwang nakikita sa mukha niya kaya hindi ko na siya pinigilan.
"May mga mall din pala rito," komento niya pagkatapos kong ituro ang ilang matataas na gusali sa Divisoria. "Pero bakit halos lahat yata sila puro numbers ang pangalan?" Tanong na hindi ko rin alam ang sagot.
Kahit siksikan sa dami ng tao ay hindi siya nag-aalangang pasukin ang lahat ng singit na pwede niyang isiksik ang sarili. She moves like a mouse that can fit anywhere.
"May nakita ako ro'n bebe. Tara!" Pagyayaya niya na pinigil ko.
I pulled her to me and wrapped my arms around her from behind. "No need to rush. See how many people are going in different directions? Pwede kang matangay at mawala." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "You need to stay close. I don't want to lose you."
Natahimik siya saglit bago tumango at marahang humakbang. Lumalakad na kami ay hindi pa rin ako bumibitiw sa pagkakayapos sa kanya. I want to protect her from all the rowdy people bumping and clashing with each other. Ayokong nakikitang dinidikitan siya ng iba. Ayokong may ibang balat ang dadampi sa kanya.
Pagkatapos mag-ikot ng ilang oras, sa wakas ay naisipan niya ring umuwi. Pabagsak niyang inihiga ang sarili sa kama nang makapasok kami. Napatingin na lang ako sa dami ng bitbit kong pinamili niya, hindi ko alam kung paano pagkakasyahin ang lahat ng 'to sa maliit kong apartment.
"That place was a blast! Ewan ko kung bakit, pero kapag nakakakita ako ng maraming tao, ang saya ng pakiramdam ko. How do I explain this freaky feeling." Pagkatapos kong ibaba ang mga plastik ay umupo ako sa tabi niya. She started moving her hands to explain what she's thinking. "'Yong parang sa isip ko masaya rin sila, na parang ang sarap makigulo sa kanila. Gano'n. Did you get what I'm saying bebe?"
"Basically, you just wanted to be where you think people are happy."
Natigilan siya at napaupo sa narinig. For a moment she looked serious. "Yes, basically I want to be where I can be free."
Pagkatapos ng sinabi ay lumapad na naman ang ngiti niya. Bumangon siya at sinimulang halungkatin ang lahat ng laman ng plastik na nasa sahig. Pinagmasdan ko lang siya habang iniisip kung dapat ko ba siyang tanungin, para alamin kung ano ang ibig niyang sabihin.
Ever since Maggie lived with me, everyday became so lively. Araw-araw siyang hindi nauubusan ng sigla sa katawan. At sa tuwing uuwi ako galing sa unibersidad ay magulo at makalat na bahay ang sumasalubong sakin kasama ang matamis niyang ngiti.
Maggie still look and act the same just like how she was before she left. There were just a few things I can't help but notice. Simula ng tumira siya sakin ay hindi na siya sumasama sa campus. Bihira rin siyang lumabas ng bahay. She never invited me out. In addition to that, her carrying so much money is a little bit odd. She used to pay and buy things with her credit cards, she has no need for actual cash. Surprisingly, I haven't seen her hold them since she came back.
BINABASA MO ANG
Part-time Boyfriend
General FictionThe day he found love was also the day he lost it Date Started: Nov 13, 2017 Date Ended: Nov 18, 2017