Third Person's P.O.VTagu-taguan
"Lindsay! Ikaw ang taya!" ani Kelly sabay turo sa batang si Lindsay.
"Ang daya naman!" pag mamaktol ni Lindsay.
"Ano ang madaya don? Psh, ikaw kaya ang naiba ng kamay sa'atin! Ang sabi ko kung sino ang maiba siya ang taya.."
Palihim na umirap ang batang si Lindsay at nag pakawala ng isang malakas na buntong hininga na aakalain mo ay galit dahil sa kanyang pag kakataya sa nilalaro nilang tagu-taguan ng limang kaibigan.
"Sige na Lindsay, ikaw naman talaga ang taya eh." Pag uudyok ni Ziah, isa sa mga kalaro ni Lindsay.
"Oo na!" Agad na bumusangot ang batang si Lindsay habang tinatakpan ang kaniyang mukha gamit ang palad at bahagyang dinikit ang mga ito sa pader. "Pag bilang ko ng twenty dapat nakapag tago na kayo ah?!" sigaw niya, agad naman na nag si ayunan ang mga kaibigan niya.
"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam... twenty.." Pag bibilang ng bata. Tinanggal niya na ang kaniyang palad na nakatakip sa mukha niya at agad na nilibot ang paningin sa buong bahay na pinag lalaruan nila.
Isa itong abandonadong mansion. Walang ilaw sa loob nito, tanging liwanag na nanggagaling lang sa araw nito ang nag sisilbi nilang ilaw. Tumatagos ang liwanag ng araw dahil sa mga konkretong sira sira na at malalaki na butas ng mansion, tanda ng pag ka abandona nito. Hindi ito nakikita ng mga bata bilang isang haunted mansion, nakikita nila ito bilang isang malaking palaruan para sakanila. Tuwing 12:00AM ay lagi sila naririto upang mag laro. Hindi alintana ang mga kahoy at sira sirang mga gamit na nag kalat sa buong bahay na maaari nilang ikapahamak.
"Asan kaya sila? hmmm.." pag tatanong ni Lindsay sa sarili.
Nag lakad lakad siya sa buong sala, nilibot ang mga likuran ng sofa at kung ano ano pang bagay na naririto. Maaalikabok at halos bulok bulok na ang mga kagamitan na nakakalat sa buong sala ng mansion.
Dismayado siyang napabuntong hininga ng makitang wala roon ang niisa manlang sa mga kaibigan niya. Mabilis mabagot si Lindsay, malayo sa mga kaibigan niya na pag natataya ay pursigidong mag hanap ng biktima.
Umakyat siya sa isang engrandeng hagdanan, gawa ito sa kahoy na makikinis, ngunit ngayon ay sira sira na at punong puno ng alikabok.
Nang makarating siya sa ikalawang palapag ay agad siyang nag tungo sa isang kwarto. Napagtanto niyang isang silid ito, may isang malaking kama na tila makaluma ang disenyo, may isang ring malaking binta kaya kitang kita niya ang tirik na araw sa labas.
Dahan dahan siyang pumasok rito, hinahanap ang kaniyang mga kaibigan.
Humagikhik siya ng makita ang isang napakalaking aparador. Higit sa sampung katao ang pwedeng mag kasya dito dahil sa kanyang laki. May mga agaw sa gilid gilid at gaya ng mga kagamitan dito ay maalikabok din...
"Huli kayo.." ani Lindsay at dahan dahang nag lakad papunta sa harapan ng aparador.
Biglang umihip ang napakalakas na hangin kaya agad na huminto ang bata. Nakabukas ang bintana sa silid kaya hindi na siya nag taka kung bakit nakapasok ang hangin mula sa labas. Muli ay nag lakad siya papunta sa aparador.
Tinignan niya ito ng nagtataka. Napansin niya ang dugo na lumalabas sa bawat butas ng aparador.
Hinawakan niya ang pinto nito upang buksan.. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang itong bumukas na pagka lakas lakas. Dahilan ng pag ka tilapon niya sa sahig. Tumili siya ng tumili. ng makita niya ang isang matandang babae na lumabas sa aparador. Namutla ang bata ng makita ang itsura nito.
Mahaba ang buhok ng matanda, purong itim na kulot kulot. Maski amg kaniyang balat ay kulubot na rin. Nakaitim siya na daster at may kutsilyo na nakasaksak sa leeg. Ang kaniyang mukha ay puro laslas, sa kabila nito ay nagawa pa ng matanda na ngumisi.
Mas lalong namutla ang batang si Lindsay.
"Bata.. Gusto mo mag laro tayo?" tanong ng matanda at dahan dahang lumapit kay Lindsay. Humalakhak ang matanda ng mapansing umaatras ito. "Ohh? saan ka pupunta? gusto mong mag laro diba?" ngumisi ito ng pagkalaki laki, kitang kita sa ngipin ng matanda ang mga kulay itim na uuod na naninirahan dito.
Sinubukan ni Lindsay na mag tungo sa pinto ng silid. Pinihit niya ito pabukas ngunit ayaw nito gumana. Tila kinulong ang bata sa loob.
"Umalis kayo! Umalis kayo!" ani ng bata habang umiiyak. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at halos Hindi na makahinga dahil sa takot.
"Hindi! Mag lalaro pa tayo diba?!" pagalit na tanong ng matanda kaya mas lalong naiyak si Lindsay.
"Asan ang mga kaibigan ko?" Tanong niya sa matanda habang umiiyak.
"Nahuli ko na sila!" binalot ng nakakademonyong tawa ang buong silid na mas lalong kinahagulgol ng batang si Lindsay.
"Hindi! Hindi! Hindi!" napaupo ang bata habang umiiyak. Bakas ang matinding takot sa kaniyang mukha ng makitang papalapit na ng papalapit sakanya ang matanda. Wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak.
"Lindsay.." ngumisi sakanya ang matanda. "Mag lalaro na tayo." ani nito at agad na hinatak si Lindsay papasok sa aparador. Nabalot ng matinding tila ang silid dahil kay Lindsay. Sa isang iglap lang ay nakapasok na kaagad sila sa aparador at bigla itong sumara ng pagkalakas lakas.
Rinig na rinig ang nakakakilabot na halakhak ng matanda ng tuluyan ng sumara ang aparador dala dala ang batang si Lindsay.