|Missing|

4 0 0
                                    


Benevie's P.O.V

"Ma! Si Lindsay nasaan?" natatarantang tanong ko kay Mama. Kaka-uwi ko lang galing sa dorm ko sa maynila ng ipaalam sakin ni Mama na nawawala ang bunso kong kapatid simula pa kahapon.

"Kahapon pa namin siya hinahanap, pinaalam na rin namin ang tungkol dito sa mga pulis.. Hanggang ngayon nag hahanap pa rin sila.." Bakas sa mukha ng mama ko ang matinding puyat at kawalan ng gana. Kahapon pa siya umiiyak sabi ng auntie ko.

"Saan ba kasi siya huling nag laro kahapon ma?" Tanong ko.

Pilit na inaalala ni mama kung saan huling nag paalam ang nakababatang kong kapatid upang mag laro. "Sa may mansion ng mga Puerte.." ani mama na ikinabahala ko ng husto.

"Mama naman! Bakit niyo hinayaan na mag laro sila doon?" naiiyak na tanong ko. Sobrang delikado sa mansion na iyon! Maraming bata na ang nawala sa bayan na ito at hula nila ay kinuha ng kaluluwa ni Aling Deza ang mga batang nag tutungo sa mansion niya upang makapag laro.

"Anak, hindi ko alam! Hindi ko naman pinapaniwalaan ang mga tungkol sa mga nawawalang bata dito noon!" giit ni mama sabay iyak.

"Siguro naman ma ngayon naniniwala na kayo?" tanong ko. Hindi sumagot si mama, umiyak lang siya ng umiyak sa harap ko at panay hingi ng tawad.

"Hahanapin ko ang kapatid ko mama, dito lang kayo at mag abang sa ibabalita ng mga pulis." Tumayo ako at nag tungo sa pinto ng kwarto ko.

Kailangan kong mag handa, kung sakali mang kinuha talaga ng kaluluwa ni Aling Deza ang kapatid ko. Kailangan ko itong pag handaan.

Kumuha ako ng isang malaking backpack. Isang T-shirt at isang pantalon ang inilagay ko sa loob. Kumuha ako ng dalawang malaking holy water sa altar namin at isang garapon ng asin, at bawang na nakahiwa na inilagay ko rin ito sa aking backpack..

"Tangina, hindi ko akalain na mapapasabak ako sa mga ganito." bulong ko sa sarili.

Nag suot ako ng isang kulay puting maluwag na T-shirt at pantalon, upang maging komportable ako.

Hindi naman masyadong mabigat ang laman ng bag ko kaya komportable akong tumakbo ng tumakbo.

Kinabit ko ang mga lock ng back ko upang makisiguro na hindi ito kakalas sa aking katawan. Lumabas ako ng kwarto dala dala ang aking flastlight. 10:00 na ng gabi kaya kakailanganin ko talaga ito. Nag tungo ako sa altar at taimtim na nag dasal. Nag suot ako ng isang rosaryo.

Bigla kong nakasalubong si mama habang nag lalakad sa pintuan.

"Saan ka pupunta nak?" takang tanong niya. Bumuntong hininga ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Hahanapin ko ang kapatid ko mama, dito lang kayo. Uuwi ako ng kasama ko si Lindsay, pangako ma." Unting unting pumatak ang luha sa mata ng mama ko at tumango tango.

"Sorry anak." aniya

"Nangyari na ma, wala na tayong magagawa pa."

"Mag iingat ka.." aniya at niyakap ako ng mahigpit sabay halik sa noo ko. "Mag dadasal ako para sa kaligtasan niyo."

--------

kasalukuyan na akong nasa tapat ng mansion ng mga Puerte. Sobrang dilim sa lugar, hindi ko maiwasang kilabutan. Wala manlang niisang ilaw na bumubuhay dito. Tanging ilaw lang ng buwan ang nag sisilbi nitong ilaw.

"Holy fuck.." bulong ko habang tinatanaw ang mansion mula sa kinatatayuan ko, sobrang laki nito at sobrang tahimik rin.

Nag sign of the cross ako at hinalikan ang aking kwintas na rosaryo. Huminga ako ng malalim.

"Kaya ko 'to.. Iisipin ko nalang na hindi nag e-exist ang mga supernatural sa mundo. Hindi totoo ang multo.. Hindi totoo, walang ganon. Alright, walang ganon.." mahinang sambit ko at nag lakad na papunta sa pinaka pinto ng mansion dala dala ang aking flashlight. Inilawan ko ang mga madadaanan ko. "Pag katapos nito pwede na kong tumambay sa starbucks ulit.. Para sa starbucks, kaya ko 'to."

Dahan dahan kong pinihit pabukas ang pinto. Sumalubong sakin ang nakakakilabot na hangin, dahilan ng pagka taas ng mga balahibo ko. Kung ano anong mura ang nasabi ko sa aking isipan habang pumapasok sa loob.

Sobrang dilim sa loob, halos wala na akonh makita, kung wala siguro akong flashlight ngayon ay malamang para na kong bulag na nangangapa ngayon.

Nabubulok na mga kagamitan ang mga naaamoy ko ngayon, maalikabok at puno ng agiw ang bahay. Sira sirang mga gamit at butas butas na mga konkret ang nakikita ko ngayon.

Bigla akong natahimik ng bigla akong makarinig ng mga yapak. Bigla akong kinabahan. Hindi lang isa ang mga yakap na naririnig ko, mukhang marami sila.

"Shit.."

"Nakikita niyo ba 'yon? May liwanag!"

"Tara sundan natin!"

Bahagyang napakunot ang noo ko sa mga narinig. Nag gho-ghost hunting ba 'tong mga kupal na 'to? hindi ba nila alam kung gano ka-delikado ang mansion na ito?

Napangisi ako sa aking naisip. Agaran kong pinatay ang flashlight at nag tago sa likod ng sofa. Tiniis ko ang mga alikabok na nalalanghap ko gamit ang pagtakip sa aking ilong.

"Shit bro! Sabi ko na nga ba may nag paparamdam dito eh!"

"Tara na umalis na tayo."

"Hindi! Kailangan ko pa mahanap si Kelly!"

"Bumalik nalang tayo pag sumikat na ang araw!"

"Kung gusto niyong umalis edi umalis na kayo! Basta hahanapin ko ang kapatid ko kahit anong mangyari!" Pag mamatigas ng isang lalaki.

walang ano'y ano'y umalis ang mga kaibigan niya at iniwan siyang mag isa. Kitang kita ko ang panlulumo at muhi sakanyang mukha dahil sa ikaw ng buwan sa labas.

Hindi ko mapigilan na mapahalakhak.

"Sino yan?!" takot na tanong niya. Nanlaki ang mata ko at mas lalong natawa.

"Sino sabi yan eh!" halata sa boses niya na malapit na siyang maiyak.

"Fuck friends.." bulong ko sa sarili. Ngumisi ako lalo at mas lalo siyang pinag tripan. "Anong ginagawa mo dito sa mansion ko?!" nilaliman ko ang aking boses upang mas lalo pa siyang matakot.

Tss, ang lakas ng loob na pumunta dito takutin din pala.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO SA MANSION KO!" Parang isang kulog na bumalot sa buong mansion ang narinig ko. Galit na galit ang boses kaya agad akong napalabas sa likod ng sofa sa biglaang kilabot. Binuksan ko ang aking Flashlight at tinutok sa lalaking iniwan ng kaniyang mga kaibigan ngayon.

Agad niyang sinangga ang ilaw ng flashlight gamit ang kaniyang braso. Iniwas ko naman agad ito sakanya.

"Ikaw ba yun?" nangangatal na tanong niya, bakas rito ang matindi niyang takot

Nung una ako, yung pangalawa -- ay hindi ko na alam.

Nasapo niya ang kaniyang ulo at napatitig sakin. Ganon rin ako sakanya. Maayos naman ang mukha niya, mukha namang tao..

! ! ! ! !

Don't mind the typos, di ko inedit, LOL. =) see you sa next chapter!

The missing soulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon