Chapter 8

124K 2.8K 63
                                    

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko 'rin alam ang gagawin. Parang galit siya. Nag-iba agad ang modo niya dahil sa call ni Ryle.

Ano kaya ang sinabi ni Ryle? Bakit napatawag iyon?Hindi ko na nahawakan ang cellphone ko dahil nasa dashboard iyon.

Galit kaya siya? Ni hindi siya sumulyap sa akin mula kanina.. Bakit kaya?

Gusto ko siyang alagaan. Gusto ko siyang mahalin sa sariling kaalaman ko.


Kinakabahan,dahil first time ko ito. First time kong makipag date sa kanya.

Kontento,ako sa ngayon, na naging maayos ang interaksyon naming dalawa kumpara sa mga nagdaang araw.

Marahan akong bumuga ng hangin.

"Uh.. Saan tayo pupunta? " Sa wakas ay nagkalakas loob akong magtanong.

"Tagaytay." Maikling sagot niya.

Hala! Tagaytay? Ang layo naman..

I gasped softly. Sa huli pinili ko nalang ang manahimik. Wala na din naman akong magagawa.

Nagbibigay talaga kilabot sa akin yung tattoo niya sa kamay at braso minsan.

He looks like boisterous. Kahit naman sa ugali. Ngayon ko lang talaga napagtanto na kung siya ang boyfriend mo ay halos bawal lahat.

He's possesive,dapat ang kanya ,sa kanya lang. Kung aagawin mo, patay ka. 'Yon yung dating ng aura niya e. Matatakot at maiintimidate ka talaga.

Sa magpipinsan ,si Damon kasi yung mas hirap basahin at siya rin ang pinaka salbahe.

Noon ay palagi akong nakakarinig na nasasangkot siya sa mga rambulan. Pero ngayon parang hindi na.

"Ryle courting you?" Napabalik ako sa huwisyo ko nang magsalita siya. Napatingin ako sa kanya.

I looked away.

"Hindi, kaibigan ko siya,mula ng high school pa lang kami."

Nasa daan parin ang tingin niya.

Nanahimik naman agad siya. Bago kami tumuloy tuloy ay dumaan kami sa isang drive thru ng jollibee.

May mga binili siyang pagkain,doon at maiinom.

Wala akong ediya kong saan sa Tagaytay niya ako dadalhin. Hindi pa naman ako doon nakakapunta.

First time kong makipagdate,first time ko 'rin ang pumunta doon.

Habang hinintay ko siya ay' kinuha ko agad ang cellphone ko sa dashboard.

May mga text doon si Ruru at Ryle.Binasa ko una yung kay Ru.

From Ruru: Good morning ,pupunta ka mamaya?

Malamang hindi. Alam kong gagabihin kami ni Damon e. Malayo ang Tagaytay.
Sunod na binasa ko ang kay Ryle.

From Ryle: Hey! Hindi ko alam na may boyfriend ka. Balak ko sanang yayain ka makipagdate. I think,huli na ako.

"Who's that?" Napapitlag ako dahil hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok ni Damon.

Agad kong tinago ang aking cellphone. Nakita ko ang pagsunod ng tingin niya sa kamay ko na nagtago ng cellphone sa aking likod,to make it clear ,sa likod ng puwet ko.

Tuluyan na siyang pumasok ng padarag.Nanlamig agad ako sa kaba. Eto na naman ang puso ko. Sobrang kabog na naman na halos hindi ako makahinga ng maayos.

"Give me your phone.." He uttered.

What the hell! Ganyan ba siya? Kung magkasama kayo ,bawal ang cellphone?

MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon