Benevie's P.O.V
Sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo rin ako, shit! Ano bang nangyari?
Ang huling natatandaan ko lang ang pag yanig na nangyari sa silid ng mga Puerte at matapos nun ay nawalan na ako ng malay dahil sa hilo.Pinilit kong ibuka ang aking mata, patagilid akong nakahiga, nararamdaman ko sa aking braso ang gaspang nang nahigaan ko. Laking pasasalamat ko sa diyos ng makitang hawak hawak ko parin ang aking Flashlight at natitirang holy water. Nakasukbit parin ang aking bag sa likod.
Nilibot ko ang aking paningin at napag tantong nasa isang malawak na gubat ako. Nag hahari ang dilim sa buong lugar, mga puno at matataas na damo lang ang iyong makikita. Sobrang tahimik na maski kuliglig ay wala.
Agad akong tumayo kahit hirap na hirap pa ako dahil sa sakit ng ulo. Pinag pagan ko ang aking damit na suot dahil sa mga maliliit na batong dumikit dito.
"Ouch!"
"Ano bang lugar 'to?"
"Shhs.. Wag kang maingay Cassadee!"
"Hanapin na natin yung mga bata."
"Duh? Saan natin sisimulan eh ang lawak lawak ng lugar na 'to! Atsaka ang dilim pa oh"
"Wait.. Asan na si Tam?"
"Oo nga 'no! Nasan na yun?"
"Hindi ko alam!"
Sari saring boses ang bumalot sa aking pandinig. Hindi sila kalayuan mula sa kinatatayuan ko kaya rinig na rinig ko ang kanilang pag uusap. Agad akong nag tungo sa isang puno at doon nag tago, pero laking gulat ko nalang ng may biglang humawak sa balikat ko. Ilang beses akong napamura sa sobrang gulat.
Humarap ako sakanya at sinabuyan sya ng holy water. Umatras ako, bigla akong kinabahan ng makitang wala itong epekto sakanya. Di manlang siya nasunog!
"Miss! Kalma!" hinarang niya ang kaniyang braso upang hindi mabasa ng holy water.
Binuksan ko ang flashlight at tinignan siya ng mariin. Napahinga nalang ako ng maluwag ng makitang tao siya.
"You scared the shit out of me!" nanggigigil na bulyaw ko sakanya.
Tinanggal niya ang kaniyang braso na naka harang sa kaniyang mukha at tinitigan akong mabuti.
"Ako yung kaninang kasama mo sa mansion!"
Tumaas ang kilay ko at tinitigan siya pabalik.
Siya nga 'yon. Yong bobong nag abot sakin ng isang bote ng mineral water imbis na holy water.
"Akalain mo 'yun! Nag kita ulit tayo!" natatawang aniya.
Tumaas ulit ang kilay ko. Agad na napawi ang kaniyang tawa ng makitang seryoso ako.
"Tam!"
"Lumayo ka sakanya! Demonyo 'yan!"
"Tam lumayo ka!"
Ohh. Chill your ass there, bullshits.
Hinarap ko ang mga kasama niya sa likod. Lahat sila ay nakatingin sakin ng masama.
"Guys! Kasama ko siya kanina pa sa mansion nung iniwan niya ko! Hinahanap niya rin ang kapatid niya." pagpigil ng sinasabi nilang 'Tam' sa mga kaibigan niya. "At hindi siya demonyo."
"Well she look like a demon for me." maarting sabi ng babae sabay pasada ng tingin sakin.
Umirap ako atsaka natatawa siyang tinignan. "Are you nuts?" Pinakita ko sakanya ang hawak hawak kong holy water at rosaryong suot. "Oo demonyo nga ako." sarkastikong sinabi.