Agad akong tumakbo sa loob ng hospital kung saan na bangga ko si Seonho
"NASAAN SYA?!"
Wala akong pake alam kahit mag mukha akong baliw dito. Ang mahalaga ay makita ko siya."Huh?" Sabi ni Seonho na para bang hindi tumatakbo ng maayos ang isip.
"Si Jaehwan. Nasaan ang boyfriend ko?"
Boyfriend? Bakit boyfriend na sabi ko? Bahala na.
"Na-nasa ER parin si hyung" agad namang napaluha si Seonho.
Pumunta ako sa ER at sa labas ay nakita ko ang mga kaibigan at nanay ata ni Jaehwan.
"Perena, buti nakarating ka" sabi ni Seongwoo
"Kamusta na sya?" Agad ko namang tanong sa kanila
"Hindi pa tapos ang operasyon, iha. Ang mabuti pa ay ma upo ka muna dito." Sabi ng matandang babae
Agad naman akong sumunod
"Ako nga pala ang Mommy ni Jaehwan" pagpapakilala nya sa sarili niya
"Ako nga po pala si Perena, ummmm gi-girlfriend ni Jaehwan" medyo naiilang kong pag papakilala.
"Ikaw pala yung kwenekwento nya saakin." Sabi nya habang naka ngiti
"Ho?"
"Alam mo ba pag kwenekwento ka niya saakin ang laki ng ngiti niya at kumikinang ang mga mata niya. Yung mahahalata mong inlove na inlove."
Habang sinasabi niya yun agad naman akong napaluha. Kahit hindi pa ako sigurado sa mga nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan ang sariling mapaluha. Sana wag niya naman akong iwan diba? Hindi pa kami tapos uy. Heck, hindi pa nga kami official eh.
------
"Doc, Kamusta po ang lagay ng anak ko?" Tanong ng papa ni Jaehwan este Tito pala. Nakarating siya mga 10 minutes matapos akong dumating.
"He's stable now but i'm sorry to say na even though he's stable he will be in a coma and we won't know when or if he'll ever wake up. All we can do now is to pray for his fast recovery."
Matapos nun ay inilipat na sa isang private room si Jaehwan at matapos ng isang oras ay unti-unti nang nagsi-uwi ang mga kaibigan ni Jaehwan.
"Perena, iha, umuwi ka na muna sainyo alam kong pagod ka." Sabi ni tita
"Ay hindi po. Kayo nalang po muna ang umuwi. Kami nalang po muna ni Woojin ang mag babantay sa kanya."
Sabi ko
"Ganon ba? Sige mag papahinga muna kami ng tito mo dahil galing kami sa Macau noong na receive namin ang balita. Babalik kami bukas ng 7am"
At matapos naming mag paalam ay umalis na sila.
"Ummm noona"
"Yes, woojin?"
"Pupunta muna ako sa may starbucks bibili ako ng makakain nating midnight snack"
Paalam saakin ng saeng ko.
"Sige pero mag ingat ka ha kumuha ka nalang ng pera dyan sa wallet ko."
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay hinawakan ko kaagad ang kamay ni Jaehwan.
"Uy, gumising ka na please. Hindi mo naman kami iiwan diba? Bebelus, kahit corny ng naisip mong tawagan natin. Pag gumising ka promise ko sayo hindi na ako sasabay kay Kihyun pag lunch. Susundoin na kita araw-araw. Kahit gawin mo akong maid okay lang. Basta gumising ka na.
*sniff sniff*
Please Jaehwan. Namimiss ko na yung kabaklaan mo, yung tawa mong pang psychopath, yung ka sassyhan mo. Namiss ka na rin nito. Nang puso ko kaya please gumising kana.Totoo nga ang sinabi sakin ni Minhyuk na sa huli ko lang marerealise ang halaga mo. Na sa huli ako mag luluksa at mag sisisi. If I had the chance to turn back time. I'll make every minute with you worth it. I love you Jaehwan"
At doon sigurado na ako sa nararamdaman ko. matapos nun ay napatulog ko ang sarili ko sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
Tae | 김재환
Short Story"shit! Tae!" »Kung saan hindi sinasadyang matapon ni Perena ang tae ng kanyang alaga sa isang lalaki ✄----- Kim Jaehwan WannaGays series 4 Started: 9/20/17 Finished:12/9/17 Cover by @seunglanes make sure to check out his spring day graphics as well...