Chapter 6

127K 3.1K 143
                                    

Nakikisabay nalang ako sa bawat araw na nagdadaan sa buhay ko.

Alam kong mali. Pero tayong tao ay mas mahilig pa sa mali. Kung saan pa ang mali ay doon tayo. Kung sino ang mali ay iyon pa ang pipiliin.

Kumbaga, nasa hirap ang sarap.

"Alam mo Zand. Ako yung nag aalala sayo. Paano kung malaman ni Natalia? At suguran ka? Anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Na gusto mo 'rin?" Sunod sunod na tanong ni Ruru.

I bit my lip at kinuha mula sa mata ko ang reading eyeglass ko. Nandito kami ngayon sa library.

The truth is, I'm afraid. I might wreck their relationship. Pwedeng masira sila dahil sa akin.

Hindi lang dahil sa akin. Dahil na din kay Damon. Alam kong may iba sa kanya e.

"Ang totoo hindi ko alam. Pero wala naman kaming relasyon ni Damon e.." Sabi ko na' pinunasan ang salamin ko gamit ang panyo at binalik sa mata.

Nagbabasa ako ng paborito kong storya.

"Wala nga e naghahalikan naman. Naku! ewan,sakit kayo sa ulo e.." Aniya at binuklat sa kabilang pahina ang binabasa niya.

Umiling nalang ako...

Paano ko ba pipigilin? Paano ko ba iiwasan? Kung siya naman ang lapit ng lapit?

Ang hirap ng sitwasyon ko. Gusto ko ang hindi puwede. Gusto ko ang hindi maari. Gusto ko ang hindi akin.

Sa ngayon masasabi ko na may something na kami? Kasi kung nakikita niya ako at kahit na anong iwas ko ay humaharang siya sa akin.

He don't care what people will say. Wala siyang pake sa mga nakakita sa ginagawa niya. Parang hindi siya aware na makarating kay Natalia. Parang wala siyang pake ,kung mag hiwalay man sila.

"Pupunta ka ba sa Wet party sa susunod na araw?' Tanong ni Ruru na nagwala sa pag iisip ko.

"Oo naman.."

Ngumiti siya at siniklop ang libro niya.
"Ako din! Excited na ako!"


"Ru!"

Napatingin ako sa lalaking tumawag kay Ruru. Si Alexander ,one of our varsity here. Alexander Cojuanco is Damon cousin in mother side.

Alam ko long time crush niya na iyan. Kaso hindi tulad ko, pakipot lang si Ruru.

"Alam ko na! Go kana sa lunch niyo!" Taboy ko sa kanya.

"Eh ikaw?!" Tumayo siya at kinuha ang bag niya.

"Busog ako, three hours of vacant tayo! Kahit mamaya na ako maglunch." Sabi ko.

Nang umalis na sila ay inabala ko ang sarili ko sa pag babasa. Mahilig akong magbasa ng libro.

Kung magreresearch ay sa libro ako naghahanap. Kung may project libro ang gamit ko. Kahit na may panibagong teknolohiya na tayo like internet,google etc.

Mas pipiliin ko ang libro.

Kumunti ng kumunti ang tao dito sa loob ng library hanggang sa marinig ko ang bagsak ng ulan sa labas.

Mas lalo akong hindi makakalabas dahil may ulan.

Kainis naman..

Tumayo ako at sinuli ang libro sa pinagkuhaan ko kanina. At pumili ulit ng bago habang nagpapatila ng ulan.

"Ano kaya ang maganda?"

Kagat kagat ang labi ko na naghahanap nang bagong babasahin hanggang sa makarating ako sa pinakadulo na banda at last row ng mga bookshelfs.

Sa pinaka taas ay nakita ko doon ang itim na itim na makapal at may pulang titulo na 'VAMPIRE DIARIES.

Ito yung isa sa mga paborito kong basahin. Kaya inabot ko iyon para basahin ulit.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko abot. Tumalon ako ng konti para maabot iyon. Pero may kamay na ang naunang kumuha 'non.

Halos nanigas ako ng maamoy ang amoy niya . Napapikit ako ng mariin ng bumambo na naman ng wagas ang dibdib ko.

Walang ka hirap hirap niya iyong kinuha. Humarap ako sa kanya ng dahan dahan pero mas lalo lang bumambo ang dibdib ko dahil' sobrang lapit niya sa akin. Halos sumagi ang ilong ko sa chin niya.

Ramdam ko ang init na hatid ng katawan niya na nagbigay ngatog sa tuhod ko.

"Here." Malamig na sabi niya at inabot sa akin ang libro.

Nanginginig ang kamay ko na kinuha iyon.

"S-Salamat.." Sabi ko.

He sighed and held up my chin.

"Is there anything wrong?" He asked in a deep voice.

Oo may mali. Mali ito,mali ang nararamdaman ko, mali na nandito ka, mali na hinahayaan ko ito,lalo na mali dahil mahal kita.

Hinawi ko ang kamay niya kaya kita ko kung paano siya nagtaka sa ginawa ko.

Tahimik man akong tao ,alam ko ang tama at mali. Kaya nagtaka ako kung bakit niya ako tinatanong?

Matalino siya ,alam ko. Kaya dapat alam niya.

"Wala naman.."

Alam kong hindi siya kumbinsi sa sinabi ko dahil mas lalo niya lang akong kinorner sa kinatatayuan ko. Kinulong niya ako sa malaki at makisig niyang braso.

Napalingalinga ako sa paligid baka may makakita sa ginawa niya.

"Damon, b-baka.."

"I don't care," He lazily said.

Nangunot ang noo ko.

'Nong kailan lang ay narinig ko lang na ayaw niyang saktan si Natalia dahil sakin, tapos ngayon ito? Ano ba talaga!

"Baka makarating kay-kay Natalia,Damon. Ayo...kong--"

Napatigil ako ng hawakan niya ang chin ko at inangat iyon.

"Natalia will understand."

Ano? Maiintindihan ni Natalia? Na ano? Na ganito ang ginagawa namin? Wow kung ganon. Dahil kapag ako ang girlfriend ni Damon. Sigurado sa Pluto na kami titira para walang kaagaw sakanya.

"Hindi ko maintindihan."

"You will. Sa tamang panahon." Aniya sa akin. Ano daw? Mas lalo lang akong nalito eh.

His other hand traveled on my bare back.

"Dadalo ka sa Wet Party?" He suddenly asked.

Sasagot na sana ako pero may tatlong babaeng dumaan.

Kaya mas lalo ko lang binaon ang ulo ko sa dibdib ni Damon.

Ang bango.

Si Damon ay relax lang tila walang pake sa mga dumaan.Nang nakadaan na ang tatlo ay bahagya kong tinulak si Damon.

"Damon.. Na-nkita tayo." I was so nervous. Mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin.

"And so?"

I scoffed.

"And so? baliw ka e. Baka malaman ni Natalia."

"Then let them know." Simpleng sagot niya.

What??

"You're going?" He asked again. Alam kona agad na tungkol sa Wet party iyon.

I nodded.

"O-oo."

Umigting ang panga niya..

"Don't go."

Nagulat ako sa sinabi niya..

Huh?

"Huh? Bakit?" Bakit ayaw mo akong papuntahin?

"Have a date with me." 

MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon