PROLOGUE
FOUR YEARS AGO
College life is sucks. Kabila-kabilang thesis, project and more. Wala nabang katapusan? Nakakabwisit yun ah! Tsk.
"Smile, kitten. Papangit ka niyan, bahala ka." Sabay yakap saakin sa likod.
"Oh yan na, happy?" Sabay ngiting may alinlangan. Bakit ba? Eh nabwibwisit ako sa mga prof ko, laging may pa thesis. Hindi nauubusan ng idea sa utak, eh.
"Tignan nga, hmmm Fake. Oh sige ganito nalang, sumama ka nalang saakin para maging happy kana ulit. Alam mo namang ayaw kitang nakikitang malungkot diba? So tara..." Sabay hila saakin. Saan kaya ako dadalhin ng mokong na 'ito? No idea.
Siya pala si Lief Aaron Kingsley, boyfriend ko for 4 years na at ako naman si Kitt Kate Roberts. 3rd year college na kami but magkaiba ng course, siya ay kumukuha ng BSCE or Bachelor of Science in Chemical Engineering and ako naman ay BSAE or Bachelor of Science in Architectural Engineering. Matagal na namin gusto ang course naming dalawa, pinagusapan pa nga kahit nagpalitan kami ng course. Ako talaga ang gustong maging chemical engineer someday at siya naman ay architect. Ewan ba namin bakit naisipan namin na magpalit or it's just a plain trip.
Nasa isang oras ata kami bumyahe bago narating ang EK.
What? EK? Really, wow! I miss here. Matagal na noong huling punta ko dito, nasa three years na ata. Excited akong bumaba sa kotse at nilibot ang paningin, I'm so ready na sa mga ride. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti ng malawak.
"Told you, kitten." And hug me again in the back. Ang hilig niya talaga mangyakap diyan sa likod.
Kumalas ako sa pagkayakap niya, humarap ako at kiniss siya sa lips before I say "Thanks, Lief. You're the best BOYFRIEND!! Woooo..." At nagtatakbo na pa entrance.
Hinabol niya ako at sabay kaming pumasok at nag enjoy.
.
.Sulit ang araw, linggo at buwan na pagod sa paggawa ng kung ano-ano sa school dahil sa sayang naramdaman ko. All the ride there ay nasubukan namin kahit pa paulit-ulit kami sa iba like sa my all time favorite kong ferris wheel. Binilhan pa niya ako ng chapeau na nagustuhan ko naman.
"You okay now?" He ask with a smile.
How lucky I am because this man loves me so much. "Yes, I'm so happy. Thanks to you, boyfie." Sabay yakap sa kanya.
"It's my responsibility to make you happy my kitten, anyway napagod kaba?"
"Not really. Eh ikaw?" Ngumiti lang siya saakin pero agad ding binalik ang tingin sa daan.
"I'm good." He said while driving. "I love you, my kitten." Napangiti naman ako sa aking narinig, binaling ko sa kanya ang paningin saka ngumiti.
"I love you too, my boyfie." Then he's smile at me.
We're heading to manila again, gabi na rin kasi. Pero sa kalagitnaan ng byahe may nakita kaming isang itim na pusa na nasa gitna ng daan kaya agad pinatigil ni Lief ang kotse.
Napatitig ako sa kanyang mata ng matagal, parang kalahati ng buhay ko ang dumaan at parang nakasalalay sa kanya kung ano man ang magiging kapalaran namin. At hindi ko alam kung namamalikmata lang ako ng nakita ko siyang ngumiti saakin, bigla akong nakaramdam ng kaba.
Napatingin ako kay lief ng nagmura ito dahil hindi kumagat ang preno, nag-panick ako dahil pwede namin masagasaan yung pusa o pwede naming ikamatay kung magtutuloy-tuloy itong kotse sa pagandar.
"Kitten. Kitten, listen. Baby everything's gonna be okay, don't worry..." Tumingin ako sa kanya. Sari-saring image ang pumasok sa aking isipan, maraming posibilidad ang dumaan at lahat yun ay nagpaiyak saakin.
Everything's goona be okay? Magiging okay pa nga ba ang lahat? Okay nga bang naging ganito ang nangyari?? Ang sakit kasi eh. Bakit naging ganito? Bakit? Bakit!!
"Lief, natatakot ako." Tumingin siya saakin at masayang ngumiti.
"I'm here, I'm your hero diba? Trust me."
Hangang niliko ni lief ang manibela para hindi matamaan ang itim na pusa pero kasabay ito ng pagbulusok namin sa bangin hangang nabangga na kami sa malaking puno ng acacia.
Nahihilo ako. Nasusuka. Hindi makahinga. Masakit ang buo kong katawan. Nanlalabo na rin ang aking paningin.
Pinilit kong dumilat, pinilit kong tignan si lief na nakayakap saakin. At sa nakita ko parang gusto ko nalang na ako ang pumalit sa kalagayan niya, he saved me. He truly loves me, and it's hurts me na wala akong nagawa sa kanya. Pinasaya niya ako ngayong araw, pinaramdam niyang nandito siya sa tabi ko lagi pero ito, ito siya. Kapalit ng pagmamahal at pagaaruga ito siya nakayakap saakin...
Walang buhay, isa ng malamig na bangkay.
Kung sino pa, siya pa ang nagdurusa. Bakit hindi nalang ako? Bakit itong tao pang ito.
"Bakit hindi nalang ako, please ako nalang." Sabay iyak ng malakas habang yakap-yakap siya. "Mahal na mahal ko siya... Please kahit ano gagawin ko, please ibalik niyo lang siya saakin. Please... Please... Lief, boyfie, love, babe, mahal wag mo akong iiwan. Please..."
Iyak lang ako ng iyak. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong magpakamatay. Hindi ko na alam ang gagawin ko, paano na ako nito. Hindi ko siya kayang mawala, hindi ko kaya ang isang araw na hindi siya makita. Ikamamatay ko iyon.
Hangang unti-unti na akong nilalamon ng kadiliman pero bago iyon nakarinig ako ng isang boses..
"Kapalit ng kanyang buhay ay
kapalit ng buong buhay mo.
Isang tunay na pag-ibig ang
magpapabalik saiyo."Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil nilamon na ako ng kadiliman.
Patungo sa isang mundong walang kahit sino, isang mundong ako lang wala ng iba.
∞∞∞∞∞∞
This is work of fiction, names, characters, businesses, places, events, incidents are either the PRODUCTS of the author's imagination or used in a fictional manners and therefore don't exist.
No part of this publication may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods without the prior written permission of the author.
Copyright by @Iamjafc / Miss Green
All rights reserved.
BINABASA MO ANG
The Twisted Tale, The Twisted Fate [COMPLETED]
Misteri / ThrillerManiniwala ka ba sa isang pangyayaring hindi naman magiging totoo sa iba? Sa isang kwentong katang isip lang para sa iba? Pero paano kung mangyari ito saiyo? Isang pangyayaring mapapaisip ka kung totoo ba ang mahika at kung totoo ba ang mga sumpa. S...