33

236 7 4
                                    

Palabas na ako ng bahay matapos mag ayos para sa date namin ni Jaehwan.

Ewan ko ba doon laging naka dikit saakin na parang bubble gum

Natigil ako sa pag lalakad nang nakarinig ako ng sigaw ng isang babae

At dahil chismosa ako hinanap ko iyo

"AAAAAH!"

Napasigaw ako nang nakita ko ang isang bangkay ng babae na nawawalan ng isang kamay at paa. Halatang kinuha rin ang puso niya dahil sa isang butas sa kanyang dibdib. Nanginginig akong napatitig sa bangkay. Gustuhin ko mang tumakbo ay ayaw gumalay ng aking mga paa para bang napako sila sa aking kinatatayuan.

Nakarinig naman ako ng isang kaluskus sa may gilid ng isang malaking puno. Dahan dahan akong lumapit doon.

Muntik na akong napa sigaw sa nakita ko

Kinakain nya ang kamay nung babae. Kinakain ni......

Hindi ko iyon natuloy nang napalingon siya sa gawi ko at doon ko na naisipang tumakbo. Takbo ako ng takbo at nang akala ko nalito ko na siya ay bigla niya ako kinorner.

"Hays, bakit ba kasi kaylangan mo akong makitang ganon." Sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"Hayaan mo babe, hindi pa naman kita titikman eh sabi nga nila save the best for last" hinimas niya ang aking mga pisngi maging dahilan para makaroon ito ng bahid ng dugo.

Hindi ko naman inaakala naginto siya. Hindi sabihin niyong panaginip lang ito please. Gisingin ninyo ako malaking bangungot na ito.

Bigla kong naramdaman na may itinurok siya saakin. Maging dahilan ng mag dilim ng aking paningin.

Tae | 김재환Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon