|Black world|

0 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

"What are you doing here?" tanong ng dalagang si Benevie sa lalaking si Tam.

"Hinahanap ko ang kapatid ko." ani Tam bigla siyang nanlumo ng maalala ang kaniyang nawawalang kapatid na si Kelly. Kakauwi niya lang galing America ng mabalitaang nawawala na ang kaniyang kapatid na lalaki na di umano'y nag laho na parang bula.

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" pambawing tanong ng binata sa dalaga.

"Kagaya ng problema mo."

"Talaga? Nawawala rin ang kapatid mo?"

"Oo."

"Eh pano yan saan natin hahanapin? Nalibot na namin ang ibang bahagi ng mansion pero niisang bakas ng mga bata ay wala kaming nakita."

"Malinis kasi siya mag trabaho.." agarang saad ng dalagang si Benevie.

Umihip ang napakalakas na hangin kaya agad na lumapit ang binata sa dalaga, tila nag tatago sa gilid nito.

"Sino naman yung malinis mag trabaho?" tanong ng binata sa dalaga.
Sasagot na sana ang dalaga ng may bigla silang nakitang matandang babaeng nag lalakad pababa ng hagdanan.

"Tangina! Sino yan?" takot na takot na tanong ni Tam, kasalalukuyan na siyang nakakapit ngayon sa mga braso ni Benevie habang nakatingala sa hagdanan.

Huminto sa pag baba ang kaluluwa ni Aling Deza, nakangisi siya ngayon sa kina Tam at Benevie. Kitang kita ang uuod sakanyang ngipin at saksak sa lalamunan na hanggang ngayon ay di pa nahuhugot. Ang mga ugat niya sa mukha ay nagingitim na rin.

"Nasaan ang kapatid ko?" determinadong tanong ni Benevie, hindi mo mahahalata sakanyang boses ang takot o ano mang pangamba. Taas noo siyang nakatingin sa matanda.

"At bakit ko naman sasabihin hija?" nakangising tanong ng matanda.

"Piece of shit." pabulong na sabi ni Benevie. "Ibalik mo na ang kapatid ko at ang mga bata Aling Deza." kalmadong saad ni Benevie

"Hindi mo ako kailanman mauutusan dalagita.." muling sumilay ang nakakakilabot niyang ngisi.

"Umalis na tayo." nauutal na suhestiyon ni Tam, "mag tawag tayo ng pari.."

"Walang aalis!" Sumigaw ang matanda na animo ay sobrang galit dahil sa sinabi ng binata. "Oras na tumapak kayo dito sa pamamahay ko ay asahan niyo na hindi kayo makakabalik sa mga pinanggalingan niyo." humalakhak ito na parang baliw.

"Ang mga kaibigan ko? nasaan sila?" natatarantang tanong ni Tam.

"Ang mga kaibigan mo? Ayun oh.." Natatawang tinuro ito ni Aling Deza.

---------

Benevie's P.O.V

Napamura ako ng mahina ng makita ko ang mga kaibigan ng kasama ko ngayon na naka lutang sa sa ilalim ng chandelier ng mansion. Lahat sila ay walang mga malay.

"Kunin mo yung holy water sa bag ko, subukan mo lang mag pahalata.. Malilintikan ka talaga sakin." pag uutos ko sa kasama ko na nasa aking likuran.

Agad siyang tumango at dahan dahang binuksan ang zipper ng bag ko. Pinag masdan ko si Aling Deza na kasalukuyang nakangising nakatingin sa mga biktima niyang nakalutang ngayon.

Naramdaman ko nalang bigla ang pag tama ng kamay ng kasama ko sa akin at dahan dahang iniabot ang holy water.

Nang bumaling si Aling Deza sa gawi namin ay mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak dito. Itong holy water na 'to ang tanging makakapag salba sa'min.

Ngumisi siya na mala demonyo at agad na nag tungo sa harap namin. Gulat na gulat ako sa bilis niyang pag kababa. Isang kurap ko lang ay nasa harapan na namin siya.

"Putang--ina..." ani ng kasama ko sa likod.

Tumawa ang matanda at nag simula ng maglakad papunta sa direksyon namin, napakagat ako sa aking labi at dahan dahang umatras. Muntik ko pang matapakan ang paa ng kasama ko sa likod.

Tinignan ko ang hawak kong holy water, at laking pag tataka ko ng makitang isang bottle ito ng mineral water.

Putangina!!!

"Ang tanga mo! bobo! asan ang utak mo!" naiiritang sigaw ko sa kasama sa likod. "Babanatan talaga kitang hinayupak ka!"

"Ano?" takang tanong niya sa likod. "Itapon mo na yung holy water sa mukha nya--"

Imbis sa mukha ni Aling Deza ko itapon ang mineral water ay sa kasama ko ito binuhos sa sobrang irita.

"Ano---"

Hinagis ko ang bote sa mukha ni Aking Deza na papalapit na ng papalapit samin. Iniwas niya ang ulo nya dahilan ng hindi pag tama nito sa mismong mukha niya. Bumalandra nanaman ang kaniyang nakakakilabot na ngisi.

Agad kong kinalas ang pag kaka locked ng bag ko sa aking katawan at agad na hinanap ang holy water sa loob. Sa bawat pag hakbang ni Aling Deza ay ang pag atras naman namin.

Nang sa wakas ay mahanap ko na ito ay dali dali kong binuksan. Agad naman nahinto si Aling Deza sakanyang pag lalakad papalapit samin ng makita niya ang hawak ko.

"Good night Aling Deza." ngumisi ako at agad siyang sinabuyan ng holy water. Puro daing ang kaniyang ginawa ng paunti unting nasusunod ang kaniyang mga balat. Sumisigaw siya gamit ang isang nakakapanindig balahibong boses. Tila isang demonyong nag durusa at labis labis na nasasaktan.

"Tara na! We should them!" agad kong tinakpan ang natitirabg holy water, mukha namang sobrang nasasaktan si Aling Deza kaya makakatakas na kami.

"Pero yung mga kaibigan ko!" Giit ng kasama ko

Agad na nag init ang ulo ko ng maalala ang pag iwan sakanya ng mga kaibigan na sinasabi niya.

"Is that your definition of Friendship? Yung iniiwan ka when you needed them the most? They are so fucking selfish for fuck's sake! They only cared for them selves!" naiiritang sabi ko. "Kung gusto mo ay sakanila ka nalang sumama! Wag mo na hanapin ang kapatid mo! Wala kang kwenta." alam kong masyadong mean ang huli kong nasabi ngunit iyon nalang ang natitirang paraan upang magising siya sa katotohanan na mas kinakailangan siya ng kapatid niya ngayon. Agad kong ni-lock ang aking bag at mahigpit na hinawakan ang flashlight at holy water sa aking kamay. Nag simula na akong tumakbo pataas sa mansion.

"Sandali!"

Hindi ko na siya pinansin at nag tuloy tuloy lang akong umakyat pataas ng mansion. Agad kong binuksan ang pintuang una kong nadaanan.

Sinarado ko ito at nag tungo sa isang lamesa na may upuan. May isang relo dito na mukhang antigo. Agad ko itong kinuha at inikot ikot hanggang sa huminto ako sa 12:00PM.

Tinignan ko ang paligid ko. Kung mas madilim kanina pag pasok ko ay mas lalong dumilim ngayon. Para na akong isang bulag na walang makita na kahit ano. Sinubukan kong buksan ang flashlight ko ngunit hindi ito gumagana.

Biglang kumalabog ng pag kalakas lakas na animo'y isang mabagsik na lindol. Napaupo ako at tapatingin sa taas. Walang akong makita pero nararamdaman ko na umiikot ako ngayon.




The missing soulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon