Chapter 8

3.1K 147 47
                                    

Chapter 8Part-time Boyfriend


Habang naglalakad ay kinuha ni Maggie ang kamay ko. Our fingers interlocked then she started to gently sway our hands as we walk. Napapangiti talaga ako sa mga simple niyang kilos kagaya nito.


"I can see it na!" turo niya bago namin tawirin ang over pass na nagkokonekta sa mall at seaside. "May amusement park din pala rito!"


Sometimes she may act like a child but most of the time she's a woman. Kung hindi niya ko napapatawa ay nakukuha niya naman ang interes ko sa mga sinasabi at paniniwala niya.


Una kaming dumiretso sa harap ng dagat at naupo sa sea wall gaya ng iba. I lifted her from the waist so that she could reach and sit. Facing the sea, the wind blows through her face making her hair sway. Kitang-kita ko kung gaano siya kapalagay sa harap ng isang napakasimpleng tanawin.


"The place where I live is practically surrounded by ocean," natatawa niyang usal. "Noon kahit anong oras pwede kong makita ang dagat."


"Then this place isn't anything special."


"No it is special," mabilis niyang pigil sa sinasabi ko. "Being with you, here like this is the most special thing I've ever experienced," she added looking straight into my eyes. Kung sa iba ko narinig ang gano'ng klaseng mga salita ay malamang na hindi ko pinaniwalaan. She's the only one who can make me feel sincerity in her every word.


Iniangat ko ang kamay niyang hawak ko papunta saking labi at dinampian ng halik ang likod ng palad niya. "This really is quite special."


Pagkatapos panoorin saglit ang dagat ay sinimulan na naming ikutin ang lugar. We tried all the rides she wanted. Kahit mga kinatatakutan niyang sakyan ay sinubukan namin. Maggie really likes being in a crowd. Mas lumawak kasi ang mga ngiti niya ng dumami na ang tao sa paligid.


"Perfect for the grand finale," turo niya sa malaking ferris wheel na nasa harap namin. "Great, it's named after London eye," she added as she looked up the rotating MOA eye.


We got on and it started to move slowly. Habang unti-unti kaming umaangat ay nakitaan ko ng takot si Maggie. Sumisilip siya sa baba tapos ay biglang pumipikit.


I held her hand and placed my arm around her waist. "H'wag kang matakot. Hindi ka naman mahuhulog."


"Hindi pa nga ba?" makahulugan niyang saad. Huminga siya ng malalim bago naglabas ng maliit na kahon galing sa bag niya. "How I wish I could give you a ring," sabi niya na para bang maiiyak habang binubuksan ang hawak. "Take good care of this, okay?" She inserted a silver cross earring on my ear. "Happy Birthday Rylex. " Nakangiti niya nga akong binati pero umaagos naman ang luha sa mga pisngi niya.


Nang mga oras na 'yon nakaramdam ako ng pagkalito. "Bakit ka umiiyak?"


"Tears of joy?" sagot niya kahit pait ang rumehistrong ekspresyon sa mukha niya.


"Maggie?"


Saktong bumukas ang pinto ng sinasakyan namin ay pinahid niya ang mga luha at hinila ako palabas. "Bakit ang daming tao ro'n, puntahan natin." Hinayaan ko siyang hatakin lang ako hanggang sa marating namin ang kumpulan ng mga taong tila may hinihintay. The lights around seaside suddenly dimmed, then fireworks came running into the night sky. Pareho kaming napatingala ni Maggie sa langit na napapalamutian na ng makukulay na apoy. "Hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo." Tulala akong napalingon sa katabi dahil sa narinig. Even though the place is so loud and I can just barely hear her, still I was able to figure out what she's trying to say. Paanong hindi ko maiintindihan ang nangyayari kung malinaw kong nakikita ang rumasagasang luha galing sa mga mata niya. "You made me feel what I wanted to feel. Finally, naramdaman ko na rin ang pakiramdam na ipinagkait nilang maramdaman ko." Balak ko sanang magsalita pero hinarangan niya ng daliri ang mga labi ko at marahang umiling. "Let me at least leave my heart... and name with you." Tinakpan niya ang sariling bibig para pigilin ang kung anumang nararamdaman niya na gustong kumawala. "Thank you for fulfilling Magnolia Peñafrancia's request, Rowan Calixtro."


Part-time BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon